Sto. Niño de Cebu Chapel

Sto. Niño de Cebu Chapel Sto.Niño De Cebu Chapel Official page

Grand Patapos | San Jose Tagapagtanggol Parish  ✨🌸As we celebrate the Grand Patapos of our Catechism program, we thank G...
03/06/2026

Grand Patapos | San Jose Tagapagtanggol Parish ✨🌸

As we celebrate the Grand Patapos of our Catechism program, we thank God for blessing us with a meaningful and memorable journey. Mula sa bawat lesson, activity, at moments of sharing, mas lalo nating nakilala ang pagmamahal ng Diyos at ang kahalagahan ng pananampalataya sa ating buhay.

Hindi lamang ito pagtatapos ng ating catechism classes, kundi isang reminder na ang mga aral na ating natutunan ay patuloy nating dadalhin at isasabuhay araw-araw. Tunay na naging makabuluhan ang bawat sandaling pinagsamahan, puno ng learning, friendship, and faith.

Maraming salamat sa aming mga catechists, volunteers, parents, at higit sa lahat sa mga bata na naging bahagi ng napakagandang journey na ito. Nawa’y patuloy tayong lumago sa ating pananampalataya at manatiling malapit sa Panginoon.

This may be the end of this year's catechism program, but it is only the beginning of a stronger faith and a deeper relationship with God.

See you next year! 💛✨

FLORES DE MARIA | GRAND PATAPOS | SNC 🌸✨What a meaningful and unforgettable journey it has been! From every lesson learn...
01/06/2026

FLORES DE MARIA | GRAND PATAPOS | SNC 🌸✨

What a meaningful and unforgettable journey it has been!

From every lesson learned, prayer shared, and memory made, we were reminded of God's endless love and guidance. This journey helped us grow not only in knowledge but also in faith, friendship, and service.

As we end this year's Catechism, dala namin ang mga aral at masasayang alaala na mananatili sa aming mga puso. This may be the end of this chapter, but our journey with God continues.

See you again next year for more learnings, more memories, and more moments of growing together in faith. ✨🙏

To God be all the glory! 🤍

BLESSED & CREATIVE WEEK 3: FLORES DE MARIA 2026 🌸​Isang linggong puno ng sining, pananampalataya, at pagmamahal kay Inan...
26/05/2026

BLESSED & CREATIVE WEEK 3: FLORES DE MARIA 2026 🌸

​Isang linggong puno ng sining, pananampalataya, at pagmamahal kay Inang Maria! ✨

​Matagumpay nating nairaos ang Ikatlong Linggo ng ating Flores de Maria rito sa Sto. Niño de Cebu Chapel, at masasabi nating ito ay isang linggo ng pagiging malikhain para sa ating mga kabataan! 🎨✝️

​Sa linggong ito, ipinamalas ng mga bata at kabataan ang kanilang talento sa pamamagitan ng paggawa ng isang Creative Prayer Board. Dito ay buong-puso nilang isinulat at idinisenyo ang mga pangunahing dasal na kanilang natutunan at isinasapuso:

​🙏 Ama Namin (The Lord's Prayer)
​🌹 Aba Ginoong Maria (Hail Mary)
​✨ Luwalhati (Glory Be)
​🛡️ Sumasampalataya (Apostles' Creed)
​...at marami pang iba!

​Napakasarap sa paningin at sa puso na makitang sa murang edad, ang ating mga kabataan ay hindi lang lumalago sa talento, kundi lalong-lalo na sa kanilang espirituwal na buhay at pagkilala sa ating Panginoon at kay Mahal na Birhen.

ANUNSYO | GRAND REHEARSAL NG SANTACRUZAN 2026 ✨🌸Inaanyayahan ang lahat ng ating mga Angel at Reyna para sa ating Grand R...
22/05/2026

ANUNSYO | GRAND REHEARSAL NG SANTACRUZAN 2026 ✨🌸

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga Angel at Reyna para sa ating Grand Rehearsal para sa daloy ng programa ng Santacruzan 2026. Mahalagang makadalo ang bawat kalahok upang maging maayos at matagumpay ang ating pagdiriwang.

