Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje

Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje The official page of Parroquia De La Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje Youth Ministry

HUBOG 2026 💛🔥Formed as leaders. Sent as servants. 🙌Thank you sa lahat ng umattend—your “yes” to this formation is a “yes...
28/04/2026

HUBOG 2026 💛🔥
Formed as leaders. Sent as servants. 🙌

Thank you sa lahat ng umattend—your “yes” to this formation is a “yes” to a greater mission.

Dalhin natin ang apoy ng pananampalataya sa ating mga parokya! 🔥

📸 Tag your fellow leaders—let’s continue the mission together! 👀

Shaped by Faith. Sent to Serve. 💛

⏰ Friendly ReminderBukas na! 🤍Let’s start the day with the Lord🕢 7:30 AM – Registration🕗 8:00 AM – Holy Mass📢 The first ...
24/04/2026

⏰ Friendly Reminder
Bukas na! 🤍
Let’s start the day with the Lord

🕢 7:30 AM – Registration
🕗 8:00 AM – Holy Mass

📢 The first PYM with complete members to arrive early at the venue wins exciting prizes!🎉

Shaped by Faith. Sent to Serve.
April 25, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM
📍Presentation of Our Lord Parish

Please be on time! See you! 🙏

Fit check ✔️Bag check ✔️Because HUBOG is tomorrow 😎🔥All that’s missing is YOU—see you there! 💛🙌Shaped by Faith. Sent to ...
23/04/2026

Fit check ✔️
Bag check ✔️

Because HUBOG is tomorrow 😎🔥

All that’s missing is YOU—see you there! 💛🙌

Shaped by Faith. Sent to Serve.
⏳ 1 DAY TO GO!
📅 April 25, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM
📍 Presentation of Our Lord Parish

✨ Please dress appropriately.
👕 We encourage you to wear your PYM/Parish shirt.

Lost? Don’t worry—we got you! 😉📍Mula Commonwealth: Jeep to Sandigan → tricycle to Filinvest 1📍Mula Batasan: Tricycle dir...
23/04/2026

Lost? Don’t worry—we got you! 😉
📍Mula Commonwealth: Jeep to Sandigan → tricycle to Filinvest 1
📍Mula Batasan: Tricycle diretso sa Filinvest 1
Shaped by Faith. Sent to Serve.
⏳ 2 DAYS TO GO!
April 25, 2026 | 8:00 AM – 4:00 PM
📍Presentation of Our Lord Parish
Kita-kits! 🙏✨

Happy Birthday, Ate Micca! ⭐️💛Today, we celebrate your life. We thank God for your commitment to PYM as our ever-reliabl...
05/04/2026

Happy Birthday, Ate Micca! ⭐️💛

Today, we celebrate your life. We thank God for your commitment to PYM as our ever-reliable coordinator.

Your dedication, hands-on leadership, and warm, approachable nature make such a big difference to all of us. Thank you for always being there to guide us through every program and activity—you inspire us more than you know.

May God continue to bless you with good health, happiness, and strength so you can keep touching lives the way you do. We’re so grateful for you! And as you always say, *“Be happy, stay happy, and spread happiness.”*

Enjoy your special day! 🎂✨

Inihahandog ng Parroquia De La Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje – Old Balara, katuwang ang Parish Youth Ministry: Nu...
02/04/2026

Inihahandog ng Parroquia De La Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje – Old Balara, katuwang ang Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz y Buen Viaje, ang pagsasadula ng Daan ng Krus 2026—
𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐋𝐔𝐁𝐎𝐒
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗿𝘂𝘀 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗴𝗮𝘁, 𝗗𝗮𝗹𝗮’𝘆 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁
Sa likod ng bawat tagpo, sa bawat hakbang ng paghahanda, naroon ang mga pusong naglingkod nang tahimik at tapat.
Ipinapakita sa mga larawang ito ang mga komite na nagsilbing gabay at sandigan sa pagsasakatuparan ng Liwanag na Lubos. Sa kanilang oras, pagod, at walang sawang paglilingkod, naging daan sila upang maihatid ang isang banal at makabuluhang pagninilay para sa sambayanan.
Ang bawat gawa ay handog, ang bawat sakripisyo ay alay—para sa kaluwalhatian ng Diyos at sa ikabubuti ng Kanyang bayan.
Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod.


28/03/2026

Sa likod ng bawat eksena ay ang tahimik na paghahanda, sakripisyo, at panalangin.
Masdan ang mga sulyap ng pagbuo ng Liwanag na Lubos—isang paglalakbay ng pananampalataya tungo sa pagsasadula ng Daan ng Krus.
Mula sa puso ng mga lingkod, para sa kaluwalhatian ng Diyos.




