23/05/2026
Pentecost Recollection 2026 | Sulong, Padayon 2026
Amare Et Servire: Pentecost Recollection
Sa liwanag ng “Precautions of the Soul” ni St. John of the Cross
🗓 Saturday, May 23, 2026
🎙 Speaker: Joseph Brian Ramos, L.P.T. Third Order of the Carmelite
Isinulat ni St. John of the Cross ang isang maikling akda tungkol sa “Precautions of the Soul,” kung saan binibigyang-babala niya ang tatlong salik na maaaring makaapekto sa ating espiritwalidad bilang mga tagasunod ni Kristo: Precautions against the WORLD, the DEVIL, at ONESELF.
🔹 Against the WORLD – Mag-ingat sa labis na pagkakabit sa makamundong bagay, impluwensya, at paghahangad ng papuri o pansariling kapakanan na maaaring maglayo sa atin sa Diyos.
🔹 Against the DEVIL – Maging mapagmatyag laban sa tukso, panlilinlang, at espiritwal na pagmamataas na maaaring magpahina sa ating pananampalataya at relasyon sa Panginoon.
🔹 Against ONESELF – Bantayan ang sariling kahinaan, pagkamakasarili, at sariling kagustuhan sa pamamagitan ng pagpapakumbaba, panalangin, at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Nagiging malinaw ang ugnayan ng Pentecost at ng Precautions of the Soul kapag tiningnan natin ang mga ito sa liwanag ng interior transformation by the Holy Spirit. Tulad ng mga Apostol na binago at pinalakas ng Espiritu Santo sa Pentecostes, tayo rin ay inaanyayahang bantayan ang ating kaluluwa laban sa mga bagay na naglalayo sa atin sa Diyos upang mamuhay nang may mas malalim na pananampalataya, pag-ibig, at paglilingkod.
Sa pagdiriwang ng Pentecostes, nawa’y patuloy tayong pagningasin ng Espiritu Santo upang magmahal at maglingkod — Amare Et Servire — nang may panibagong sigla at matatag na pananampalataya.
Maraming salamat kay Joseph Brian Ramos, L.P.T., at sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang pagninilay at paglalakbay na ito.
Sulong. Padayon. Magmahal at Maglingkod. ❤️🕊️
E-mail: [email protected]
Contact Number: 8823-4729