24/08/2026
Hindi sapat na kilalanin lamang si Jesus sa ating mga salita. Ang tunay na pananampalataya ay makikita sa isang buhay na sumusunod at lumalakad ayon sa Kanyang halimbawa.
Sa ating pag-aaral ng 1 Juan 2:6, muli tayong pinaalalahanan na ang mga nagsasabing sila'y nananatili kay Cristo ay tinatawag ding mamuhay gaya Niya. Ang Ebanghelyo ay hindi lamang para marinig, kundi para isabuhay araw-araw sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Maglaan ng ilang sandali upang balikan ang sermon notes ngayong linggo at mapalakas ng Salita ng Diyos.
"Ang sinumang nagsasabing siya'y nananatili sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Cristo."
1 Juan 2:6 (MBBTAG)
Kung hindi mo napanood ang serbisyo o nais mong mapakinggan muli ang mensahe, panoorin ang buong sermon sa JRAM Church page o YouTube channel. Anyayahan din ang iyong pamilya at mga kaibigan, at samahan kaming muli sa susunod na weekend sa ating online worship service.
Service Schedule
Sunday | 10:00 AM & 7:00 PM Vancouver PST
Monday | 1:00 AM & 10:00 AM Manila PHST