Himala Bibliya at Siyensya

Himala Bibliya at Siyensya WHERE DO WE COME FROM? WHAT IS THE PURPOSE OF LIFE? "NOW IS THE TIME TO STOP BELIEVING, AND BEGIN TO UNDERSTAND,".. www.rael.org

RAELIAN'S VERSION BIBLE INTERPRETATION

Pinoy Raelian Happiness Gathering June 5, 2024
05/06/2024

Pinoy Raelian Happiness Gathering
June 5, 2024

07/09/2023

PART-1
Mga MAKA-MODERNONG INTERPRETASYON SA BIBLIYA ni Engr. RAFAEL IGUIN IMPRESO

December 13, 2021Philippine Raelian Celebration
30/12/2021

December 13, 2021
Philippine Raelian Celebration

30/12/2021

December 13, 2021
Philippine Raelian Celebration

TOTOO BA ANG MGA HIGANTE?Ang mga “higante” ay ang mga tinutukoy na Nephilim sa Hebrew Bible na ating mababasa sa book of...
22/06/2020

TOTOO BA ANG MGA HIGANTE?

Ang mga “higante” ay ang mga tinutukoy na Nephilim sa Hebrew Bible na ating mababasa sa book of Genesis. Ayon dito ang mga nephilim ay “mga anak ng Elohim” na nakagawa ng malaking pagkakamali kung saan ito ang nag-ugat sa pagpapatapon sa kanila sa earth noong unang panahon. Tinatawag silang fallen angels (creators) o mga exiled elohim. Sinasabi na ang mga nephilim ay nakipagtalik di umano sa mga piling kababaihan at nagkaroon ng mga anak, dahil dito sila ay naging makapangyarihan at nakilala ng marami sa iba't ibang dako. Ang mga ito ay makikita natin hindi lamang sa Bibliya kundi maging sa ilang ancient scripture tulad ng Mahabharata, Ramayana, Epic of Gilgamesh, Book of Enoch at higit sa lahat ay sa mga greek mythology at marami pang iba. Mababakas sa mga ito at maging sa iba't ibang bansa ang kwento ukol sa mga higante na may kanya-kanyang bersyon. Ngunit totoo nga ba ang mga bagay na ito?

Sa panahon natin ngayon ay hindi na kataka-taka ang tayo ay makakita ng mga naglalakihang mga athletes na kapag itinabi mo ito sa isang taong may mababang sukat ay magmimistula talaga itong higante, na sa aking espikulasyon ay ganon ang agwat sa sukat nina David at Goliath, pero sa mga movie at kuwento ng mga matatanda ay exaggerated talaga na iisipin mong sila’y mga higante na kasing laki ng mga building sa Makati.
Ayon sa paniniwalang Raelian, ang mga higante ay hindi naman talaga mga literal na higante (o literally giants) as in kasing taas ng mga gusali. Pinaniniwalaan na sila ay mga extraterrestrial gods galing sa ibang planeta kung saan ang kanilang taas ay mas mababa kesa sa pangkaraniwang taas ng tao sa lupa, o sa madaling salita ay mas matangkad pa tayo ng di hamak sa kanila. May nagsasabi na totoong giants sila at meron din na nagsasabi na ito ay myths o gawa-gawa lang, pero para sa Raelism na ang salitang higante ay may malalim na kahulugan at ito ngayon ang aalamin natin.

So kung ang taas ng nephilim ay mas mababa kumpara sa earth-human, bakit sila tinawag na higante?

