25/06/2026
Daily Verse | Matthew 7:23, RSV
'Then I will tell them plainly, 'I never knew you. Away from me, you evildoers!
- Matthew 7:23, RSV
May bestfriend ako na matagal ko nang kaibigan. Hindi kami yung tipong araw-araw na naguusap. Minsan aabutin pa ng ilang araw bago magreply. Madalang din kaming magkita.
Pero nakakatuwa kasi kapag nagkita kami ulit, parang walang nagbago. Walang awkward na “dka marunong magreply noh?” Tuloy lang ang tawanan, kwentuhan, at asaran. Kahit hindi kami laging nagkakausap, alam naming nandyan pa rin kami para sa isa’t isa.
Narealize ko tuloy na hindi lahat ng relationship nasisira dahil lang sa distansya. May mga relationship na matatag dahil may connection pa rin kahit hindi laging nagkikita. Hindi katulad ng iba dyan, “Napagod” daw. Eme.
Pero iba rin kapag relationship na natin kay Lord. Kasi sa Kanya, hindi sapat yung “okay lang yan, Lord, alam Mo naman mahal Kita kahit hindi tayo naguusap.” Syempre kailangan pa rin nating maglaan ng oras para sa Kanya. At sa totoo lang, hirap din ako minsan.
Nagdadaily Mass ako sa Cathedral, pero hindi ibig sabihin nun na lagi akong focused. Minsan habang naghohomily si Father, may sarili nang buhay yung isip ko. Minsan nga yung malaking electric fan sa kisame ang kalaban ko.
Habang ongoing ang Mass, ang nasa isip ko, “Matibay naman siguro yung turnilyo niyan no?” “Malalaglag kaya yan?” “Lipat kaya ako upuan? Para kapag nalaglag edi safe ako”
Minsan naman, nakatingin lang ako sa altar pero yung utak ko nasa ibang planeta na, minsan sa pagkain, o kaya sa isa dyan na matagal magreply. Ay mali.
Narealize ko na normal lang palang mahirapang magfocus. Hindi lang sa pagdarasal. Hindi lang sa Misa. Pati nga sa klase e.
May mga panahon din na ganado tayong magdasal, magbasa ng Bible, magsimba, at magserve. Pero pagkatapos ng ilang araw o linggo, bumabalik na naman tayo sa dating routine. Nagiging busy. Napapagod. Nawawalan ng gana.
At minsan naiisip natin, “Nakakahiya naman kay Lord. Paulitulit na lang akong pabalikbalik.” Pero ang magandang balita, hindi sumusuko ang Diyos sa atin.
Hindi naghahanap si Lord ng taong perfect magdasal. Ang gusto Niya ay yung taong kahit paulitulit nadidistract, pinipili pa ring lumapit sa Kanya.
Kasi ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung gaano ka katagal nakafocus. Minsan nasusukat din ito sa kung ilang beses kang bumabalik. Ako nga ginawa kong lima ang second chance e☺️
Kelan mo huling binigyan si Lord ng buong atensyon mo?
-nonefromtheabove