Sto. Niño Chapel

Sto. Niño Chapel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sto. Niño Chapel, Church, Quezon City.

God is calling... Will you answer?The Sto. Niño de Payatas Chapel Ministry of Altar Servers warmly invites all young asp...
01/07/2026

God is calling... Will you answer?

The Sto. Niño de Payatas Chapel Ministry of Altar Servers warmly invites all young aspiring altar servers who have a willing heart to answer God's call and to become part of our ministry.

Qualifications:
• Must be a baptized Roman Catholic.
• 8 years old and above.
• Willing to attend formation sessions, and practices.
• Committed to serving during Holy Masses, liturgical celebrations, and other activities.

How to Join:
• Send us a message through our Facebook Messenger, or
• Visit Sto. Niño de Payatas Chapel every Sunday from 9:00 AM to 11:00 AM for inquiries

"Whoever serves me must follow me; and where I am, my servant also will be."
— John 12:26




✨ TAYO 2026 ✨Muli nating balikan ang isang makabuluhang hapon ng pagkatuto, pagkakaisa, at pagpapalalim ng pananampalata...
27/06/2026

✨ TAYO 2026 ✨

Muli nating balikan ang isang makabuluhang hapon ng pagkatuto, pagkakaisa, at pagpapalalim ng pananampalataya. Nagpapasalamat kami sa bawat kabataang nakiisa at tumugon sa tawag ng Diyos.

Sa temang TAYO: Tugon, Alab, Yugto, at Oras, muli nating naalala na ang bawat yugto ng ating buhay ay may layunin, ang ating alab para sa Panginoon ay dapat manatiling nagniningas, at ang bawat oras ay pagkakataong maglingkod at magbigay-luwalhati sa Kanya.

Patuloy tayong maging ilaw at inspirasyon sa ating kapwa. Hanggang sa muli!





𝟏 𝐃𝐀𝐘 𝐓𝐎 𝐆𝐎!Ito na 'yon! Bukas na ang TAYO 2026—isang hapon ng saya, kwentuhan, tawanan, bagong kaibigan, at mga karanas...
20/06/2026

𝟏 𝐃𝐀𝐘 𝐓𝐎 𝐆𝐎!

Ito na 'yon!

Bukas na ang TAYO 2026—isang hapon ng saya, kwentuhan, tawanan, bagong kaibigan, at mga karanasang maglalapit sa atin kay Lord.

Isang araw na lang bago tayo magsama-sama bilang isang pamilya ng kabataan!

📅 June 21, 2026
⏰ 1:30 PM
📍 Santo Niño Chapel

Ano, tara? 👀🙌

Tara na at maging bahagi ng TAYO 2026—dahil mas masaya kapag TAYO ang magkakasama!




𝟐 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐓𝐎 𝐆𝐎!Bilang na ang oras!Dalawang araw na lang bago tayo magsama-sama para sa isang hapon ng saya, kwentuhan, taw...
19/06/2026

𝟐 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐓𝐎 𝐆𝐎!

Bilang na ang oras!

Dalawang araw na lang bago tayo magsama-sama para sa isang hapon ng saya, kwentuhan, tawanan, at mga karanasang magpapalalim ng ating pananampalataya.

Excited ka na ba para sa TAYO 2026?

📅 June 21, 2026
⏰ 1:30 PM
📍 Santo Niño Chapel

Ayain na ang tropa at sama-sama nating ipakita na mas masaya kapag "TAYO" ang magkakasama!




𝟑 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐓𝐎 𝐆𝐎!Malapit na! 🎉3 araw na lang bago tayo magsama-sama para sa isang hapon ng saya, kwentuhan, tawanan, at maka...
18/06/2026

𝟑 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐓𝐎 𝐆𝐎!

Malapit na! 🎉

3 araw na lang bago tayo magsama-sama para sa isang hapon ng saya, kwentuhan, tawanan, at makabuluhang karanasan kasama ang kapwa kabataan.

Handa ka na bang makiisa sa TAYO 2026?

📅 June 21, 2026
⏰ 1:30 PM
📍 Santo Niño Chapel

Tara na at sama-sama nating ipagdiwang ang pagiging kabataan ni Kristo!




✨ Something BIG is coming... May saya.May kwentuhan.May tawanan.May mga aral na baon sa puso.At higit sa lahat, may pres...
17/06/2026

✨ Something BIG is coming...

May saya.
May kwentuhan.
May tawanan.
May mga aral na baon sa puso.
At higit sa lahat, may presensya ng Diyos.

Sama-sama nating ipagdiwang ang ating pagiging kabataan ni Kristo sa isang makabuluhan at masayang pagtitipon na puno ng kwentuhan, tawanan, at mga karanasang magpapalalim ng ating pananampalataya.

