Capitol City Methodist Church

Capitol City Methodist Church An independent Methodist church in Quezon City faithful to God's word and ready to share it in word and deed

Hindi nagpatinag sa ulan ang ating mga kapatid upang sumamba sa ating Panginoong Diyos nang sama-sama.Noong nakaraang Li...
01/09/2026

Hindi nagpatinag sa ulan ang ating mga kapatid upang sumamba sa ating Panginoong Diyos nang sama-sama.

Noong nakaraang Linggo, 30 Agosto, nagbulay-bulay tayo sa sermon ni Reb. John Wesley na "On Living Without God" at pinag-usapan ng kapatiran kung ano-ano ang mga rason kung paano ang isang tao ay naniniwala o hindi naniniwala sa Diyos.

Sa pamamagitan ng mga himno at paghikayat sa paghahandog, binigyang parangal din natin ang mga bayani ng ating pananampalataya lalo't nalalapit ang paggunita ng Pambansang Araw ng mga Bayani.

๐ŸŽถ๐Ÿ—ฃ๏ธ"๐“ข๐“ฑ๐“ธ๐“พ๐“ฝ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ณ๐“ธ๐”‚ ๐“ฝ๐“ธ ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ, ๐“ช๐“ต๐“ต ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“ฎ๐“ช๐“ป๐“ฝ๐“ฑโ—๐“ฆ๐“ธ๐“ป๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“น ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ฐ๐“ต๐“ช๐“ญ๐“ท๐“ฎ๐“ผ๐“ผ.๐“’๐“ธ๐“ถ๐“ฎ ๐“ซ๐“ฎ๐“ฏ๐“ธ๐“ป๐“ฎ ๐“ฑ๐“ฒ๐“ถ, ๐“ผ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ณ๐“ธ๐”‚."๐Ÿ—ฃ๏ธ๐ŸŽถLet u...
22/08/2026

๐ŸŽถ๐Ÿ—ฃ๏ธ"๐“ข๐“ฑ๐“ธ๐“พ๐“ฝ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ณ๐“ธ๐”‚ ๐“ฝ๐“ธ ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ, ๐“ช๐“ต๐“ต ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“ฎ๐“ช๐“ป๐“ฝ๐“ฑโ—
๐“ฆ๐“ธ๐“ป๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“น ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ฐ๐“ต๐“ช๐“ญ๐“ท๐“ฎ๐“ผ๐“ผ.
๐“’๐“ธ๐“ถ๐“ฎ ๐“ซ๐“ฎ๐“ฏ๐“ธ๐“ป๐“ฎ ๐“ฑ๐“ฒ๐“ถ, ๐“ผ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐”€๐“ฒ๐“ฝ๐“ฑ ๐“ณ๐“ธ๐”‚."๐Ÿ—ฃ๏ธ๐ŸŽถ

Let us worship the Lord together with songs of praise, and the truth that comes from His word, in our worship services this Sunday!

9:30 am โ›ช Joshua Hall, Norwegian Mission Alliance Philippines, Mother Ignacia corner Samar Streets, Quezon City

3:00 pm โ›ช Multi-purpose Hall, Barangay Escopa II, Maj. Santos Dizon corner President J.P. Laurel Streets, Quezon City

Kasabay ng pagsikat ng araw ang ating pagpupuri.Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagkakataong sumamba sa Kaniya kahapon, ...
17/08/2026

Kasabay ng pagsikat ng araw ang ating pagpupuri.

Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa pagkakataong sumamba sa Kaniya kahapon, 16 Agosto 2026.

Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng bautismo ang CCMC sa pangunguna ni Reb. Jonathan Leo B. Loscos. Anak niya ang bininyagan, si Sis. Alea Elle D. Loscos. Nagsilbing saksi ang Reb. Modesto Guintu Jr. at Sis. Maria Elena J. Nelipowitz, Membership Secretary, kasama ang buong kongregasyon.

Bago nito, tinalakay ni Reb. Loscos kung ano ang pag-unawa natin sa mga sakramento bilang tanda ng pagpapala ng Diyos.

Pinangunahan tayo ng WIN Team sa mga awit ng pagpupuri habang inawit ng Capitol City Methodist Chorale ang "Send Down the Fire".


16/08/2026

We thank and praise God for our first ever baptism in CCMC!

Rev. Jonathan Leo Belen Loscos baptized his daughter, Sis. Alea Elle D. Loscos, during our morning service. It was witnessed by Rev. Modesto Guintu Jr. and Sis. Maria Elena J. Nelipowitz, Membership Secretary.

We look forward to baptizing more people, be they infants, children, and adults, as sign of God's blessing and grace.


