14/04/2026
Radha Krishna Pastime in Nidhivan
Ang Nidhivan, ay matatagpuan sa puso ng Vrindavan, ito ay itinuturing na isa sa pinaka-sagrado at misteryosong lugar para sa pagsasanay ng Krishna bhakti. Hanggang ngayon, ang kagubatang ito ay nananatiling lugar ng Nitya Rasa, kung saan ang mga puno na tila mga gopi dahil sa kanilang magkakaugnay na mga sanga ay nagigising sa gabi upang makilahok sa mga banal na paglalaro nila Radha Krishna.
Isa sa mga pinakamamahal at pinakamalapit na pastime nina Radha at Krishna sa Nidhivan ay ang Shringar Lila, na nagpapakita ng tamis (flavor of love) ng kanilang ugnayan.
Pagkatapos ng mahabang gabi ng pagsasayaw ng rasadance, sina Radha at Krishna ay nagpapahinga sa isang maliit na kunja o kubol sa loob ng gubat na gawa sa mga puno at halaman.
Sa pastime na ito, madalas magpalit ang katayuan ng nagmamahal at minamahal, na nagpapakita ng malalim na pagsuko at debosyon.
Sa ilang mga umaga, sinasabing si Krishna ay nabighani sa kagandahan ni Radha at pagod mula sa sayaw, ay nagiging kanyang tagapaglingkod ni Radharani. . Maingat niyang inaayos ang gusot nitong buhok at nilalagyan ng mga ligaw na bulaklak mula sa gubat tulad ng sampaguita at kadamba.
Nilalagyan ni Krishna ng tilak ang noo ni Srimati Radharani at gumuguhit ng maseselang disenyo sa kanyang pisngi gamit ang sandalwood paste. Sa maraming salaysay, lubos na nalulunod si Krishna sa pagmamasid kay Radharani, anupa’t nakakalimutan niya ang oras, at nakikita niya ang sariling pag-ibig sa mga mata nito.
Nagpapalitan sila ng kasuotan, si Radha ay nagsusuot ng dilaw na pitambhar at korona ni Krishna, at si Krishna naman ay nagsusuot ng belo at alahas ni Radha, na sumasagisag na sila ay dalawang katawan ngunit iisang kaluluwa.
Hanggang sa kasalukuyan, ang mga brahmana pujari sa Nidhivan ay nagsasagawa ng ritwal na nakabatay sa lila na ito:
Tuwing gabi, naghahanda sila ng shringar set, isang pilak na higaan, nakatiklop na sarhee at inilalagay ang mga matatamis, nganga (betal pan), at salamin sa loob ng silid.
Isinasara ang mga pinto sa dapithapon, at walang pinapayagang manatili sa kagubatan, dahil pinaniniwalaang bumabalik si Radha Krishna upang isagawa ang kanilang banal na pastime.
Sa umaga, sinasabing tila nagamit ang higaan at gumalaw ang mga alahas, na para bang tunay na nanahan doon ang banal na magkasintahan.
Ang lila na ito ay itinuturing na napakaganda dahil inaalis nito ang pangamba sa pagka-Diyos ni Krishna at ipinapakita ang payak ngunit malalim na kahalagahan ng Seva (paglilingkod) at Prema (dalisay na pag-ibig).