21/04/2025
Sa ngalan ng buong pamayanang Kristiyano ng Jesus of Nazareth Parish, kami po ay lubos na nalulungkot sa balitang pagpanaw ng ating minamahal na Santo Papa, Pope Francis ngayong Abril 21, 2025.
Ang kanyang pagiging Ama ng Simbahan ay nagbigay liwanag sa madilim na bahagi ng mundo—sa kanyang mensahe ng awa, pagtanggap sa bawat isa, at panawagan sa pagkakaisa. Ang kanyang mga salita at gawa ay mananatiling buhay sa puso ng bawat Katoliko.
Tayo ay patuloy na manalangin para sa kanyang kaluluwa at para buong mundo, nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanyang mga itinuro sa atin.
Eternal rest grant unto him, O Lord, and let perpetual light shine upon him. May he rest in peace…. Amen…
Salamat, Pope Francis.