๐ŸŒŠ๐Ÿ’ง๐“˜'๐“ฟ๐“ฎ ๐“ฐ๐“ธ๐“ฝ ๐“ช ๐“ป๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป ๐“ธ๐“ฏ ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐”€๐“ช๐“ฝ๐“ฎ๐“ป๐“ช ๐“ฏ๐“ธ๐“พ๐“ท๐“ฝ๐“ช๐“ฒ๐“ท ๐“ฝ๐“ฑ๐“ช๐“ฝ ๐“ท๐“ฎ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป ๐”€๐“ฒ๐“ต๐“ต ๐“ป๐“พ๐“ท ๐“ญ๐“ป๐”‚๐Ÿ’ง๐ŸŒŠSa ating pagsamba ngayong Linggo, magiging bahagi ...
15/08/2026

๐ŸŒŠ๐Ÿ’ง๐“˜'๐“ฟ๐“ฎ ๐“ฐ๐“ธ๐“ฝ ๐“ช ๐“ป๐“ฒ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป ๐“ธ๐“ฏ ๐“ต๐“ฒ๐“ฟ๐“ฒ๐“ท๐“ฐ ๐”€๐“ช๐“ฝ๐“ฎ๐“ป
๐“ช ๐“ฏ๐“ธ๐“พ๐“ท๐“ฝ๐“ช๐“ฒ๐“ท ๐“ฝ๐“ฑ๐“ช๐“ฝ ๐“ท๐“ฎ๐“ฟ๐“ฎ๐“ป ๐”€๐“ฒ๐“ต๐“ต ๐“ป๐“พ๐“ท ๐“ญ๐“ป๐”‚๐Ÿ’ง๐ŸŒŠ

Sa ating pagsamba ngayong Linggo, magiging bahagi tayo ng kasaysayan dahil sa unang pagkakataon bilang iglesia lokal, magkakaroon tayo ng bautismo.

Dahil dito, tatalakayin sa ating pagsamba sa umaga ang halaga ng pagbabautismo lalo para sa mga sanggol at bata.

Magtipon-tipon tayo sa pagpupuri sa Diyos!

9:30 am โ›ช Joshua Hall, Norwegian Mission Alliance Philippines, Mother Ignacia corner Samar Streets, Quezon City

3:00 pm โ›ช Multi-purpose Hall, Barangay Escopa II, Maj. Santos Dizon corner President J.P. Laurel Streets, Quezon City

Bago matapos ang araw, bumabati ang Capitol City Methodist Church sa mga kapatid nating Protestanteng Kristiyano sa anib...
14/08/2026

Bago matapos ang araw, bumabati ang Capitol City Methodist Church sa mga kapatid nating Protestanteng Kristiyano sa anibersaryo ng pinakamaagang nakatalang pagsambang Protestante sa Pilipinas.

Isang araw matapos masakop ng mga Amerikano ang Intramuros, Maynila, naglagay ng told ang mga sundalo malapit sa paanan ng Puente de Espaรฑa. Dito isinagawa ng dalawang kasapi ng Young Men's Christian Association na sina Charles A. Glunz at Frank A. Johnson ang isang pagsamba para sa Linggo noong Agosto 14, 1898.

Nataon pang naganap ito sa kaarawan ni Padre Jacinto Zamora, isa sa tatlong paring martir. Pinaratangan siya at mga kasama sa kilusang sekularisasyon na kaugnay sa isang pag-aalsa sa Cavite. Ang kawalan ng hustisya na naranasan niya ay nagbunsod sa kaniyang kaanak (kapatid o pamangkin) na si Paulino Zamora na basahin ang Bibliya sa paraang mulat. Ang anak niyang si Nicolas ang naging unang Pilipino na naordenahan bilang Protestanteng Pastor.

Ang gawain noong Agosto 14, 1898 ay tanda ng simula ng pag-iral ng kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas. Gamitin natin ang biyayang ito mula sa Panginoong Diyos upang ipangaral ang kaniyang mabuting balita.

(Ang mga slide ay halaw sa mensahe ni Kapatid na Eufemio Agbayani III noong Agosto 2, 2026 bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan sa CCMC.)

Umulan, umaraw, tuloy ang pagsambaNagpapasalamat tayo sa Diyos na kahit malakas ang ulan at may banta ng pagbaha, natulo...
09/08/2026

Umulan, umaraw, tuloy ang pagsamba

Nagpapasalamat tayo sa Diyos na kahit malakas ang ulan at may banta ng pagbaha, natuloy ang ating pagsamba sa Kaniya. Ito ay dahil tiwala tayo sa Kaniyang Salita na nakasulat sa Bibliya.