Sa aking interpretasyon, ang salitang higante ay may ibig sabihin sa panahong iyon na mga bantugang eksperto o mga henyong tao (geniuses) na may malaking ambag sa mundo ng siyensya o kumbaga sa panahon natin ay sila ang mga higante na may napakataas na pinag-aralan. Maihahalintulad sila kila Leonardo Da Vinci, Albert Einstein, Stephen Hawking, Karl Marx, Mahatma Gandhi, Jose Rizal o kaya ang mga tao na itinuturing na eksperto sa isang larangan gaya ng mga doktor na mahusay sa paggagamot, teachers na mahusay sa pagtuturo, mga technician, engineers, geologists, botanists, zoologists, astrologists, philosophers at iba pa, kung saan ang kanilang kaalaman at talino ay may malaking tulong sa pagpapaunlad o pagpapabago sa pamumuhay ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit noong unang panahon ay may mga tinatawag na god of the sea (Poseidon), god of light and the atmosphere (Aether), god of medicine (Asclepius), god of the sun (Apollo), goddess of moon (Artemis), god of animal (Aristeaus), goddess of justice (Astraea), goddess of love and beauty (Aphrodite), goddess of war and wisdom (Athena) at marami pang iba. Ito ang main reason patungkol sa mga kinikilang Greek at Roman gods and goddesess, Egyptian gods and goddesses, Sumerian gods and goddesses, Indian gods and goddesses, Philippine gods and goddesses at iba pa. Samakatuwid dahil sa kanilang angking kaalaman ay para na rin silang mga higante na maituturing.

Ganon pa man, walang totoong higante na magagawang makipag-sex sa tao na hundred times na mas maliit kesa sa kanila, walang higante na mamumuhay kasama ang tao, at walang higante sa realidad na kasing taas ng mga building. Kung tunay silang mga higante ay dapat napakarami na sanang mga higante ngayon?
Kung halimbawa na may makita kayong mga larawan na tila nagsasabing ebidensya ng isang giant human skeleton o bungo ng isang higante na may 12 feets hanggang 30 feets, kung saan ay relative kono sa mga higante sa bibliya ay hindi iyon totoo. Katunayan karamihan sa mga ito ay edited lamang, peke, hoax o photoshop images.
Gaano nga ba kataas ang isang nephilim? Ayon sa Bibliya ang mga nephilim ay higit na malalaki, kumbaga sa tower of ABS-CBN na may 720 ft (219.5 m) ay ganon sila katangkad, o kaya sabihin natin na ang giants ay nasa 6 ft lang, lalabas na ang tao ay kasing laki lang ng isang balang o grasshopper na may 2 inches... So ibig sabihin walang nephilim na may 12 to 30 ft ang taas. Kung totoo mang may mga nadi-discover na giant skeletons ay napakalabo iyon na maging ebidensya ng higante sa bibliya.
Para sa kaalaman ng lahat, si Robert Wadlow lang naman ang kinikilalang may hawak ng Guinness book of world record na may taas na 8 feets, na sa aking espikulasyon ay posibleng ganito ang taas ni Goliath.

Bilang 13:33 “At doo'y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, na mula sa mga Nefilim: AT KAMI SA AMING SARILING PANINGIN AY NAGING PARANG MGA BALANG, AT GAYON DIN KAMI SA KANILANG PANINGIN.”

Sa aking sariling interpretasyon ay ikinukumpara lang ng mga primitibong tao noon ang kanilang karunungan, kaalaman, at kakayahan sa pinakamataas sa kanila, meaning to say ay PARA silang nanliliit sa sarili sapagkat ang level o agwat ng bawat isa ay sadyang napakalayo, kumbaga sa level 1 to 1000 ay nasa level 10 pa lamang sila. This is a metaphorical word kung saan ay inuunawa o idini-describe nila ang mga ito sa ibang paraan. Halimbawa kapag ipinagsama natin ang isang primitive person at isang professional sa medisina ay makikita ng primitibong iyon na higit na mas lamang ang professional kesa sa kanya, ganon din naman ang tingin ng isa, o kaya naman ang isang kinder student at isang teacher, makikita na mas mataas ang pinag-aralan ng teacher kesa sa estudyante niya na nagsisimula pa lang.

