24/05/2026
Magandang araw po sa lahat.
May umiikot na naman pong modus na nanghihingi ng pera gamit ang pangalan ng simbahan at ng ating mga church leaders. Ang kanilang sinasabi ay para raw sa isang may sakit o nasunugan nating church member at magpapanggap pa na inutusan sila ng pari o ng sinumang leader ng simbahan upang mangolekta ng pera.
PAALALA PO: HUWAG NA HUWAG MAGBIBIGAY NG PERA.
Kung may magpunta po sa inyong bahay at manghingi ng donasyon o tulong, huwag po agad maniwala at agad pong i-verify sa parish office o sa inyong kawan leaders.
Hinihiling din po namin na huwag basta magtuturo ng bahay o address ng ating mga kasamahan sa organization o ministry kapag may nagtatanong, upang maiwasan pong madagdagan pa ang mabibiktima.
Ayon po sa report, kahapon at kanina ay nakita ang lalaking nangbibiktima sa Ilagan area.
Pakikalat at ipagbigay-alam po ito sa lahat ng inyong members, kapamilya, at mga kakilala.
Maraming salamat po.
– Fr. Rey