23/08/2026
Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon
"May pagkukulang din, hindi rin perpekto ang simbahan. Pero sa kabila ng lahat ng ito, bakit magpahanggang ngayon matatag pa rin ang simbahan? At bakit magpahanggang ngayon, nanatili pa rin ang simbahan? Tandaan natin, hindi lamang ito simbahan ng mga tao, ito'y simbahan ng Diyos. Kaya bilang Kanyang simbahan, hindi Siya marunong magpabaya, hindi Siya marunong makalimot sa ating lahat.
Sig**o ang simbahan maraming pagkukulang, maraming nakakaligtaan, maraming nakakalimutan. Pero ang Diyos sa buhay natin bilang Kanyang simbahan, hindi kailanman nakakalimot at nagpapabaya. Napakahalaga po nito para maunawaan natin na ano man ang sitwasyon natin, nandiyan ang simbahan. Hindi lamang sa panahon ng baha o sa panahon na kayo ay mayroong blessing sa inyong mga bahay o may misa sa mga area o ano mang kailangan ninyo sa simbahan.
Ibig sabihin, sa pamamagitan natin bilang simbahan ng Diyos, nandiyan Siya para ipaalaala sa atin na ang simbahang ito ay hindi lamang tao ang nagtatag, kundi Siya mismo. Ang Panginoon na laging nandiyan, hindi nakakalimot at hindi marunong magpabaya. Kaya po tayo bilang simbahan, sana ay umunawa rin sa pagkukulang ng simbahan mismo. Tayo bilang simbahan ay masalamin nawa ang mga turo at aral ng ating Panginoon."
- Rev. Fr. Rio Mar Sindac, O.Carm.