Ang higante o nephilim ay mga nilalang na may mahalagang tungkulin sa daigdig, bagamat sa simula ang mga nephilim ay naparusahan, ang pinaka-dahilan ng pagpapatapon sa kanila sa earth ay mula sa kanilang pagsuway sa batas ng kanilang planeta (langit) ukol sa pagbabawal na turuan ang tao ng kaalamang science (kainin ang prutas ng kaalaman). Nag-ugat ang bagay na ito noong panahon nila Eba at Adan. Ito ang isang dahilan kung bakit sa pananaw ng marami ay sinasabing masasama ang mga nephilim pero hindi, dahil ang awa na naramdaman nila sa tao ang nagbunsod sa kanilang pagpupursige na turuan ang tao ng kaalamang science.
Sinasabi na nangangamba ang Elohim (Diyos) na kung ang tao ay matututo ng kaalamang science ay baka gamitin lang ito ng tao sa masama, gaya ng paglikha ng armas nuclear, mga sandatang pandigma, at ibat ibang teknolohiya na pwedeng gamitin sa mga masasamang bagay. Maraming benipisyong naiibigay ang science pero marami din itong panganib na dala sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng maling paggamit nito ay pwede nitong wasakin ang lahat ng life forms sa earth na nilikha ng Elohim, samakatuwid pwede nitong wasakin maski ang buong mundo mismo. So ang bagay na ito ang ayaw na mangyari ng Elohim... Ang isa pa sa pinakadahilan ay nangangamba din sila na baka maging banta ang tao sa kapayapaan at kaunlaran mula sa kanilang planeta. Katunayan ito ang dahilan kung bakit si Satan (isa sa elohim/oposisyon) ay hindi gusto na likhain ang tao na katulad nila na merong freedom na magpasya upang sa ganon ay hindi ito magdulot ng panganib pagdating ng hinaharap, para sa kanya ay mas mabuti na manatiling mangmang ang tao kesa matuto ng kaalamang science.
Imbes na turuan ang tao ng kaalaman sa science ay naging priority ng elohim na turuan na lang ang tao ng mga ethical o mabubuting asal tulad ng PAG-IBIG, RESPETO, PAGPAPAKUMBABA, PAGPAPATAWAD at higit sa lahat ay ang KILALANIN ang elohim ng buong puso at pagmamahal bilang kanilang tagapaglikha at marami pang iba.

Dahil sa awa ng mga nephilim sa tao noong unang panahon ay nagpasya sila na patuloy pa ring turuan ito ng kaalaman sa science upang sa ganon ay hindi ito manatiling mangmang o walang alam. Katunayan sa pagtuturong iyon ay nakapagtayo ang mga sinaunang tao ng tinatawag na tore of babel (rocketship) na nais nilang paabutin hanggang langit (click the links below for more information).
Maraming tao noong panahong iyon ang tila naging mga pantas, siyentipiko, mathematicians, engineers at iba pa kung saan sila ay nakapagpatayo ng mga sibilisasyon na may maunlad na sistema, mayroong magandang sakahan, taniman, malinis at pantay na daanan, maayos na tahanan, maayos na paliguan, ilog, irigasyon, transportasyon at mga sopistikadong kagamitan. Dahil sa mga nephilim ay nagkaroon sila ng mga advance na kaalaman patungkol sa astronomiya, astrolohiya, mathematics, geometry, medisina (surgery), mummification at marami pang iba. Kung nagtataka kayo kung bakit merong mga nadidiskubreng unordinary artifacts, mga guhit na nagpapakita ng mga high tech na kagamitan o mga kaalaman patungkol sa science ay bunga na iyon nang kaalaman na natutunan nila.
Ang mga sinaunang tao din ang dahilan sa pagkakabuo ng mga ancient monuments, monolithic o mga infrastructure gaya ng ziggurat, Sphinx of Giza, pyramids sa Egypt, stonehenge, puma punku, mga human figures sa Eastern island, mga Nazca lines sa Peru at iba pa. Kung inaakala ng marami na mga alien (elohim) ang nagtayo ng mga ancient pyramids ay imposible iyon, para sa akin ay mga tao lang din ang nagtayo nito. Bakit naman sila magtatayo ng pyramids?

