SAN ROQUE de Sta Mesa, Maynila

SAN ROQUE de Sta Mesa, Maynila Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAN ROQUE de Sta Mesa, Maynila, Religious organisation, Quiapo.

Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan1 Corinto 1, 17-25Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11Awa’t pag-ibig ng Di...
27/08/2026

Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan

1 Corinto 1, 17-25
Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Mateo 25, 1-13

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 17-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sapagkat sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo’y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa krus.

Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, ito’y kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, at pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino.” Ano ang kabuluhan ngayon ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na dibatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan.

Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya itinulot na siya’y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito. Sa halip, minarapat niyang ang mga nananalig sa kanya’y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral ngunit ipinalalagay naman ng sanlibutan na isang kahangalan. Ang mga Judio’y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral nami’y si Kristong ipinako sa krus – isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si Kristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala namang kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
Kayong masunuri’y magpuri sa kanya!
Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Awa’t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaa’y lubos.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na Poong mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Happy 116th BirthdaySaint Mother Teresa of CalcuttaPray for Us August 26, 2026
26/08/2026

Happy 116th Birthday
Saint Mother Teresa of Calcutta
Pray for Us

August 26, 2026

TYPES OF FAKE NEWS.
24/08/2026

TYPES OF FAKE NEWS.

Daily Mass Readings (English) August 22, 2026 Saturday - Memorial of the Queenship of the Blessed Virgin Mary✝️ MASS REA...
21/08/2026

Daily Mass Readings (English) August 22, 2026 Saturday - Memorial of the Queenship of the Blessed Virgin Mary

✝️ MASS READINGS

🙏 First Reading
EZEKIEL 43:1-7AB

A reading from the book of Prophet Ezekiel

The angel led me to the gate which faces the east, and there I saw the glory of the God of Israel coming from the east. I heard a sound like the roaring of many waters, and the earth shone with his glory. The vision was like that which I had seen when he came to destroy the city, and like that which I had seen by the river Chebar. I fell prone as the glory of the LORD entered the temple by way of the gate which faces the east, but spirit lifted me up and brought me to the inner court. And I saw that the temple was filled with the glory of the LORD. Then I heard someone speaking to me from the temple, while the man stood beside me. The voice said to me: Son of man, this is where my throne shall be, this is where I will set the soles of my feet; here I will dwell among the children of Israel forever.

The Word of the Lord.

🙏Responsorial Psalm
PSALMS 85:9AB AND 10, 11-12, 13-14

:
THE GLORY OF THE LORD
WILL DWELL IN OUR LAND.

I will hear what God proclaims;
the LORD–for he proclaims peace.
Near indeed is his salvation to those who fear him,
glory dwelling in our land.

:
THE GLORY OF THE LORD
WILL DWELL IN OUR LAND.

Kindness and truth shall meet;
justice and peace shall kiss.
Truth shall spring out of the earth,
and justice shall look down from heaven.

:
THE GLORY OF THE LORD
WILL DWELL IN OUR LAND.

The LORD himself will give his benefits;
our land shall yield its increase.
Justice shall walk before him,
and salvation, along the way of his steps.

:
THE GLORY OF THE LORD
WILL DWELL IN OUR LAND.

🙏Alleluia
MATTHEW 23:9B, 10B

R. Alleluia, alleluia.
You have but one Father in heaven;
you have but one master, the Christ.
R. Alleluia, alleluia.

✝️Gospel
MATTHEW 23:1-12

A reading from the Holy gospel according to Saint Matthew

Jesus spoke to the crowds and to his disciples, saying,
“The scribes and the Pharisees have taken their seat on the chair of Moses. Therefore, do and observe all things whatsoever they tell you, but do not follow their example.
For they preach but they do not practice. They tie up heavy burdens hard to carry and lay them on people’s shoulders,
but they will not lift a finger to move them. All their works are performed to be seen. They widen their phylacteries and lengthen their tassels. They love places of honor at banquets, seats of honor in synagogues, greetings in marketplaces, and the salutation ‘Rabbi.’ As for you, do not be called ‘Rabbi.’ You have but one teacher, and you are all brothers. Call no one on earth your father; you have but one Father in heaven. Do not be called ‘Master’; you have but one master, the Christ. The greatest among you must be your servant. Whoever exalts himself will be humbled; but whoever humbles himself will be exalted.”

The Gospel of the Lord.

ISANG SANTONG NANIRAHAN SA PILIPINAS 🇵🇭Kapag pinag-uusapan ang mga banal na may natatanging ugnayan sa Pilipinas, isa sa...
19/08/2026

ISANG SANTONG NANIRAHAN SA PILIPINAS 🇵🇭

Kapag pinag-uusapan ang mga banal na may natatanging ugnayan sa Pilipinas, isa sa mga pangalang dapat nating alalahanin ay si San Ezekiel Moreno, isang paring Agustino Rekoleto mula Espanya na naglingkod sa Pilipinas nang 15 taon.

Isinilang siya sa Alfaro, Espanya, noong 1848. Dumating siya sa Maynila noong 1870 at naordinahang pari sa Katedral ng Maynila noong Hunyo 2, 1871. Sa kanyang ministeryo, naglingkod siya sa iba't ibang bahagi ng bansa, kabilang ang Mindoro, Palawan, Maynila, Batangas, Las Piñas at Cavite.

Sa Calapan, Mindoro, pinag-aralan niya ang wikang Tagalog upang mas maayos na mapaglingkuran ang mga tao. Ipinadala rin siya sa Palawan noong 1872 bilang kapelyan ng mga sundalo at ng colonya penal, kung saan tumulong siya sa pagtatatag ng Simbahan at komunidad na ngayon ay Puerto Princesa.

Malaki rin ang kanyang naging ambag sa Cavite at Las Piñas.

Pinamahalaan niya ang mga hacienda sa Imus, Bacoor at Dasmariñas sa Kabite. Ang Molino Dam, na kilala rin bilang Prinza Dam, sa hangganan ng Las Piñas at Bacoor ay naging mahalaga sa mga magsasaka sa lugar. Noong matinding tagtuyot ng 1885, ipinagawa ni San Ezekiel ang pagsasaayos ng dam upang matulungan ang mga magsasaka at mabawasan ang epekto ng tagtuyot. Dinisenyo ang dam ni Fr. Hilario Bernal, OAR, at isinaayos ito ni San Ezekiel. Natapos ang dam noong 1890.

Naglingkod din siya sa mga maysakit, lalo na noong panahon ng mga epidemya, at patuloy na tumugon sa mga pangangailangan ng mga pamayanang kanyang pinaglilingkuran.

Noong 1888, umalis siya sa Pilipinas patungong Colombia, kung saan kalaunan ay naging obispo ng Pasto. Pumanaw siya sa Espanya noong Agosto 19, 1906 matapos magkasakit ng kanser.

Biniyayaan siya ng beatipikasyon ni Pope Paul VI noong 1975 at kanonisasyon ni Pope John Paul II noong Oktubre 11, 1992. Siya rin ay tinaguriang patron ng mga may kanser.

San Ezekiel Moreno, ipanalangin mo kami.

Happy Fiesta 2026
17/08/2026

Happy Fiesta 2026

15/08/2026

Address

Quiapo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAN ROQUE de Sta Mesa, Maynila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share