Kristong Hari Parish - Shrine of the Youth, Diocese of Novaliches

Kristong Hari Parish - Shrine of the Youth, Diocese of Novaliches Bringing Youth closer to the Church and Church closer to the Youth.

Mass Schedule:
Mondays-Fridays:
6:00 AM
6:00 PM

Sundays:
6:00 AM
7:30 AM
9:00 AM
4:00 PM
5:30 PM
7:00 PM

🙏PANALANGIN SA UMAGA | IKA-07 NG HULYO 2023Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang PanahonAma,ginapi mo ang dilim ng kam...
06/07/2023

🙏PANALANGIN SA UMAGA | IKA-07 NG HULYO 2023
Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ama,
ginapi mo ang dilim ng kamangmangan
sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Salita.
Palakasin sa aming puso
ang pananampalatayang kaloob mo,
at huwag hayaang ang anumang tukso
ay pumawi sa init ng pag-ibig
na sa ami'y pinagningas mo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

⛪ MGA PAGBASA | IKA-07 NG HULYO 2023Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon📖 UNANG PAGBASAGenesis 23, 1-4. 19; 2...
06/07/2023

⛪ MGA PAGBASA | IKA-07 NG HULYO 2023
Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

📖 UNANG PAGBASA
Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nabuhay si Sara nang sandaa’t dalawampu’t pitong taon. Namatay siya sa Kiryat-arba, tinatawag ding Hebron, sa lupain ng Canaan. Ito’y labis na ikinalungkot ni Abraham.

Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Wika niya, “Ako’y nakikipamayan lamang sa inyo. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng dakong mapaglilibingan sa aking asawa.”

At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, sa lupain ng Canaan. Ito’y tinatawag ngayong Hebron.

Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ng Panginoon. Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala: “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita, at manumpa ka. Ipangako mo sa akin sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi ka sa Canaan pipili ng mapapangasawa ni Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”

“Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang pumunta roon?” tanong ng alipin.

“Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ng Panginoon, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papupuntahin doon ang anak ko!”

Nang makalipas ang mahabang panahon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. Nang magtatakip-silim, siya’y namasyal sa bukirin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. Natanaw ni Rebecca si Isaac kaya’t bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, “Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?”

“Siya po ang aking amo,” tugon nito. Kumuha ng belo si Rebecca at nagtalukbong.

Pagtatagpo nila’y isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga pangyayari, kaya’t tinanggap ni Isaac si Rebecca bilang asawa at dinala sa kanyang tolda. Ang babae ay napamahal sa kanya at naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ang Salita ng Diyos.

📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

o kaya: Aleluya.

Magpasalamat sa Panginoong Diyos, pagkat siya ay mabuti,
ang kanyang pag-ibig na hindi kukupas ay mananatili.
Sinong mangangahas upang magpahayag na siya’y dakila?
Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo n’yang buhay.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo’y iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba;
upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,
kasama ng iyong bansang nagagalak, ako’y magdiriwang.

Pasalamat tayo sa D’yos,
kabutihan niya’y lubos.

📖 ALELUYA
Mateo 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayo’y masiyahan.
Aleluya! Aleluya!

📖 MABUTING BALITA
Mateo 9, 9-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umalis si Hesus at sa kanyang paglakad, nakita niya ang isang taong ang pangala’y Mateo; nakaupo ito sa paningilan ng buwis. Sinabi ni Hesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig si Mateo at sumunod sa kanya.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay ni Mateo, dumating ang maraming publikano at mga makasalanan. At sila’y magkakasalong kumain. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit sumasalo sa mga publikano at mga makasalanan ang inyong g**o? Narinig ito ni Hesus at siya ang sumagot, “Ang mga maysakit ang nangangailangan ng manggagamot, hindi ang mga walang sakit. Humayo kayo at unawain ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko at hindi hain.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN SA GABI | IKA-06 NG HULYO 2023Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang PanahonAma,pinagliliwanag mo ang gabiat...
06/07/2023

🙏PANALANGIN SA GABI | IKA-06 NG HULYO 2023
Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ama,
pinagliliwanag mo ang gabi
at sa bukang-liwayway, pinangangalat mo ang dilim.
Tulutan mong lumipas itong magdamag
nang ligtas ay malayo sa kapangyarihan ni Satanas,
at upang purihi't mapasalamatan ka namin pagdating ng bukas.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

PABATID:Pansamantalang hindi magkakaroon ng online broadcast ang ating 6:00 PM mass ngayong araw,  July 6, dahil sa tech...
06/07/2023

PABATID:

Pansamantalang hindi magkakaroon ng online broadcast ang ating 6:00 PM mass ngayong araw, July 6, dahil sa technical problem.