Ganon pa man ang mga maunlad na sibilisasyong iyon, ang mga tao na namumuhay dito ay hindi nagtagal bagkus sila ay naglaho, ang mga bakas na lamang gaya ng siyudad, mga kagamitan, larawan, gusali at iba pa ang nanatiling naiwan. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ng mga archeologists at Historians kung sa paano at bakit sila kusang naglaho. Sa aking interpretasyon, kung titingnan natin ang mga bakas at larawan na naiwan ay makikita na posibleng iyon ay dahil sa isang great flood, pagpapasabog (paggunaw), o kaya sa isang nakamamatay na sakit, halimbawa dito ang Noah's flood at ang S***m and Gomorrah na dulot ng isang artificial catastrophe.

Kaalamang Science
Part 1: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/625462854701729/?app=fbl
Part 2: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/626223501292331/?app=fbl
Part 3: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/626818624566152/?app=fbl
Part 4: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/627608894487125/?app=fbl
Part 5: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/628265591088122/?app=fbl
Part 6: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/629580720956609/?app=fbl

Tore ng Babel
Part 1: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/639416113306403/?app=fbl
Part 2: https://www.facebook.com/117113362203350/posts/640171486564199/?app=fbl

_____________________
Kung may mga katanungan kayo ilagay niyo lang po sa comment section o i-pm ako dito sa page.
—Para sa higit na impormasyon sa Raelian, i-download lamang ang link na ito http://www.rael.org/­download.php?view.1

PAANO NABUNTIS SI MARIA KUNG HINDI NAMAN ITO NAKIPAGTALIK KAY JOSE?Lucas 1:35 “At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniy...
16/06/2020

PAANO NABUNTIS SI MARIA KUNG HINDI NAMAN ITO NAKIPAGTALIK KAY JOSE?

Lucas 1:35 “At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Diyos.”

Batay sa paniniwalang Raelian, ang ganitong klase ng proseso ay makikita lamang sa pamamagitan ng isang “ARTIFICIAL INSEMINATION” method. Ang Artificial insemination o AI ay ang paraan na ginagamit upang mabuntis ang babae ng hindi nagkakaroon ng anumang pagtatalik sa isang lalaki, tinatawag ito na in vitro fertilization.
Sa aking interpretasyon, ang semilya ng isang lalaki ay ipi-preserve pansamantala sa pamamagitan ng cryogenic method nang sa ganon ay hindi ito masira. Noong sinabi na ang ‘espiritu santo ay bababa at saka lililiman siya ng kapangyarihan nito’, ang ibig sabihin ay hinihintay dito ang gagawing proseso. Ang tinutukoy na “kapangyarihan” sa talata ay ang kakayahan ng teknolohiya na gawin ang isang bagay gaya ng mga nakikita nating teknolohiya sa panahon ngayon.
Once na sumapit ang takdang araw na kailangan nang gamitin ang semilya ay saka pa lamang ito kukunin at idadaan sa kasunod na proseso, ang tinatawag na Artificial Insemination. Dito ang semilya ay direktang ipapasok ng dahan-dahan sa uterus ng babae hanggang sa umabot sa o***y kung saan ang mga egg cells, pagkatapos mailagay sa loob ng selula ay saka na ito magfu-function na magreresulta ng pagdadalang-tao.
Ito ang main reason kung bakit nabuntis si Maria nang hindi nakikipagtalik kay Jose o kahit na sino. At ang nagsagawa ng lahat ng prosesong ito ay walang iba kundi si Yahweh (ang kataastasan) sa pamamagitan ng tulong ng mga Elohim (extraterrestrial gods).

