18/09/2020
Maligayang Kaarawan sa ating mga kapatid na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Buwan ng Setyembre π
Hiling at aming dalangin sa inyong kaarawan ang payapang pamumuhay na puno ng pagmamahal. Karunungan upang inyong makamit ang mga pangarap na inyong sinisikap makamit. Bukas at malawak na pag-iisip sa mga pagsubok at problemang kinahaharap, haharapin at darating pa sa inyong buhay. At nawa'y mapanatili ninyo ang malinis ninyong puso at mapuspos kayo ng pag-ibig sa buo ninyong buhay. Basbasan nawa kayo ng Panginoon ng mga biyayang liglig, siksik at umaapaw. At matibay na pananampalataya.
Nawa'y makapanatili kayo sa inyong paglilingkuran sa ating Panginoong Diyos. Makapaglingkod ng tapat at sapat. Makapagbahagi ng salita ng Diyos sa ating kapwa. At mamuhay ng may pagmamahal at takot sa Dakilang Diyos sa Kaitaasan.
Muli, aming pagbati sa inyong kaarawan, HAPPY BIRTHDAY ππ
Hiraya Manawari mga kapatid ππ
Sean Rei S. Amortizado
September 1
Carl Darren P. Naval
September 14
Aira Joy L. Aquino
September 17
Denyce Abegail P. Naval
September 18