26/05/2026
“Hinirang, pinagtibay, at isinugo sa paglilingkod.”
Sa dakilang pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, buong kagalakan nating nasaksihan ang commissioning ng mga bagong Altar Servers at ang renewal commitment ng ating mga Sakristan — mga lingkod na patuloy na nag-aalay ng panahon, talento, at puso para sa banal na paglilingkod sa dambana ng Panginoon.
Nawa’y patuloy silang gabayan at puspusin ng Espiritu Santo upang manatiling tapat, mapagkumbaba, at masigasig sa kanilang tungkulin bilang mga lingkod ng Simbahan.