Sa aking interpretasyon, ang semilya na pinagkuhanan ay hindi nanggaling mismo kay Jose kundi nanggaling sa Diyos o Eloah. Ang Eloah na tinutukoy ay posibleng si David na ama ni Solomon at hari ng Israel noon, siya ang kadalasang binabangit sa new testament na ama ni kristo (Roma 1:3; Lucas 1:32 etc). Bagamat si David ay tao na tagalupa pero noong umakyat siya sa langit ay doon lamang ito naging Diyos o Eloah. Ito ang dahilan kung bakit sa Bibliya ay may tinatawag na “anak ng Diyos”, “anak ng Tao” at “anak ni David”. Ang mga ito ay iisa lamang ang tinutukoy, at iyon ay ang semilyang bumuhay kay Jesus mula kay David (Juan 6:27).
Sa New Testament, wala tayong mababasa na sinabi mismo ni Jesus na siya ay anak ni Jose, kundi sinasabi lang na anak siya ni David... Gayon din naman ang tinuran ng ilang mga tao noon na tagasunod ni kristo.

Walang kinalaman si Jose sa pagdadalang-tao ni Maria, katunayan ay biktima lamang siya sa bagay na ito dahil hindi naman si Jose ang totoong ama ni kristo, sa madaling sabi ay ama-amahan lang ang karakter niya sa kwento.
Naalala niyo noong malaman ni Jose na buntis pala si Maria ay nagbalak siyang hiwalayan ito nang patago dahil ano na lang ang iisipin ng iba kung makikisama pa siya sa babaeng buntis na, edi mapapahiya lang siya dahil ang nasa sinapupunan ni Maria ay hindi naman talaga sa kanya. Ngunit noong kinausap siya ng anghel ay doon lamang niya napagtanto kung ano ba ang totoong dahilan. Sinabi ng anghel na huwag siyang matakot na tanggapin si Maria dahil ang dinadala naman niya ay mula sa espiritu santo. So hindi naman niya pwedeng tanggihan ang utos dahil ang nag-utos na ay yung mas mataas na sa lahat kaya wala na siyang mapagpipilian maliban na tanggapin na lang ang utos na iyon. In short sila Maria at Jose ang naging tagapamagitan ng Elohim upang maging maayos na mapalaki si Jesus at matupad nito ang pangako na maging tagapaligtas. Kung hindi nila gagawin ang inatas na obligasyon kay Jesus ay maaring hindi na mangyari ang lahat ng plano na dapat mangyari para sa sanlibutan.
Pero bakit sila Maria at Jose ang napili? Una, maaring dahil kakilala ni Maria si Elizabeth na ina ni Juan Bautista, si Juan Bautista ay isang propeta na nagpakilala at nagbautismo kay kristo sa ilog ng Jordan. Pangalawa iyon ay dahil ang angkan ni Jose ay nagmula sa angkan ni David na syang konektado kay Abraham. Ito ang magkakadugtong na linya na hindi pwedeng masira o mabali.

Lucas 1:32 “Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama.”

Sa talatang ito ay malinaw na darating ang araw na tatawagin siya na Anak ng Kataas-taasan, kaya mahihinuha natin na hindi lamang isa ang ama ni Jesus sa Bibliya... samakatuwid kung susuriin, si Jesus ay nabuo dahil sa semilya ni David na kanyang tunay na ama, bagaman ang katungkulan ng pagiging ama ay nalipat sa Kataas-taasan, ang Kataas-taasan na ang umako nito dahil sa kadakilaan ni Jesus.
Gayon pa man para sa akin ay hindi problema kung sino man ang totoong ama ni Jesus... kung si David ba, si Yahweh, si Joseph, anghel Gabriel, Jehovah, o si Allah. Ang mahalaga ay ang maintindihan natin kung ano ang scientific mechanism sa likod ng pagdadalang-tao ni Maria.

_____________________
Kung may mga katanungan kayo ilagay niyo lang po sa comment section o i-pm ako dito sa page.
—Para sa higit na impormasyon sa Raelian, i-download lamang ang link na ito http://www.rael.org/­download.php?view.1

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Himala Bibliya at Siyensya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share