29/07/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐๐
Ngayong kapistahan nina San Lazaro, Santa Martha, at Santa Maria ng Betania, ginugunita natin ang magkakapatid na naging tapat na kaibigan at minamahal na mga alagad ng ating Panginoong Hesus. Si Santa Martha ay larawan ng masigasig na paglilingkod, si Santa Maria ay huwaran ng pakikinig at pagmamahal sa Salita ng Diyos, at si San Lazaro ay naging tanda ng kapangyarihan ni Kristo bilang muling pagkabuhay at buhay (Juan 11). Sa kanilang tahanan sa Betania, nasilayan ang pananampalataya, pagmamahal, at pagtitiwala sa Panginoon sa gitna ng kagalakan at pagsubok.
Ipinapaalala sa atin ng buhay nina Martha, Maria, at Lazaro na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay hindi lamang nasusukat sa ating paglilingkod, kundi maging sa ating pakikinig sa Kanyang Salita at buong pagtitiwala sa Kanyang kalooban. Tulad nila, nawa'y maging bukas ang ating mga puso sa presensya ni Hesus sa ating tahanan, pamilya, at pang-araw-araw na buhay. Sa gitna ng ating mga gawain, alalahanin nating ang pananampalataya, pagmamahal, at pag-asa sa Diyos ang siyang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa lahat ng ating ginagawa.
Panalangin kay San Lazaro, Santa Martha, at Santa Maria ng Betania
O katotong tunay ng Panginoon, San Lazaro, kapatid nina Martha at Maria ng Betania, ikaw na patron ng mga may sakit at nahihirapan, tulungan mo kaming gumaling sa aming mga karamdaman at ilayo sa mga bagay na makapipinsala sa aming kalusugan. Nawa'y maging inspirasyon namin ang iyong matatag na pananampalataya, ang iyong pagmamahal sa Panginoon, at ang iyong malasakit sa pamilya. Amen.
O mapalad na Santa Martha, ang iyong pananampalataya ang nag-udyok sa iyo na kilalanin si Hesus bilang Anak ng Diyos at Mesiyas. Ipanalangin mo kami upang lumago sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, at maging tapat sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Amen.
O pinagpalang Santa Maria ng Betania, huwaran ng kapakumbabaan at taimtim na pakikinig sa Salita ng Diyos, turuan mo kaming pahalagahan ang mga biyayang Kanyang ipinagkakaloob. Pagkalooban mo kami ng kasipagan sa paggawa ng mabuti at ng pusong laging handang maglingkod at magpuri sa Diyos. Amen.
San Lazaro, Santa Martha, at Santa Maria ng Betania, ipanalangin ninyo kami. Amen.
CAMARERO:
Santa Marta - Capalaran Family
Santa Maria - Madrigal Family
(Our parish is still looking for donor of the image of St. Lazarus of Bethany.)