06/10/2026
Panalangin sa Reyna ng Santo Rosaryo
O Birheng Maria,
ipagkaloob mo na sa Panalangin ng Santo Rosaryo bawat araw,
sa kabila ng maraming gawain, ito’y maging gabay
sa lahat ng aming gagawin, makadagdag sa amin bilang karugtong
ng iyong kabutihan at lakas sa patuloy na paglalakbay.
Loobin mo po higit sa lahat, O Birheng Maria,
na sa patuloy na pagninilay ng mga misteryo ng Santo Rosaryo,
mahubog ang aming kaluluwa
dahan-dahan, magliwanag, dumalisay, magpatatag, at humalimuyak;
na manuot sa aming pang-unawa, sa aming determinasyon, sa aming puso,
sa aming alaala, sa aming gunita, at sa aming buong pagkatao.
Nawa’y ugaliin naming manalangin, hindi sa paraang kinasanayan,
kundi sa palagiang pagpaparangal,
at patuloy na paghahangad ng pag-ibig.
(Sa katahimikan ay idulog ang mga Panalangin.)
Ito’y aming hinihiling, O Reyna ng Santo Rosaryo,
sa pamamagitan ng pagdalangin ni Santo Domingo,
ang tagapagturo ng mga misteryo
at tapat na tagasunod ng mga katangian nito.
Amen.
O Maria, Reyna ng Santo Rosaryo,
Ipanalangin mo kami!