Ced Talk

Ced Talk Welcome to this little corner where we share:

Sunday Hugot Serye: Mga Maiikling pagbubulay bulay tuwing linggo.

SKL ( Share Ko Lang): Mga Kwento sa likod ng Sining at Kultura ng ating simbahan at pananampalataya.

30/04/2026

Sa paglalakbay ng ating buhay, hindi tayo tinawag upang maglakad nang mag-isa. Pinapaalalahanan tayo nina San Pedro at San Pablo na ang tunay na lakas ng pananampalataya ay matatagpuan sa pagkakaisa, suporta ng kapwa, at sa walang pag-aalinlangang pagsunod sa tawag ng Panginoon.

Samahan ninyo kaming lumingon sa kasaysayan at sining ng isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Makati.

Panoorin ang Episode 04 ng Share Ko Lang: “Ang Pananampalataya Bilang Paglalakbay.”











12/04/2026

Day 8 of our 50FirstDates kasama si Kristong muling nabuhay.

Blessed are those who believe.

Sabi nga ni St.Thomas of Aquinas, "For those with faith, no evidence is necessary; for those without it, no evidence will suffice"

Jesus, I trust in you!

Please follow me on tiktok


29/03/2026

Minsan ang parehong taong sumisigaw ng “Hosanna!”
sila rin ang unang nawawala kapag mahirap na.
Ganun din minsan ang mundo—
maingay kapag okay ka,
tahimik kapag nahihirapan ka.
Kaya huwag mong ibase ang halaga mo
sa papuri ng tao.
Manatili kang tapat sa Diyos,
kahit walang pumapalakpak. 🌿

PASSIONTIDE: Ang Paglalakbay Patungo sa KalbaryoNgayong araw, pumasok na tayo sa Passiontide. Ito ang huling dalawang li...
21/03/2026

PASSIONTIDE: Ang Paglalakbay Patungo sa Kalbaryo

Ngayong araw, pumasok na tayo sa Passiontide. Ito ang huling dalawang linggo ng Kuwaresma kung saan mas nagiging seryoso at solemn ang ating paghahanda para sa Mahal na Araw.

Ang pinaka-kapansin-pansing tradisyon ay ang "Veiling of Images" o ang pagbabalot ng mga krus, at mga imahen ng mga santo sa loob ng simbahan gamit ang telang lila.

Bakit natin ito ginagawa?

A "Fast" for the Eyes
Kung nag-aayuno tayo sa pagkain, tinuturuan din tayo ng Simbahan na mag-fasting sa kagandahan. Sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga rebulto, mas nagiging payak ang paligid para maging focus natin ay ang internal na pagdarasal at ang sakripisyo ni Hesus.

The Hidden Glory of Christ
Sa Ebanghelyo ni Juan, nang nanganib ang buhay ni Hesus mula sa mga nagnanais na batuhin Siya, Siya ay "nagtago" (Juan 8:59). Ang mga veils ay sumisimbolo sa pagpapakumbaba at "pagtatago" ng Kanyang pagka-Diyos habang Siya ay patungo sa Kanyang Pasyon at Kamatayan.

The Anticipation of Easter

Ang panandaliang "pagkawala" ng mga santo at ng krus ay nagpapaigting sa ating pananabik para sa Linggo ng Pagkabuhay. Kapag inalis na ang mga tela sa Easter Vigil, ito ay simbolo ng tagumpay ni Kristo at ang muling pagsikat ng Kanyang kaluwalhatian!

Reflection Question: Ano ang mga "distractions" sa iyong buhay na kailangan mong "balutin" para mas marinig mo ang tinig ng Panginoon ngayong Passiontide? 💜

18/03/2026

Sa mundong sobrang ingay, madalas nating akalain na ang tunay na lakas ay nasa boses na pinakamalakas o sa titulong pinakamataas.

Pero sa St. Joseph Cathedral sa Balanga, Bataan, ibang klase ng lakas ang ating matatagpuan.

