22/07/2026
Hulyo 22 | Kapistahan ni Santa Maria Magdalena
Panalangin
Santa Maria Magdalena, halimbawa ka ng taus-pusong pagsisisi at pagsasa-ayos ng buhay. Nang magbalik-loob kaโy naging mapagmahal at tapat na alagad ni Hesus. Salamat po sa iyong pagsaksi na si Hesus ay muling nabuhay at siyang Diyos na mapagpatawad at mapagmahal.
Ngayon ikaw ay nasa walang hanggang kaligayahan sa Kanyang maluwalhating presensya, ipinakakiki-usap ko po na iyong ipamagitan, ako na isang mahina at makasalanan, upang dito at sa buhay sa kabila, si Hesus na mahal ang aking maging buhay at dahilan.
Ama Naminโฆ
Aba Ginoong Mariaโฆ
Luwalhatiโฆ
Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami! ๐๐ฝ
๐ธ๐คณ Mga larawan mula sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal Pililia, Rizal