20/08/2026
KAPIT LANG. MAGTIWALA KA SA PANGINOON. 🙏❤️
May mga panahon na parang ang bigat-bigat ng lahat. May mga panalangin na tila walang sagot, mga problema na parang walang katapusan, at mga pagkakataong mapapatanong tayo, “Lord, hanggang kailan?”
Pero tandaan natin, hindi nagbabago ang DIYOS kahit nagbabago ang ating sitwasyon.
Kapag hindi mo na alam ang gagawin, magtiwala ka.
Kapag hindi mo makita ang daan, sumunod ka pa rin.
Kapag pagod ka na, kumapit ka lang sa KANIYA.
At kapag tila tahimik ang DIYOS, tandaan mong gumagawa SIYA kahit hindi mo pa nakikita.
📖 “Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.”
Proverbs 3:5
Hindi sinabi ng PANGINOON na walang pagsubok. Ngunit nangako SIYA na hindi NIYA tayo iiwan.
📖 “I will never leave thee, nor forsake thee.”
Hebrews 13:5
Kaya anuman ang pinagdaraanan mo ngayon, huwag mong isuko ang iyong pananampalataya. Ang problema mo ay maaaring malaki, pero mas malaki ang DIYOS na iyong pinagtitiwalaan.
📖 “Be still, and know that I am God.”
Psalm 46:10
Magpatuloy. Manalangin. Magtiwala. Kumapit sa PANGINOON.
Darating din ang araw na maiintindihan mo kung bakit kailangan mong pagdaanan ang lahat ng ito.
GOD is still in control.
GOD is still faithful.
And GOD is still working in your life. 🙏✨