LSCC Nia Family

LSCC Nia Family NIA's Ark
Bahagi ng samahan ng mga simbahan Living Springs Christian Church.

February 8, 2026Ngayong Linggo ay susuriin natin ang epekto ng pag-ibig sa loob ng pamilya. Tayo na po sa simbahan. Ang ...
08/02/2026

February 8, 2026

Ngayong Linggo ay susuriin natin ang epekto ng pag-ibig sa loob ng pamilya. Tayo na po sa simbahan.

Ang livestream natin ay nasa FB Group 😊

Sa unang Linggo ng Pebrero ay tahimik na pananambahan muna sa pagitan ng kapatiran, parte ng pakikiramay sa pamilya nina...
01/02/2026

Sa unang Linggo ng Pebrero ay tahimik na pananambahan muna sa pagitan ng kapatiran, parte ng pakikiramay sa pamilya nina Mark Avila, sa pagpanaw ni Tatay Tony Avila.

Inaalala namin ang matagal naming nakasamang Tatay. At inilalagak sa Panginoon ang kapakanan ng kanyang naiwan.

January 25, 2026Magandang umaga! Ngayon ang huling Linggo ng January, at ang huling mensahe na nagsasara sa serye para s...
25/01/2026

January 25, 2026
Magandang umaga! Ngayon ang huling Linggo ng January, at ang huling mensahe na nagsasara sa serye para sa umpisa ng taong 2026

Ang ating livestream ay matatagpuan sa ating FB Group upang mabigyan ng privacy ang mga personal na patotoo ng kapatiran. At mas mabuti rin po kung makakasama namin kayo nang personal.
Kitakits po tayo dito sa simbaha ngayong 10:30AM!

Magandang umaga sa ating lahat! Tayo ay sumamba sa Panginoon 🥰Ang ating FB Livestream ay nasa ating Group - pero higit n...
11/01/2026

Magandang umaga sa ating lahat! Tayo ay sumamba sa Panginoon 🥰

Ang ating FB Livestream ay nasa ating Group - pero higit na mainam kung makasama namin kayo nang personal 🙏

Pagpapala sa ating lahat!

20/12/2025

Sa Pilipinas, kapag naririnig natin ang linyang, "kababae mong tao...", usually may kasunod 'yan na mga expectations na parang may nilabag tayong rules.
​Pero nung nilikha tayo para maging katuwang at tumulong, hindi ibig sabihin na limitado lang tayo sa "pagtulong" o mas mababa na tayo sa iba. I’m sure alam ninyo na sa totoo lang, kakaunti lang ang may alam kung paano tumulong nang tama at tapat—yung hindi lang basta pabalat-bunga. At madalas, kapag nakakahanap tayo ng ganoong klaseng malasakit, galing ito sa mga kababaihan.
​Samahan niyo po kami at ipagdasal ang NIA Community Women’s Fellowship sa aming pagdiriwang ng Advent at Pasko, at kung paano ito nagiging super relevant sa ating lahat. 🥰

Magandang umaga po sa ating lahat! 😊 Maligayang Pasko ng Pagkabuhay - ang ating Panginoon Hesus ay nagtagumpay laban sa ...
19/04/2025

Magandang umaga po sa ating lahat! 😊 Maligayang Pasko ng Pagkabuhay - ang ating Panginoon Hesus ay nagtagumpay laban sa kamatayan dahil sa kasalanan! At dahil dito ay may paraan tayo na muling makalapit sa Diyos 💖

Pahalagahan natin ang sakripisyo ni Hesus na kamatayan at pagdurusa, at ipagbunyi ang kanyang pagkapanalo para sa ating kaligtasan. God bless po sa ating lahat.

Ngayong umaga ay wala po tayong face to face sa service. Bagkus, tayo ay magde-Devotion kasama ang ating pamilya 🥰

Ito po ang ating teksto at programa (suggestion lamang po ang mga parte)

DEVOTION FOR EASTER MORNING

Opening Prayer and Introduction: Head of the Family

Reading of the Word: Eldest Child

Reflection: Parents, led by Father

Q&A and expression of ideas

Closing Prayer: Mother

Maari ding umawit ng 1 o 2 kanta

TEKSTO:
Mga Taga-Filipos 2:5-16 RTPV05
[5] Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. [6] Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. [7] Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao, [8] nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus. [9] At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. [10] Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. [11] At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon. [12] Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos, [13] sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban. [14] Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, [15] upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan, [16] habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.

Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging

Na-miss n'yo po ba ang Livestream ng Worship Service kahapon? 😊 Ngayong Linggo po ang celebration ng Christmas at NY ng ...
05/01/2025

Na-miss n'yo po ba ang Livestream ng Worship Service kahapon? 😊 Ngayong Linggo po ang celebration ng Christmas at NY ng kapatiran, kasama ang mga taong pinangakuan na sasamahan sa lakbayin ng buhay 🥰

Ito po talaga ang pangarap, na magkaroon ng pagkakataon na ma-praktis ng iglesia ang itinuro ni Hesus, ang mahalin ang kapwa. Masaya ang bawat isa (sana!), at lubos naming ikinagagalak ang salu-salo ng magkakapatid at magkakaibigan! Mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat! 🥳

Kita kits tayo bukas sa ating Sunday Worship Service!
14/12/2024

Kita kits tayo bukas sa ating Sunday Worship Service!

Mabisa ang panalangin at pananampalataya 💞 Salamat po sa inyo na kasamang humiling sa Diyos ng kaligtasan mula sa mga ba...
18/11/2024

Mabisa ang panalangin at pananampalataya 💞 Salamat po sa inyo na kasamang humiling sa Diyos ng kaligtasan mula sa mga bagyong parating. 🙏

𝐒𝐓𝐎𝐑𝐌 𝐁𝐑𝐄𝐀𝐊! 🌤️⛈️

Matapos ang sunod-sunod na mga bagyong tumama sa bansa lalo na sa , wala na sa ngayong nakikitang potensyal na bagyo na maaaring mabuo o pumasok sa loob ng PAR at makaapekto sa bansa sa susunod na 5-7 araw.

Asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon sa halos buong bansa na may tyansa pa rin ng localized thunderstorms lalo na sa hapon at gabi dulot ng Easterlies.

Samantala, inaasahang iiral na muli ang Northeast Windflow sa bansa sa mga susunod na araw at posibleng magsimula na rin ang panahon ng .

🛰️ JMA-Himawari

Huling Linggo na ng buwan ng Oktubre bukas, naka-schedule na ba ang iyong Sunday Worship Service bukas?Kita kits tayo ng...
26/10/2024

Huling Linggo na ng buwan ng Oktubre bukas, naka-schedule na ba ang iyong Sunday Worship Service bukas?
Kita kits tayo ng 10AM!

Address

D32 NIA Road Bgy. Piñahan
Quezon City
1100

Opening Hours

Wednesday 7pm - 9pm
Thursday 7pm - 9pm
Saturday 7pm - 9pm
Sunday 9am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LSCC Nia Family posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to LSCC Nia Family:

Share

Category