📅 June 21, 2026
⏰ 1:30 PM
📍 Santo Niño Chapel

Dahil ang TAYO ay hindi lang tungkol sa "ako" o "ikaw"—ito ay tungkol sa ating lahat. Kaya tara na at maging bahagi ng TAYO 2026!




Mayo 29 | Santacruzan 2026Sa biyaya ng Diyos at sa pamamagitan ng ating sama-samang pananampalataya, matagumpay nating i...
01/06/2026

Mayo 29 | Santacruzan 2026

Sa biyaya ng Diyos at sa pamamagitan ng ating sama-samang pananampalataya, matagumpay nating ipinagdiwang ang Santacruzan 2026 sa Sto. Niño De Payatas Chapel. Ang makabuluhang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagpapahalaga sa isang mahalagang tradisyong Katoliko kundi isang paalala rin ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria at ng kanyang halimbawa ng pananampalataya, kababaang-loob, at pagtitiwala sa Diyos. Sa bawat kalahok at debotong nakiisa, naipakita ang buhay na pananampalataya at pagkakaisa ng ating komunidad.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakibahagi upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito—sa mga organizers, volunteers, sponsors, mga magulang, at sa buong komunidad. Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Mahal na Birheng Maria sa ating paglalakbay sa pananampalataya at maging inspirasyon sa ating araw-araw na pamumuhay bilang mga tapat na tagasunod ni Kristo.

O Maria, ipinaglihi nang walang kasalanan, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo.




FLORES DE MAYO / SANTACRUZAN 2026 👑Magandang buhay po sa ating lahat!Isang makabuluhang tradisyon ng ating kapilya ang p...
25/05/2026

FLORES DE MAYO / SANTACRUZAN 2026 👑

Magandang buhay po sa ating lahat!
Isang makabuluhang tradisyon ng ating kapilya ang pagdaraos ng Flores de Mayo at Santacruzan taun-taon. Kaya naman hinihikayat ng Kabataan ng Sto. Niño ang mga kababaihan na lumahok sa paggunita ng Santacruzan bilang mga Reyna na magiging bahagi ng pagdiriwang.

📅 Petsa: Mayo 29, 2026 (Biyernes)
📍 Lugar: Sto. Niño Chapel
🕒 Oras: 3:00 ng hapon

Bukod sa mga Reyna, inaanyayahan din naming sumali ang iba pang bahagi ng tradisyong ito tulad ng mga Angels.
Narito ang mga kategorya at edad ng maaaring sumali:

👑 Reynas – 10 taong gulang pataas
👼 Angels – 4 hanggang 6 taong gulang

Sama-sama nating gunitain at ipagdiwang ang FLORES DE MAYO / SANTACRUZAN 2026 sa ating kapilya! 💐

𝐊𝐎𝐏𝐈 𝐓𝐀𝐋𝐊𝐒: 𝐒𝐈 𝐃𝐎𝐍 𝐎𝐑𝐈𝐎𝐍𝐄 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐃𝐄𝐍𝐂𝐈𝐀𝘾𝙤𝙡𝙤𝙨𝙖𝙨 3:23-24: "𝘼𝙣𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖, 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮...
27/04/2026

𝐊𝐎𝐏𝐈 𝐓𝐀𝐋𝐊𝐒: 𝐒𝐈 𝐃𝐎𝐍 𝐎𝐑𝐈𝐎𝐍𝐄 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐍𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐃𝐄𝐍𝐂𝐈𝐀

𝘾𝙤𝙡𝙤𝙨𝙖𝙨 3:23-24: "𝘼𝙣𝙤 𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖, 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙣𝙞𝙣𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙨𝙤 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙖𝙩 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤.”

Inaanyayahan ang lahat ng Kabataan ng Mother of Divine Providence Parish (POYM) na makibahagi sa gaganaping Kopi Talks sa 𝑰𝒌𝒂-𝟑 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒚𝒐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐬𝐚 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝟐:𝟎𝟎 𝐩𝐦 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐞𝐥. Ang aktibidad na ito ay naglalayong mailapit ang kabataan upang maglingkod nang may galak at pagmamahal sa Panginoon at Simbahan. Ang pag-aalab ng puso para sa paglilingkod ay maaaring magmula sa pamamagitan ng halimbawa ni Don Luigi Orione.

Sa aktibidad na ito, lalong paiigtingin ang pananampalataya ng bawat kabataan upang lumaganap ang kabutihan na kanilang maibibigay sa mundo. Ang kabataan ng parokya ay aming inuudyok na makiisa sa nasabing aktibidad upang dumating ang panahon na umapaw ang kanilang pagmamahal sa pagseserbisyo para kay Hesus.




Address

Quezon City
1119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category