Hinihingi po namin ang inyong malawak na pasensya at pang-unawa.
Maraming salamat po.

🙏PANALANGIN SA UMAGA | IKA-06 NG HULYO 2023Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang PanahonAma,sa umaga, tanghali at ga...
05/07/2023

🙏PANALANGIN SA UMAGA | IKA-06 NG HULYO 2023
Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ama,
sa umaga, tanghali at gabi tinatawagan ka:
alisin sa aming mga puso ang dilim ng kasalanan
at akitin kami sa liwanag ng iyong katotohanan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Mga kapatid! Ito na ang hinihintay natin! 🤗Halina at samahan kami sa ating Spiritual Formation na pinamagatang "𝐒𝐚𝐜𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜...
05/07/2023

Mga kapatid! Ito na ang hinihintay natin! 🤗
Halina at samahan kami sa ating Spiritual Formation na pinamagatang "𝐒𝐚𝐜𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐞" . Ito ay gaganapin sa darating na 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨, 𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟖,𝟐𝟎𝟐𝟑 𝟑:𝟑𝟎𝐩𝐦 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟗:𝟎𝟎𝐩𝐦 sa ating minamahal na Parokya ng Kristong Hari.

Lahat ng kabataang lingkod ay inaanyayahan na makinig sa ating 𝐆𝐮𝐞𝐬𝐭 𝐒𝐩𝐞𝐚𝐤𝐞𝐫, 𝐁𝐫𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐀𝐥𝐝𝐫𝐢𝐞𝐧𝐞 𝐁𝐚𝐥𝐦𝐞𝐬

After ng mga talks ay sama-sama tayong mag Praise and Worship kay Lord sa pangunguna ng 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫, 𝐌𝐫. 𝐍𝐢𝐜𝐜𝐮𝐥𝐨 𝐃𝐞𝐥𝐨𝐬𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐁𝐌 𝐁𝐚𝐧𝐝.

Wag kayong mawawala! See you, kapatid!
Muli nating pag-alabin ang puso sa paglilingkod at pagpupuri sa Panginoon! ❤️

𝐂𝐨𝐦𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐉𝐨𝐢𝐧 𝐮𝐬 𝐚𝐬 𝐰𝐞 𝐥𝐨𝐨𝐤 𝐛𝐚𝐜𝐤 𝐆𝐨𝐝’𝐬 𝐒𝐚𝐜𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐞𝐬.

⛪ MGA PAGBASA | IKA-06 NG HULYO 2023Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon📖 UNANG PAGBASAGenesis 22, 1-19Pagbasa...
05/07/2023

⛪ MGA PAGBASA | IKA-06 NG HULYO 2023
Huwebes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

📖 UNANG PAGBASA
Genesis 22, 1-19

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya ng Diyos at tumugon naman siya.

Sinabi sa kanya, “Isama mo ang pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya sa akin.”

Kinabukasan, maagang bumagon si Abraham, at sumakay sa a**o, kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki. May dala silang kahoy na panggatong. Matapos ang tatlong araw na paglalakbay, natanaw nila ang dakong kanilang patutunguhan. Kaya’t sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Bantayan na ninyo rito ang a**o at kami na lamang ni Isaac ang magtutuloy. Sasamba lamang kami sa dako roon, at babalikan namin kayo.”

Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong, dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad. Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”

“Ano iyon, anak?” tugong patanong ni Abraham.

“Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang korderong ihahandog?” tanong ni Isaac.

Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon sa atin.” Kaya’t nagpatuloy sila sa paglakad.

Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos, gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na niya ang bata, tinawag siya ng anghel ng Panginoon at mula sa langit ay sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak.”

Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ng Panginoon ay may nakalaan.”

Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ng Panginoon. Wika nito, “Akong Panginoon ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat. Lulupigin nila ang mga lungsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw ay tumalima sa akin.” Binalikan ni Abraham ang kanyang mga alipin, at sama-sama silang umuwi sa Beer-seba.

Ang Salita ng Diyos.

📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 1-2. 3-4. 5-6. 8-9

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

o kaya: Aleluya.

Ang bayang Israel sa bansang Egipto’y doon inilabas,
nang ang lahing ito sa bansang dayuhan ay pawang lumikas;
magmula noon ang lupaing Juda’y naging dakong banal,
at yaong Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ang Dagat ng Tambo, nang ito’y makita ay tumakas na rin,
magkabilang panig ng Ilog ng Jordan, noon ay humimpil.
Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig,
pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat wala nang daluyan?
Ikaw naman Jordan, bakit ang tubig mo’y hindi na dumaloy?
Kayong mga bundok, nanginginig kayong tupa ang kapara,
at ang mga burol, natakot na parang maliit na tupa?

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

Ikaw, O daigdig, ngayon ay manginig sa harap ng Diyos,
dapat kang matakot sapagkat darating ang Diyos ni Jacob.
Siyang sa dalisdis ay nagpapabukal ng saganang tubig,
at magmula roon, ang tubig na ito ay nagiging batis.

Kapiling ko habambuhay
ang Panginoong Maykapal.

📖 ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

📖 MABUTING BALITA
Mateo 9, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sumakay si Hesus sa bangka, tumawid sa kabilang ibayo at tumuloy sa sariling bayan. Pagdating niya roon, dinala sa kanya ng ilang katao ang isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” Isinaloob ng ilang eskribang naroon, “Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip kaya’t sinabi niya, “Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? Alin ba nag mas madali: ang sabihing, ‘Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad,’? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa ang Anak ng Tao’y may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.” Tumindig nga ang lalaki at umuwi. Nang makita ito ng mga tao, sila’y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan sa mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

🙏PANALANGIN SA GABI | IKA-05 NG HULYO 2023Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang PanahonAma,tunghayan mo kami sa gabi...
05/07/2023

🙏PANALANGIN SA GABI | IKA-05 NG HULYO 2023
Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ama,
tunghayan mo kami sa gabi at araw.
Sa gitna ng mga pagbabago sa buhay,
palakasin mo kami at patatagin
ng iyong di-nagbabagong pagmamahal.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

05/07/2023
⛪ MGA PAGBASA | IKA-05 NG HULYO 2023Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon📖 UNANG PAGBASAGenesis 21, 5. 8-20P...
04/07/2023

⛪ MGA PAGBASA | IKA-05 NG HULYO 2023
Miyerkules ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon

📖 UNANG PAGBASA
Genesis 21, 5. 8-20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Si Abraham ay sandaang taon nang ipanganak si Isaac. Lumaki si Isaac, at nang ito’y awatin, naghanda nang malaki si Abraham.

Minsan, si Ismael na anak ni Agar ay nakikipaglaro kay Isaac. Nang makita ito ni Sara, sinabi kay Abraham, “Palayasin mo ang mag-inang iyan! Ang anak ng ating alipin ay huwag mong pamamanahan; si Isaac ang dapat magmana ng lahat!” Labis itong ikinalungkot ni Abraham sapagkat anak din niya si Ismael. Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham: “Huwag kang mabahala tungkol sa mag-ina. Sundin mo na ang gusto ni Sara, sapagkat kay Isaac magmumula ang lahing sinasabi ko sa iyo. Magkakaanak din ng marami ang anak mong iyan kay Agar, at sila’y magiging isang bansa, yamang anak mo rin si Ismael.”

Kinaumagahan, ang mag-ina’y ipinaghanda ni Abraham ng baong pagkain at inumin bago sila pinaalis. Isinama ni Agar ang kanyang anak at nagpagala-gala siya sa ilang ng Beer-seba. Nang maubos ang dalang tubig, iniwan niya ang kanyang anak sa ilalim ng punongkahoy, at naupo nang may sandaang metro mula sa kinaroroonan ng bata. Wika niya sa sarili: “Di ko matitiis na makitang mamatay ang aking anak.” Samantalang nakaupo siyang nag-iisip, umiiyak naman si Ismael.