Inihahandog ng Parroquia De La Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje – Old Balara, katuwang ang Parish Youth Ministry: Nu...
27/03/2026

Inihahandog ng Parroquia De La Nuestra Señora Dela Paz y Buen Viaje – Old Balara, katuwang ang Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje, ang pagsasadula ng Daan ng Krus 2026—

𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐋𝐔𝐁𝐎𝐒
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗿𝘂𝘀 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗴𝗮𝘁, 𝗗𝗮𝗹𝗮’𝘆 𝗣𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁

Sa gitna ng dilim ng kasalanan at paghihirap ng sanlibutan,
Ang liwanag ng pag-ibig ng Diyos ay patuloy na nagliliwanag kailanman.
Liwanag na hindi kumukupas, hindi kailanman magmamaliw,
Liwanag na sa ating mga puso’y patuloy na maghahari at mananahan kailanman.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa taimtim na pagninilay,
Sa pagsasadula ng Daan ng Krus ngayong Biyernes Santo, ika-3 ng Abril ang araw ng ating sama-samang paglalakbay,
Sa Capitol Greenstreet, ika-4:30 ng umaga, magsisimula ang banal na pagninilay.

Sama-sama nating tunghayan ang Kanyang hirap at kamatayan,
Upang sa ating puso’y muling mabuhay ang Kanyang pag-ibig at kaligtasan.
Sa bawat hakbang, sa bawat sugat na Kanyang tiniis,
Pag-ibig na walang hanggan ang sa atin ay Kanyang iniukit.

Tampok ang Kabataang Nuestra—buhay at masiglang patunay,
Na ang pag-asa ng Inang Simbahan ay patuloy na nag-aalab at hindi kailanman mamamatay.




Happy Birthday, Nicole! ⭐️We thank God for the gift of your life and for the support and willingness na binibigay mo as ...
21/03/2026

Happy Birthday, Nicole! ⭐️

We thank God for the gift of your life and for the support and willingness na binibigay mo as our PYM Social Media Head. You're an inspiration.

We pray for your good health, strength, and guidance as you continue your journey—especially sa preparation mo for competition. May the Lord bless all your efforts and grant you success. We believe in you and we’re always cheering for you!

Sana lagi kang napapalibutan ng mga taong nagmamahal, sumusuporta, at naniniwala sa’yo—just like how you support others. You deserve all the happiness and blessings.

Enjoy your day, Nicole!

Sa landas ng paghihirap ng Panginoon patungo sa Kalbaryo, makikita ang tindi ng Kanyang tiniis, ang mga kamay na nagpaga...
20/03/2026

Sa landas ng paghihirap ng Panginoon patungo sa Kalbaryo, makikita ang tindi ng Kanyang tiniis, ang mga kamay na nagpagaling at nagbasbas, ngayo’y nakagapos. Sa bawat hagupit ay sakit, sa bawat sugat ay pag-ibig na handang mag-alay para sa sangkatauhan.

Sa gitna ng kalupitan at dilim ng kasalanan, nahahayag ang pagtitiis na naging daan ng para sa ating kaligtasan.

𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗟𝘂𝗯𝗼𝘀
𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐫𝐮𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐠𝐚𝐭, 𝐝𝐚𝐥𝐚'𝐲 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭.

Isang pagninilay sa pamamagitan ng pagsasadula ng Daan ng Krus ngayong darating na Biyernes Santo. Tunghayan ang tagpo ng pagpapahirap sa Panginoon ang Kanyang mga kamay na ginapos at ang Kanyang Katawang hinagupit alang-alang sa ating kaligtasan.

Makibahagi sa taimtim na pagninilay sa misteryo ng paghihirap at dakilang pag-ibig ni Kristo para sa ating kaligtasan.

Abangan.



Sa landas ng paghihirap ng Panginoon patungo sa Kalbaryo, makikita ang iba’t ibang mukha ng sangkatauhan—ang mga tumalik...
19/03/2026

Sa landas ng paghihirap ng Panginoon patungo sa Kalbaryo, makikita ang iba’t ibang mukha ng sangkatauhan—ang mga tumalikod, ang mga naglakas-loob na sumunod, at ang mga pusong nanatiling tapat sa gitna ng takot at dalamhati. Sa piling ng Kanyang mga alagad, ni Beronika, at ni Maria Magdalena, nasasalamin ang pag-ibig na nananatili sa kabila ng paghihirap.

Sa gitna ng dilim ng kasalanan at pagdurusa, ang katapatan at habag ay nagiging liwanag na patuloy na nagniningning.

𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗟𝘂𝗯𝗼𝘀
𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐫𝐮𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐠𝐚𝐭, 𝐝𝐚𝐥𝐚'𝐲 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭.

Isang pagninilay sa pamamagitan ng pagsasadula ng Daan ng Krus ngayong darating na Biyernes Santo. Tunghayan ang tagpo ng mga apostol, ni Beronika, at ni Maria Magdalena—mga saksi ng pag-ibig, habag, at katapatan sa paglalakbay ng Panginoon patungo sa Kalbaryo.

Makibahagi sa taimtim na pagninilay sa misteryo ng paghihirap at dakilang pag-ibig ni Kristo para sa ating kaligtasan.

Abangan.



Address

Tandang Sora Cor. Capitol Hills Drive
Quezon City
1119

Telephone

+639508194460

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish Youth Ministry: Nuestra Señora dela Paz Y Buen Viaje:

Share