📍 Sto. Niño De Cebu Chapel
📅 May 23, 2026 (Sabado)
⏰ 3:00 PM

📌 Sa araw ding ito ay ilalabas ang FINAL LIST ng ating mga kalahok para sa Angel at Reyna.
📌 Deadline ng payment ng Registration Fee.

Hinihikayat ang lahat ng kalahok na dumalo at makiisa. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat! 💖🙏






Ika-46 na Taong Anibersaryo ng Sto. Niño de Cebu Chapel 💚🙏Mayo 17, 2026, buong galak at taos-pusong pasasalamat sa Diyos...
17/05/2026

Ika-46 na Taong Anibersaryo ng Sto. Niño de Cebu Chapel 💚🙏

Mayo 17, 2026, buong galak at taos-pusong pasasalamat sa Diyos nating ipinagdiwang ang Ika-46 na Foundation Day ng ating minamahal na Sto. Niño de Cebu Chapel.

Nagsimula ang programa sa isang masayang salu-salo ng awitan at sayawan na nagbigay sigla at tuwa sa lahat ng dumalo. Sinundan ito ng mga kahanga-hangang pagtatanghal mula sa MOAS, Holy Angels, at ng ating masisipag at talentadong MBG, na lalong nagpasaya sa pagdiriwang.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng programa ang pagbabahagi ng mga alaala at kasaysayan ng ating kapilya mula kina Inay Gloria, Kgd. Andy Adap, Bro. Buboy, at ng ating Pastoral Coordinator na si Sis. Lita Galera. Sa kanilang mga makabuluhang kuwento, muling nabuhay sa ating mga puso ang mga alaala ng pagsisimula at pag-unlad ng ating kapilya, pati na rin ang kanilang tapat na paglilingkod sa sambayanan ng Diyos.

Pagkatapos ng programa ay nagkaroon ng masayang salu-salo, na naging pagkakataon upang higit pang mapalalim ang samahan, pagkakaisa, at pagmamahalan ng bawat miyembro ng ating pamayanan.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo—sa ating Pastoral Council, mga ministry members, at sa masisiglang kabataan ng SNC. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay patunay ng buhay at matatag na pananampalatayang patuloy na bumubuklod sa ating komunidad.

Sa loob ng 46 na taon, ang Sto. Niño de Cebu Chapel ay naging tahanan ng panalangin, paglilingkod, at pagmamahalan. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Sto. Niño sa marami pang taon ng sama-samang pananampalataya at paglilingkod.

✨ 46 Taon ng Biyaya, Pananampalataya, at Pagkakaisa. ✨

FLORES DE MARIA | WEEK 2  ✨🌸Five beautiful days filled with laughter, learning, prayers, and joyful moments with these a...
15/05/2026

FLORES DE MARIA | WEEK 2 ✨🌸

Five beautiful days filled with laughter, learning, prayers, and joyful moments with these amazing kids and youth. 🤍 Every activity, every smile, and every little interaction reminded us how good God is in bringing people together through faith and love.

Seeing the children happy while learning more about God made this experience even more special and meaningful. From playing games, sharing stories, singing, praying, and simply bonding with one another — every moment became a memory we’ll forever treasure. 🙏✨

Thank you, Lord, for guiding us throughout this catechism journey and for allowing us to serve with joyful hearts. Thankful for the youth who shared their time, effort, patience, and love to make these 5 days unforgettable for the kids. 🤍

Truly, when hearts are united with God, everything becomes lighter, happier, and more meaningful. ☀️
Forever grateful for these smiles, lessons, friendships, and memories.

SANTA CRUZAN 2026 🌸Tinatawagan ang pansin ang lahat ng mga magulang at mga kalahok na nagpalista ng Angel at Reyna, pati...
15/05/2026

SANTA CRUZAN 2026 🌸

Tinatawagan ang pansin ang lahat ng mga magulang at mga kalahok na nagpalista ng Angel at Reyna, pati na rin sa mga nagnanais pa na humabol at sumali!

