Iglesia ni Cristo Hinirang

Iglesia ni Cristo Hinirang Nagmamahal, Nagmamalasakit sa kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO alang-alang sa lahat ng mga kapatid na tapat sa Panginoong Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo

Ang Iglesia Ni Cristo … Hinirang. Isang bukas na pahina para sa Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Isang Blog na maglalarawan ng napakadakilang pag-ibig at pagmamahal Nila sa kanilang mga Hinirang. Ginawa ito sa udyok na rin ng Banal na Espiritu, magsisilbing tagapagpamatnubay para sa kapakanan ng lahat ng mga hinirang, upang sa pa

mamagitan nito, masinop pa rin na mababantayan, mapangangalagaan at magagabayan ang lahat.. Aakayin nito ang indibidwal na kapatid sa matuwid na pamumuhay. Tuturuan pa na taglayin ang pinaka-mataas na uri ng pananampalataya, patatatagin at patitibayin ang pag-asa habang hinihintay ang pangakong kaligtasan, at higit sa lahat papag-alabin nito ang pag-ibig sa kakapatid sa IGLESIA habang gumagawa ng mabuti at ibinubuhay ang kabanalan. Ang Blog din na ito, magsisilbing tagapag-paalaala na rin, magtuturo upang makatulong para ang indibidwal na mga kapatid natin na mga nanlulumo at nanghihina bunga ng ibat-ibang uri ng mga pagsubok, ay mapalakas at mapanumbalik ang kasiglahan sa mga Pagsamba na hindi balakid ang anumang kanyang naririnig at nauulinigang mga balita sa social media patungkol sa mga katiwalian. Kaya nga sa pamamagitan ng Blog na ito, marami sa inyo ang mabubuksan pa ang kaisipan sa mga ilalahad at ipahahayag dito. Pagkat ang mga katotohanan na inyong mababasa, ngayon lang darating sa inyo ang pagkaunawa hindi napag aralan sa ministerio. Pagkat inilihim sa mahabang panahon. ngunit ngayon ay ipinahihintulot ng ipabatid at ipaalam sa lahat, ang kaugnayan ng mga kaganapan sa kaukulan nito sa hinaharap.

Address

Quezon City
1110

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Iglesia ni Cristo Hinirang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Iglesia ni Cristo Hinirang:

Shortcuts

Share