Christ, King of the Universe Parish

Christ, King of the Universe Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Christ, King of the Universe Parish, Catholic Church, King Christian Street , Kingspoint Subd. , Novaliches, Quezon City.
(1)

02/05/2026
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗Ipinapabatid po sa lahat na angTanggapan ng Parokya ay magigingSARADO mula Abril 29 hanggang Mayo 1, 2...
29/04/2026

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗

Ipinapabatid po sa lahat na ang
Tanggapan ng Parokya ay magiging
SARADO mula Abril 29 hanggang Mayo 1, 2026
para sa Taunang Staff Team Building.

Magbabalik ang normal na operasyon ng tanggapan sa
Sabado, Mayo 2, 2026.

Nagpapasalamat po kami sa inyong pag-unawa at suporta habang kami ay sama-samang lumalago upang mas mapaglingkuran kayo nang mabuti.

25/04/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches. Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon.
Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.


(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.)

SALUBONG SA LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYEaster SundayAbril 5, 2026 | Linggo ng Pagkabuhay | 4:00 AM 📍 Christ, Ki...
04/04/2026

SALUBONG SA LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Easter Sunday

Abril 5, 2026 | Linggo ng Pagkabuhay | 4:00 AM
📍 Christ, King of the Universe Parish

✝️ Ang Salubong ay isang tradisyon sa Easter Sunday sa Pilipinas na ginagawa madaling-araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus. Ito ay isang seremonyang nagsasadula ng pagtatagpo (salubong) ni Hesukristo at ng kanyang ina na si Birheng Maria matapos ang kanyang pagkabuhay muli.

🙏 Isang mapagpalang pagdiriwang ng Salubong ang ating nasaksihan ngayong madaling-araw.
Ang imahe ng Mahal na Birheng Maria ay nagmula sa Oro, habang ang imahe naman ng Kristong Nabuhay Mag-uli ay nagmula sa Francisco, na sinamahan ng ating mga kapatid na parokyano. Ang dalawang banal na imahen ay nagtagpo sa harap ng ating simbahan. Ang makabuluhang pagtatagpong ito ay sumisimbolo sa kagalakan ni Inang Maria, at sa pagpawi ng luha ni Hesus sa kanyang Ina—isang paalala ng pag-asa at tagumpay ng buhay laban sa kamatayan.

Isang makahulugan at puno ng pag-asa na selebrasyon para sa ating lahat. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

📖 “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay” - Juan 11:25

CKUP SOCCOMM ARCHIVES
📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

04/04/2026

𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 | mula sa Roman Catholic Bishop of Novaliches - Tahanang Pari, Diyosesis ng Novaliches. Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ngayong Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Ang pagdiriwang ay pangungunahan ng Obispo ng Diyosesis ng Novaliches, Lubos na Kagalang-galang ROBERTO O. GAA, D. D.




(Disclaimer: The Roman Catholic Diocese of Novaliches does not claim ownership of the music used. All rights belong to the rightful owner. No copyright infringement is intended.)

MAGDAMANG PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYEaster Vigil/Holy SaturdayAbril 4, 2026 | Sabado de Gloria | 7:00 PM ...
04/04/2026

MAGDAMANG PAGDIRIWANG NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY
Easter Vigil/Holy Saturday

Abril 4, 2026 | Sabado de Gloria | 7:00 PM
📍 Christ, King of the Universe Parish

✝️ Mula sa Kadiliman, Patungo sa Liwanag. Pinagtagumpayan ni Hesus ang kadiliman.
Sa paningin ng marami, tila Siya’y natalo at nasugatan—ngunit sa likod ng lahat, naroon ang tagumpay ng muling pagkabuhay. At tulad ng paanyaya Niya sa mga disipulo, tayo rin ay inaanyayahang balikan ang Galilea—ang lugar kung saan natin unang nakilala ang Panginoon.
Sa ating sariling “Galilea,” doon natin muling matatagpuan ang pag-asa, pagmamahal, pagpapatawad, at ang presensya ng Panginoong muling nabuhay. Huwag tayong matakot bumalik. Sapagkat doon, muli tayong bubuhayin ng Kanyang biyaya.

🙏 Sa gabi ng Easter Vigil, sa panguguna nila Fr. Elie at Fr. Starr sa pagsindi ng Kandila ng Pasko ng Pagkabuhay, unti-unting napupuno ng liwanag ang simbahan, tanda ng Kanyang muling pagkabuhay. Pinapakinggan natin ang mga pagbasa na nagkukuwento ng kasaysayan ng kaligtasan—mula sa paglikha hanggang sa tagumpay ng buhay laban sa kamatayan. At sa pag-awit ng “Papuri sa Diyos” at “Aleluya,” sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang tagumpay ni Hesus—ang liwanag na hindi kailanman magmamaliw. Isinasagawa ang pagbabasbas ng tubig, at ang pagsasariwa ng binyag bilang tanda ng bagong buhay at paglilinis ng kasalanan.
Isang gabi ng pag-asa, pananampalataya, at muling pagsilang.

📖 “Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Nasa kanya ang buhay,[ at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.” - Juan 1:1-5

CKUP SOCCOMM ARCHIVES
📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

BIYERNES SANTO SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOONVeneration of the Cross/Good FridayAbril 3, 2026 | Biyernes Santo | 3:00 PM...
03/04/2026

BIYERNES SANTO SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Veneration of the Cross/Good Friday

Abril 3, 2026 | Biyernes Santo | 3:00 PM
📍 Christ, King of the Universe Parish

✝️ Biyernes Santo—isang paalala ng sukdulang pag-ibig at sakripisyo.
Sa Krus, ipinakita ni Hesus na ang tunay na pagmamahal ay handang mag-alay ng sarili para sa iba. Sa Kanyang paghihirap at kamatayan, natutunan nating magpatawad, magtiis, at magtiwala sa kalooban ng Diyos kahit sa gitna ng sakit at pagsubok.

