24/05/2026
Binigyang-diin ng Lubos na Kagalang-galang Roberto O. Gaa, Obispo ng Novaliches, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na magdadala sa tao mula sa takot tungo sa galak at misyon. Ito ang kanyang homiliya ngayong Dakilang Kapistahan ng Pagbaba ng Espiritu Santo o Pentekostes.
Sa pagninilay ng Ebanghelyo, inilarawan ng Obispo ang kalagayan ng mga apostol matapos masaksihan ang paghihirap at pagkamatay ni Hesus sa krus.
โAng mga apostoles ay nasa loob ng isang kwarto, isang silid na nakapinit ang pinto. Dahil sa takot nila sa mga judyo.โ
Ayon kay Bishop Gaa, mula sa takot ay dinala ni Kristo ang mga apostol tungo sa galak nang Siyaโy muling magpakita sa kanila matapos ang Kanyang muling pagkabuhay.
โKaya mula sa takot, tuwang tuwa sila nung makita si Jesus. Kaya mula sa takot, galak. Pero hindi pa rin natapos sa galak. Kasi sabi niya, kung paano ako pinadala ng Ama, mapinadala ko rin kayo.โ
Ipinaliwanag din ng Obispo na ang tunay na bunga ng Pentekostes ay ang pagiging misyonero ng bawat Kristiyano sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.
Kasunod nito ay binigyang-diin niya ang makahulugang paghinga ni Hesus sa mga apostol bilang pagkakaloob ng Espiritu Santo.
โAt hiningahan niya silaโฆ โTanggapin ninyo ang Espiritu Santo.โโ
Iniugnay rin niya ito sa tradisyon ng Simbahan kung saan hinihingahan ng Obispo ang banal na langis tuwing Chrism Mass bilang tanda ng pagpapatuloy ng kaloob ng Espiritu Santo mula kay Kristo hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ayon pa kay Bishop Gaa, ang Espiritu Santo ay hindi lamang nagbibigay ng lakas upang ipahayag ang Ebanghelyo kundi nagtuturo rin ng isang โpangkalahatang wikaโ na nauunawaan ng lahat.
โYou will speak the universal language of love. It is the language of kindness, gentleness, compassion, forgiveness, understanding. And when you speak the universal language of love, everybody, no matter what race, no matter what color, everybody will understand you.โ
Binigyang-hamon din niya ang mga magulang, ninong at ninang na maging buhay na halimbawa ng pagmamahal para sa mga kabataang tumatanggap ng Sakramento ng Kumpil.
โThey will have to start speaking the language of love.โ
Aminado si Bishop Gaa na hindi madaling isabuhay ang ganitong uri ng pagmamahal, lalo na kung hindi ito nakasanayan, ngunit tiniyak niyang ang Espiritu Santo ang pupuno sa kakulangan ng tao.
โPag sumikapan po natin ito, at ang Espiritu Santo na po ang pupuno sa ating pagkukulang.โ
Sa pagtatapos ng kanyang homiliya, hinimok ng Obispo ang lahat ng mananampalataya na hayaang kumilos ang Espiritu Santo sa kanilang buhay upang maging tunay na saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.
โTangkain po natin na to speak the language of love.โ
(Ulat ni Jun Magtagnob)