08/05/2026
📣 OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Good evening po sa ating lahat.
Nais po naming linawin na ang naging desisyon kaugnay sa Mrs. Photogenic (Special Award) ay hindi po nakabatay sa personal na pagtingin laban sa sinumang kandidata. Ito po ay isang special award lamang at hindi pangunahing bahagi ng overall judging criteria ng kompetisyon.
Sa isinagawang validation process, may napansin pong unusual at non-organic voting activity, kabilang ang kahina-hinalang engagement mula sa iba’t ibang accounts sa labas ng bansa sa maikling oras lamang.
Bagama’t nauunawaan po namin na maaaring hindi ito direktang kagagawan ng kandidata, tungkulin pa rin po ng organizers na mapanatili ang fairness, integrity, at credibility ng ating paligsahan para sa lahat ng participants.
Ang desisyong ito ay ginawa nang maingat, patas, at walang kinikilingan. Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at respeto sa naging proseso.
Congratulations po sa lahat ng candidates ng Dakilang Ina 2026 (Fund Raising Activity). Tunay na kahanga-hanga ang inyong tiwala sa sarili, dedikasyon, at pakikiisa. Nawa’y manaig pa rin ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at sportsmanship higit sa anumang kompetisyon o online votes.
Maraming salamat po at God bless everyone. 🙏✨