🙏 Sa katahimikan at pagninilay, ating ginunita ang sakripisyo ni Hesus sa pamamagitan ng pagpaparangal sa Krus—ang sagisag ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Kasama ang taimtim na vigil sa imahe ng Santo Entierro bilang pakikiisa sa Kanyang paghihirap at kamatayan. Nawa’y maging paalala ito sa atin ng lalim ng Kanyang pag-ibig at ang pag-asa na hatid ng Kanyang sakripisyo.

📖 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. - Juan 3:16

CKUP SOCCOMM ARCHIVES
📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

ISTASYON NG BAYANStations of the Cross/Good FridayAbril 3, 2026 | Biyernes Santo | 4:00 AM 📍 Parokya ng Christ, King of ...
03/04/2026

ISTASYON NG BAYAN
Stations of the Cross/Good Friday

Abril 3, 2026 | Biyernes Santo | 4:00 AM
📍 Parokya ng Christ, King of the Universe

📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOONMass of the Lord’s Supper/Holy ThursdayAbril 2, 2026 | Huwebes ...
02/04/2026

PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA PAGHAHAPUNAN NG PANGINOON
Mass of the Lord’s Supper/Holy Thursday

Abril 2, 2026 | Huwebes Santo | 5:00 PM
📍 Christ, King of the Universe Parish

✝️ Sa paggunita ng Misa ng Huwebes Santo, muli nating nasaksihan ang dakilang halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod ni Hesus sa Kanyang mga alagad. Sa paghuhugas ng mga paa at sa Huling Hapunan, ipinakita Niya na ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa kababaang-loob at sakripisyo.

🙏 Sa unang araw ng Triduo Paskwal, ating ginunita ang Misa ng Huwebes Santo—isang paalala ng wagas na pag-ibig at paglilingkod. Nasaksihan natin ang paghuhugas ng paa sa mga apostoles bilang tanda ng kababaang-loob, at ang muling pagsasagawa ng Huling Hapunan sa Banal na Misa. Sa katahimikan, isinunod ang paglilipat ng Santísimo at ang taimtim na pag-aadorasyon bilang pakikiisa sa sakripisyo ni Kristo.
Nawa’y manatili sa ating puso ang diwa ng pagmamahal, paglilingkod, at pananampalataya.

📖“Habang sila'y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.” Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi niya, “Kayong lahat ay uminom nito sapagkat ito ang aking dugo na katibayan ng tipan ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami." – Lucas 23:46

CKUP SOCCOMM ARCHIVES
📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

01/04/2026

🔴 LIVE | Chrism Mass 2026: Roman Catholic Diocese of Novaliches
02 April 2026, Holy Thursday | Cathedral Shrine and Parish of Good Shepherd
Presider: H.E. Most Rev. Roberto O. Gaa, D.D.
Morning Lauds: 7:15 AM | Holy Mass: 8:00 AM
---

SENAKULO 2026, PITONG HIBIK NG KRUSPagsasadula ng Christ, King of the Universe Parish Youth Ministry📖 Marso 31, 2026 | M...
01/04/2026

SENAKULO 2026, PITONG HIBIK NG KRUS
Pagsasadula ng Christ, King of the Universe Parish Youth Ministry

📖 Marso 31, 2026 | Martes | 7:00 PM
📍 Christ, King of the Universe Parish

Ang pagsasadula ng pitong huling salita ni Hesus ay isang malalim na paanyaya sa pagninilay tungkol sa pag-ibig, sakripisyo, at pagpapatawad. Sa bawat salitang Kanyang binitiwan habang Siya’y nasa krus, naipapakita ang Kanyang ganap na pagtitiwala sa Diyos Ama at ang walang hanggang habag para sa sangkatauhan. Habang pinagmamasdan ang ganitong pagsasadula, hindi maiwasang tanungin ang sarili kung paano natin isinasabuhay ang mga aral ng Kanyang paghihirap—lalo na ang pagpapatawad sa mga nagkasala sa atin at ang pagtanggap sa kalooban ng Diyos kahit ito’y mahirap. Ang bawat eksena ay tila salamin ng ating sariling buhay, na humahamon sa atin na maging mas mapagmahal, mapagpakumbaba, at matatag sa pananampalataya sa gitna ng pagsubok.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Parish Youth na buong husay at debosyon na nagsadula ng Pitong Huling Salita ni Hesus. 🙏 Sa pamamagitan ng inyong talento at pananampalataya, naging mas makahulugan at dama ng bawat isa ang sakripisyo at pag-ibig ni Kristo.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat na isabuhay ang Kanyang mga aral—ang magmahal, magpatawad, at magtiwala sa Diyos sa bawat yugto ng ating buhay. Patuloy kayong maging ilaw at pag-asa ng ating pamayanan!

"Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu" – Lucas 23:46

CKUP SOCCOMM ARCHIVES
📷 : CKUP Soccomm - Social Communications and Media Ministry

Address

King Christian Street , Kingspoint Subd. , Novaliches
Quezon City
1116

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
1pm - 6pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 6pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 6pm
Saturday 8am - 12pm
1pm - 6pm
Sunday 8am - 12pm
1pm - 6pm

Telephone

+63277996285

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ, King of the Universe Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Christ, King of the Universe Parish:

Share