16/04/2026
Sa diwa ng pagkakawanggawa at pagmamalasakit sa kapwa, ang Katarungan ng Diyos ang Ugat ng Payapang Adhikain (KADAUPAN), sa paikikipagtulungan ng Dominican Studentate Pastoral Board (DSPB), Colegio de San Juan de Letran Bataan, at University of Santo Tomas Medical Mission s, Inc., ay magsasagawa ng MEDICAL MISSION para sa mga kapatid nating mga nangangailangan sa bayan ng Abucay, Bataan. Ito ay isasagawa sa June 6, 2026, sa Tomas Pinpin Memorial Elementary School, Ibayo, Gabon Abucay, Bataan.
Kaugnay nito, kami po ay nananawagan sa inyong tulong para maisagawa ng matagumpay ang aktibidad na ito. Kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa mga gamot at medical supplies, o financial donations na makakatulong sa pagbili ng mga kinakailangang mga gamit at supplies.
Sa mga nais magbigay ng tulong pinansyal, maaaring magbigay ng check na nakapangalan sa Dominican Studentate Pastoral Formation, o kaya naman ay direktang magdeposito sa aming Bank of Commerce account:
Account Name: Dominican Studentate Pastoral Formation
Account Number: 094-20-003715-9
Maaari ring mag-donate sa pamamagitan ng GCash:
Account Name: Gian Linardo Mari E.
Account Number: 0921-2626-116
Para sa iba pang mga detalye at mga katanungan, maaari kayong tumawag o mag-text sa mga sumusunod:
Br. Mike, OP - 0921-262-6116
Br. Darren, OP - 0920-220-0580
Br. Deval - 0976-371-3227
Maraming salamat po sa inyong tulong. Makakaasa po kayo na kayo at ang inyong pamilya ay palagi naming isasama sa aming mga panalangin at sa Misa. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Diyos.