Samahan niyo po ako sa ikatlong episode ng SKL (Share Ko Lang) habang binibisita natin ang puso ng pananampalataya sa Bataan. Tuklasin natin ang kuwento ni San Jose—ang "Tahimik na Banal"—na nagpakita ng katapangan hindi sa salita, kundi sa tapat na paggawa at wagas na pagprotekta sa pamilya.

Ite ad Joseph

📍 St. Joseph Cathedral, Balanga, Bataan
🎥 Panoorin ang full episode!

08/03/2026

May uhaw ka bang hindi mapawi pawi?
Baka presensya Nya ang kulang sayo.

May uhaw na hindi kayang punuin ng mundo at tanging Diyos lang ang may kakayahang magpuno.

01/03/2026

“May moments ka rin ba na sana hindi na lang matapos?”

Welcome sa ating Sunday Hugot Serye.
Ang hugot natin ngayon:
“Hindi ka pwedeng manatili sa tuktok, kailangan mong bumaba, para akayin sila paakyat sa Diyos.”

Sa Ating ebanghelyo ngayong linggo, isinama ni Jesus sina Peter, James, at John sa bundok.
At doon nagbago ang Kanyang anyo.
Nagliwanag at naging malinaw sa kanila kung sino talaga Siya.

Isang overwhelming encounter.

Kaya sabi ni Peter,
“Lord, ang sarap dito. Magtayo na tayo ng tatlong tolda.”

Relate ka ba?
Kapag okay ang buhay
kapag answered prayer,
kapag ang gaan ng pakiramdam mo,
kapag ramdam mo si Lord
parang gusto mong sabihin,
“Pwede bang dito na lang?”

Pero hindi sila pinayagang manatili sa bundok.

Bumaba sila.

Bumalik sa realidad. Sa magulong mundo.
Sa mga taong may sakit, may duda, may problema.

Ganun din tayo. Hindi ibinibigay ng Diyos ang spiritual high para takasan natin ang mundo.
Ibinibigay Niya iyon para palakasin ka bago ka bumaba.

Yung liwanag na nakita mo sa bundok?
Baunin mo pababa. Dahil may mga taong nasa dilim na naghihintay ng liwanag na dala mo.

Kung hugot mo ito, i-comment ang:
“Baunin ko ang liwanag.

At i-share ang videong ito sa isang taong kailangan ng paalala na ang encounter kay Lord is a call to a new mission.

Kita-kits muli sa susunod na Sunday Hugot Serye. Have a blessed Sunday! 🙏✨

22/02/2026

Hindi lahat ng pwede, ay dapat.

Sa dulo ng bawat tukso, may tanong:
Pipiliin mo ba ang madali…
o ang tama?

15/02/2026

Bakit tayo nagsisimba?
Out of love… o out of obligation?
Bakit tayo gumagawa ng mabuti?
Dahil mahal natin ang Diyos… o dahil takot tayo sa parusa?
Ang pagiging mabuti, hindi lang ’yan sa actions
nagsisimula ’yan sa intentions.
Hindi tayo tinatawag para matakot.
Tinatawag tayo para magmahal. 🤍

11/02/2026

Sa kapistahan ni Our Lady of Lourdes tay ay pinapa-alalahan na wag mawalan ng pag-asa, panghawakan ang ating pananampalataya at harapin ang bukas ng may buong pagtitiwala.

Panoorin ang Episode 02 ng Share Ko Lang.

Disclaimer: Some photos and visual references used in this episode are sourced online and are used for educational, cultural, and faith-based purposes only. All credits belong to their respective owners.











08/02/2026

Hindi ka tinawag ng Diyos para makipag-kompetensya sa liwanag ng iba.
Tinawag ka Niya para magliwanag kung nasaan ka.
Kahit tahimik,
kahit walang palakpak,
kahit parang maliit lang sa mata ng mundo.
Minsan, sapat na ang pagiging tapat, mabuti, at totoo
para may mabago sa paligid mo.
“Kayo ang ilaw ng mundo.” (Mt 5:14)
Kung hugot mo ito, i-comment ang “I choose to be light.”
At i-share mo ito sa isang taong kailangang maalala
na ang liwanag niya ay sapat. ✨🙏

Address

Kanlaon St
Quezon City
1114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ced Talk posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share