Catechetical Ministry - Divine Savior Parish

Catechetical Ministry - Divine Savior Parish “For God so loved the world, that he gave his only Son, so that everyone who believes in him might not perish but might have eternal life.” — John 3:16

𝙈𝘼𝙔 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝙁𝙇𝙊𝙍𝙀𝙎 𝘿𝙀 𝙈𝘼𝙍𝙄𝘼 𝘾𝙐𝙇𝙈𝙄𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙑𝙄𝙏𝙔Masaganang ipinagdiwang ang pagtatapos ng 𝐹𝑙𝑜𝑟𝑒𝑠 𝑑𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 sa Divine S...
01/06/2026

𝙈𝘼𝙔 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝙁𝙇𝙊𝙍𝙀𝙎 𝘿𝙀 𝙈𝘼𝙍𝙄𝘼 𝘾𝙐𝙇𝙈𝙄𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙑𝙄𝙏𝙔

Masaganang ipinagdiwang ang pagtatapos ng 𝐹𝑙𝑜𝑟𝑒𝑠 𝑑𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 sa Divine Savior Parish nitong ika-31 ng Mayo, 2026.

Bilang bigyang parangal ang Mahal na Birhen, ang mga piling kabataan mula sa iba't ibang kapilya/area ay nakilahok sa 𝐥𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲 at 𝐺𝑟𝑎𝑛𝑑 𝐹𝑙𝑜𝑤𝑒𝑟 𝑂𝑓𝑓𝑒𝑟𝑖𝑛𝑔.

Binabati namin ang lahat ng mga kabataang nakibahagi at nagsipagtapos ng kanilang 3 linggong pag-aaral ng basic catechesis. Makikita ang kagustuhang mas mapalapit sa ating Panginoong Hesukristo sa tulong ng Mahal na Ina!

Pinasasalamatan namin ang mga 𝑉𝑜𝑙𝑢𝑛𝑡𝑒𝑒𝑟 𝐶𝑎𝑡𝑒𝑐ℎ𝑖𝑠𝑡𝑠 at 𝐴𝑠𝑠𝑖𝑠𝑡𝑎𝑛𝑡𝑠 na naglaan ng kanilang oras at lakas upang patuloy na maturuan ang mga kabataan sa bawat kapilya. Ang inyong dedikasyon at kasipagan ay sumasalamin sa inyong pusong nagaalab sa paglilingkod!

Tapos puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga sponsors at sumuporta sa ating 𝐹𝑙𝑜𝑟𝑒𝑠 𝑑𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 ngayong taon! Aming buong pusong tinatangkilik ang inyong dedikasyon, pagtitiyaga at pagtitiwala. Hindi rito nagtatapos ang inyong pagtulong sa mga nangangailangan, bagkus, ay simula pa lamang. Nawa'y maging buhay na simbolo kayo ng Mapagmahal at Maawaing puso ni Hesus!




ANG MABUTING BALITA Mayo 19, 2026Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at nagsabi: “Ama, sumapit na an...
18/05/2026

ANG MABUTING BALITA
Mayo 19, 2026

Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala
siya sa langit at nagsabi: “Ama, sumapit
na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong
Anak upang maluwalhati ka ng Anak dahil
ibinigay mo sa kanya ang kapangyarihan
sa bawat tao upang bigyan niya ng buhay
magpakailanman ang lahat ng bigay mo
sa kanya. Ito naman ang buhay magpakailanman: ang makilala ka, ang tanging
totoong Diyos at si Jesucristong sinugo mo.

Juan 17:1-11a

Ano Tara? 🫶🙏
30/04/2026

Ano Tara? 🫶🙏

"Ano tara?"   MARIA
07/04/2026

"Ano tara?"
MARIA

ANG MABUTING BALITA Marso 28, 2026Ngayon, malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon pa-Jerusalem ang marami mula sa...
27/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 28, 2026

Ngayon, malapit na ang Paskuwa ng mga
Judio, at umahon pa-Jerusalem ang marami
mula sa lalawigan bago mag-Paskuwa upang
maglinis ng sarili. Hinahanap nila si Jesus
at nang nasa templo na sila, sinabi nila sa
isa’t isa: “Ano sa tingin ninyo? Hindi nga siya
paririto sa piyesta?”

Juan 11: 45-56

ANG MABUTING BALITA Marso 27, 2026Muling dumampot ng mga bato ang mga Judio para batuhin siya. Sinagot sila ni Jesus: “M...
27/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 27, 2026

Muling dumampot ng mga bato ang
mga Judio para batuhin siya. Sinagot
sila ni Jesus: “Maraming mabubuting gawa
mula sa Ama ang itinuro ko sa inyo. Dahil sa
alin sa mga ito at binabato n’yo ako?”

Juan 10:31-42

ANG MABUTING BALITA Marso 26, 2026Sumagot si Jesus: “Kung ako ang pumupuri sa aking sarili, walang saysay ang aking pa￾p...
25/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 26, 2026

Sumagot si Jesus: “Kung ako ang pumupuri
sa aking sarili, walang saysay ang aking pa￾puri. Ang ama ko ang pumupuri sa akin, siya
na sinasabi n’yong ‘Diyos namin.’ Hindi n’yo
siya kilala pero kilala ko siya. Kung sasabihin
kong hindi ko siya kilala, magiging sinungaling
akong tulad n’yo. Pero kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita.

Juan 8:51-59

ANG MABUTING BALITA Marso 25, 2026Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang P...
25/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 25, 2026

Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya:
“Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo
ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria
dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung
ano ang pagbating ito.

Lucas 1:26-38

ANG MABUTING BALITAMarso 24, 2026At sinabi ni Jesus sa kanila: “Taga-ibaba kayo; taga-itaas naman ako. Taga-mundong ito ...
23/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 24, 2026

At sinabi ni Jesus sa kanila: “Taga-ibaba
kayo; taga-itaas naman ako. Taga-mundong
ito kayo. Hindi ako taga-mundong ito. Kaya
sinabi ko sa inyo na sa inyong mga kasalanan
kayo mamamatay. Sa inyong mga kasalanan
nga kayo mamamatay kung hindi kayo ma￾niniwalang Ako Siya.

Juan 8:21-30

ANG MABUTING BALITAMarso 23, 2026Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang magpat...
22/03/2026

ANG MABUTING BALITA
Marso 23, 2026

Yumuko naman si Jesus at nagsulat sa lupa
sa pamamagitan ng kanyang daliri. Nang magpatuloy sila sa pagtatanong sa kanya, tumindig
siya at sinabi sa kanila: “Ang walang sala sa inyo
ang unang bumato sa kanya.” At muli siyang
yumuko at nagsulat sa lupa.

Juan 8:1-11

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catechetical Ministry - Divine Savior Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share