15/12/2025
๐AOLP MISAS DE AGUINALDOโด
Ngayong Lunes, ika-15 ng Disyembre, ay magsisimula na ang ating mga Aguinaldo Masses alang-alang sa Mahal na Birheng Maria, ang nobena ng Pasko ng Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo.
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang mga Simbang Gabi / "Misa De Gallo", ang siyam na gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng Eukaristiya para sa ating paghahanda at paggunita sa Kapaskuhan.
Ang ating mga oras ng Misa ay sa 7:30 at 9:00 ng gabi (Dec. 15-23) at sa 4:00 at 5:30 ng umaga (Dec. 16-24).
Hikayatin natin ang ating sambayanan na makiisa at makipagdiwang sa siyam na gabing ito para sa ikalalago ng ating pananampalataya at debosyon.