Hinamon tayo ni Reb. Jonathan Loscos sa pamamagitan ng pagtalakay ng sermon ni Reb. John Wesley na "Scriptural Christianity" (1744). Binanggit niya na:
1. Nagsisimula ang tunay na Kristiyanismo sa mga indibidwal
2. Ibinabahagi ang Kristiyanismo nang tao sa tao, kaya ito lumaganap
3. Adhikain nating makaabot ang Kristiyanismo sa buong daigdig

Dagdag pa rito, narinig natin mula kay Kapatid na Nathalie Jane Abad kung paano pinagpala ang ating iglesia sa larangang pinansyal at narinig natin ang matamis na awit ng Capitol City Methodist Chorale na umawit ng "The Bible Tells Me So."

๐ŸŒง๏ธ ๐“ก๐“ช๐“ฒ๐“ท ๐“ธ๐“ป ๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“ท๐“ฎ, ๐”€๐“ฎ ๐”€๐“ธ๐“ป๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“น ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ. โ˜€๏ธMay the LORD keep each family safe from these rains and storm, and may the LORD...
08/08/2026

๐ŸŒง๏ธ ๐“ก๐“ช๐“ฒ๐“ท ๐“ธ๐“ป ๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“ท๐“ฎ, ๐”€๐“ฎ ๐”€๐“ธ๐“ป๐“ผ๐“ฑ๐“ฒ๐“น ๐“ฝ๐“ฑ๐“ฎ ๐“›๐“ธ๐“ป๐“ญ. โ˜€๏ธ

May the LORD keep each family safe from these rains and storm, and may the LORD allow our families to gather for worship and to listen to GODโ€™s message, and be in the presence of the Holy Spirit inhabiting the praises of His people.

๐Ÿ› Let us gather to adore Him and listen to His Word as a church. ๐Ÿ™Œ

9:30 am โ›ช Joshua Hall, Norwegian Mission Alliance Philippines, Mother Ignacia corner Samar Streets, Quezon City

3:00 pm โ›ช Multi-purpose Hall, Barangay Escopa II, Maj. Santos Dizon corner President J.P. Laurel Streets, Quezon City

Masayang ipinagdiwang ng ating iglesia ang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan nitong nakaraang Linggo, Agos...
03/08/2026

Masayang ipinagdiwang ng ating iglesia ang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan nitong nakaraang Linggo, Agosto 2. Nagsuot ng Pilipinong kasuotan ang maraming kasapi at ginamit ang mga wikang Filipino, Ilocano, at Kapampangan sa mga himno at liturhiya.

Ibinahagi ni Kapatid na Eufemio Agbayani III ang isang mensahe kung paano ginamit ng Diyos ang wika upang mangusap sa Kaniyang bayan at ang kasaysayan upang matupad ang Kaniyang kalooban. Binanggit din niya ang ilang mahalagang anibersaryo sa kasaysayan ng Protestantismo at Metodismo sa Pilipinas na naganap sa Agosto.

Ngunit pinakatampok na bahagi ng pagsamba ay ang pagtanggap ng Banal na Komunyon na sa unang pagkakataon ay pinangunahan ng tatlo nating pastor na sina Reb. Jonathan Loscos, Reb. Modesto Guintu, Jr. at Pastor Howard Paquiz. Tungkol din sa komunyon ang awit ng Capitol City Methodist Chorale na "Remember Him."

Hindi lamang sa tinapay at kopa nagsalo-salo ang CCMC. Malugod nating tinaggap ang ating mga bisita at binati ang mga nagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan. Sinundan ito ng masayang salo-salong pananghalian.



Ngayong Buwan ng Kasaysayan, malugod nating ibinabahagi ang kabutihan ng Diyos sa Capitol City Methodist Church sapagkat...
02/08/2026

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, malugod nating ibinabahagi ang kabutihan ng Diyos sa Capitol City Methodist Church sapagkat pinagkalooban Niya tayo ng dalawa pang pastor.

Nauna nang ipinakilala sa kongregasyon si Pastor Howard Paquiz. Ating ipinanalangin ang pagpasok niya sa ministeryo ng pagpapastor noong Hulyo 12, 2026. Itinalaga siya upang gabayan ang ating kongregasyon sa Escopa II na nagkaroon na ng lingguhang pagsamba simula noong nakaraang buwan.

Naging panauhin na natin si Pastor Modesto Guintu, Jr. ngunit ngayon ay kabahagi na natin siya sa pagmiministeryo sa Pampanga.

Bilang mga associate pastor, makakasama nina Pastor Paquiz at Pastor Guintu si Pastor Jonathan Leo Belen Loscos na ngayo'y kinikilala natin bilang administrative pastor.

Patuloy natin silang ipanalangin, sampu ng kanilang pamilya at ministeryo, upang lalo pang marami ang makakilala sa ating Panginoong Diyos. Papuri sa Kaniya!

Address

Norwegian Mission Alliance Philippines, 158 Mother Ignacia Avenue Corner Samar Street
Quezon City
1103

Opening Hours

8:30am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capitol City Methodist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share