Gaganapin ang ating Orientation Day para sa darating na Santa Cruzan:

📅 MAY 16, 2026
🕒 4:00 PM
⛪ STO.NIÑO DE CEBU CHAPEL

Mahalagang Paalala:
•Para sa mga nakapagpalista na at magpapalista pa lamang, kailangan ang inyong pagdalo para sa mga mahahalagang detalye ng parada at koordinasyon.

Makiisa tayo sa pagdiriwang ng ating tradisyon at pananampalataya! Kita kits!

GRAND SANTA CRUZAN 2026 ✨Ang Santa Cruzan ay hindi lamang isang makulay na tradisyun kundi isang masining at banal na pa...
11/05/2026

GRAND SANTA CRUZAN 2026 ✨

Ang Santa Cruzan ay hindi lamang isang makulay na tradisyun kundi isang masining at banal na paggunita ni Santa Elena sa Banal na Krus. Isang pagkakataon ito upang maipakita ang pananampalataya, kagandahan at debosyon sa Mahal na Poong Diyos.

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang dalaga ng ating pamayanan na maging bahagi ng ating banal na prusisyon bilang mga reyna sa makabuluhang pagdiriwang ng Santa Cruzan 2026 ng Sto.Niño De Cebu Chapel.

📅 May 31, 2026 (Linggo)
🕒 4:00 PM

✨ Para sa mga kabataang dalaga edad 13-18 taong gulang.
💰 Registration Fee: P500
📅 ORIENTATION DAY:
May 16, 2026 (Saturday) 5:00 PM

📌 Para sa mga nais magpalista, makipag-ugnayan lamang po sa ating mga Pastoral Council o hanapin si Monalyn De Leon, Youth Coordinator.

✨Halina at maging bahagi ng isang makulay at makahulugan at pinagpalang pagdiriwang ng pananampalataya.

🌸✨ FLORES DE MARIA | DAY 3–5 ✨🌸Mula Day 3 nitong Miyerkules hanggang Day 5 ngayong Biyernes, naging puno ng saya, mga la...
08/05/2026

🌸✨ FLORES DE MARIA | DAY 3–5 ✨🌸

Mula Day 3 nitong Miyerkules hanggang Day 5 ngayong Biyernes, naging puno ng saya, mga laro, tawanan, at pagmamahal kay Mama Mary ang ating pagdiriwang ng Flores de Maria. 💐🤍

Maraming salamat sa lahat ng mga batang nakibahagi at patuloy na nag-aalay ng kanilang oras, panalangin, at debosyon kay Maria. Nawa’y manatili sa ating mga puso ang pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa ating Mahal na Ina. 🙏✨

DAY 2: FLORES DE MARIA ✨🌸​Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng pagmamahal kay Maria! Ngayong ikalawang araw ng ating Flores de Ma...
05/05/2026

DAY 2: FLORES DE MARIA ✨🌸

​Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng pagmamahal kay Maria! Ngayong ikalawang araw ng ating Flores de Maria, mas naging makulay at makabuluhan ang hapon ng ating mga bata at kabataan.
​Narito ang mga kaganapan ngayong araw:
​📖 Katekismo: Mas malalim na pagkilala sa ating pananampalataya at kay Inang Maria.
​🙌 Pagpupuri: Sama-samang pag-awit at pasasalamat sa Panginoon.
​🎨 Group Activities: Nagpakitang-gilas ang bawat edad sa kanilang mga creative activities.
​🏃‍♂️ Palaro: Walang humpay na tawanan at bonding sa ating mga exciting games!

​Salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng masayang araw na ito. Kitakits muli bukas at sa susunod pa na mga araw para sa mas marami pang laro at aral! 🌹🙌

Address

Sto. Niño
Quezon City
1127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Cebu Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share