12/04/2023
Kung may sinasabi sa'yo ang Panginoon, paano mo ito napakikinggan?
Sa bawat araw na dumaraan sa ating buhay, laging may nais ipagawa sa atin ang Panginoon. Mga bagay na magpapalapit pa lalo sa atin sa Kanya at mga gawa na nagpapakita nang pagkawangis natin sa Panginoon.
Maging bulong man magsalita ang Panginoon, nagsusumigaw naman ang magiging epekto para sa atin kung marunong tayong makinig at sumunod.
Kaya kaFAITHid, makinig tayo dahil araw-araw ay may nais Siyang sabihin sa atin.
Sa Diyos ang pinakamataas na papuri!