Ito’y narinig ng Diyos, at nagsalita mula sa langit ang anghel ng Diyos: “Agar, anong bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot. Narinig ng Diyos ang iyak ng iyong anak. Lapitan mo siya at patahanin. Gagawin kong isang dakilang bansa ang kanyang lipi.” Pinagliwanag ng Diyos ang kanyang paningin at nakita niya ang isang balon. Pinuno niya ng tubig ang dalang sisidlan at pinainom ang bata. Hindi pinabayaan ng Diyos si Ismael; siya’y lumaki sa ilang ng Paran at naging mahusay na mangangaso.

Ang Salita ng Diyos.

📖 SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 7-8. 10-11. 12-13

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.
Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Matakot sa P**n, kayo, kanyang bayan,
nang makamtan ninyo ang lahat ng bagay.
Kahit mga leon ay nagugutom din,
sila’y nagkukulang sa hustong pagkain;
ngunit ang sinumang ang P**n susundin,
sa anumang bagay hindi kukulangin.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Lapit, ako’y dinggin mga kaibigan
at kayo ngayo’y aking tuturuan
na ang Diyos ay dapat nating katakutan.
Ang buhay masaya at mahabang buhay,
di ba ninyo gustong inyong maranasan?

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

📖 ALELUYA
Santiago 1, 18

Aleluya! Aleluya!
Magulang nati’y Diyos Ama,
anak ng salita niya
tayong mga aning una.
Aleluya! Aleluya!

📖 MABUTING BALITA
Mateo 8, 28-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang dumating si Hesus sa ibayo, sa lupain ng mga Gadenero, sinalubong siya ng dalawang lalaking galing sa libingan. Sila’y inaalihan ng mga demonyo at napakababangis kaya’t walang mangahas dumaan doon. Pagdaka’y sumigaw sila: “Ano ang pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami nang hindi pa panahon?” Sa di kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na nanginginain. At namanhik sa kanya ang mga demonyo, “Kung kami’y palalayasin mo, bayaan mo kaming pumasok sa mga baboy na iyon.” Sinabi ni Hesus, “Humayo kayo.” Kaya’t lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo tungo sa bangin, nahulog sa lawa, at nalunod.

Patakbong umuwi ng bayan ang mga tagapag-alaga ng kawan at pagdating doon ay ipinamalita ang lahat ng bagay, pati ang nangyari sa mga inalihan ng demonyo. Kaya’t lumabas ang buong bayan upang salubungin si Hesus. Pagkakita sa kanya, ipinamanhik nilang siya’y umalis sa kanilang lupain.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

04/07/2023

Pope Francis releases his prayer intention for the month of July, which is dedicated to the Eucharist, and asks that we place the Eucharist at the centre of our lives.

FEAST DAY | St. Elizabeth of PortugalJuly 4, 2023Prayer:O God, author of peace and lover of charity,who adorned Saint El...
04/07/2023

FEAST DAY | St. Elizabeth of Portugal
July 4, 2023

Prayer:

O God, author of peace and lover of charity,
who adorned Saint Elizabeth of Portugal
with a marvelous grace for reconciling those in conflict,
grant, through her intercession,
that we may become peacemakers,
and so be called children of God.
Through our Lord Jesus Christ, your Son,
who lives and reigns with you
in the unity of the Holy Spirit,
one God, for ever and ever.
Amen.


Address

Commonwealth Avenue Corner Kasunduan Street
Quezon City
1121

Opening Hours

Tuesday 9:30am - 6pm
Wednesday 9:30am - 6pm
Thursday 9:30am - 6pm
Friday 9:30am - 6pm
Saturday 9:30am - 6pm
Sunday 6am - 7pm

Telephone

+63286673458

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kristong Hari Parish - Shrine of the Youth, Diocese of Novaliches posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Kristong Hari Parish - Shrine of the Youth, Diocese of Novaliches:

Share