10/12/2015
Liturgical Music Tips ni Padre #9 - Pag-Awit sa Salmong Tugunan sa Panahong ng Adbiyento, Simbanggabi, Kapaspukahan
Hinihiling po ng ating kura paroko sa mga koro na awitin po ang mga Salmong Tugunan sa mga Linggo ng Adbiyento, Simbanggabi, at Linggo ng Panahon ng Kapaskuhan.
Kung hindi kakayaning awitin ang buong Salmo kasama ang mga berso, mangyaring awitin ang tugon sa salmo. Gamitin ang piyesa o nota na nakalagay sa ating Misallette para sa araw o Linggong iyon. Bilang tulong, naka-scan na po ang mga tugon sa mga misallette para sa lahat ng mga nasabing misa sa mga naunang Facebook post. Pareho pong nakapost ang mga misallette na English at Filipino sa page na ito.
Sa pagsasagawa po ng Salmong Tugunan kung saan ang tugon lamang ang aawitin, makipag-ugnayan po sa lector na magbabasa ng mga berso ng tugon. Babasahin ng lector ang berso ng salamo sa lectern samantalang and cantor mula sa koro na aawit sa tugon ay tatayo sa tabi ng commentator. Kung aawitin ng cantor mula sa koro ang buong salmo, ang papalitan ng cantor ang lector sa panahon ng pagpapahayag ng salmo sa lectern.
Sa pagsisimula ng Salmo, aawitin ng cantor ang tugon nang isang uli, matapos ay uulitin ng mga tao sa pangunguna ng koro ang tugon. Babasahin ng lector ang bawat berso. Sa pagtatapos ng bawat berso, tutugon ang mga tao kasama ang koro. Sa pagtatapos ng Salmo, aawiting ng mga tao at koro ang tugon nang dalawang ulit.
Maraming salamat po.