05/09/2026
HAPPY HAPPY BIRTHDAY ATE CION!
Sa iyong espesyal na araw, buong puso naming ipinapanalangin na patuloy kang pagpalain ng ating Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, kapayapaan, at masaganang biyaya.
Nawa'y lagi kang gabayan ni Santa Clara ng Assisi, ang ating Mahal na Patron, sa bawat hakbang ng iyong buhay. Nawa'y maging sandigan mo siya sa panahon ng pagsubok at maging kasama mo sa bawat tagumpay at biyayang tinatanggap.
Maraming salamat sa iyong paglilingkod, panahon at pagmamahal sa ating Simbahan at komunidad. Nawa'y patuloy kang maging pagpapala sa mga taong nakapaligid sa iyo.
Sa panibagong taon ng iyong buhay, nawa'y mas marami pang pangarap ang matupad at mas marami pang biyaya ang dumating.
Maligayang Kaarawan! Nawa'y lagi kang pagpalain at ingatan ng Diyos, sa pamamagitan ng panalangin ni Santa Clara ng Assisi.
From your Sta. Clara De Asis Chapel Family & Kabataang Lingkod ni Sta. Clara (Choir, Leccom, Mass Collectors/Usherette/Greeters/Soccom & Media)