Partido ni Kristo

Directions

Partido ni Kristo A multi-sectoral, ecumenical & inter-faith movement, lifestyle for truth, justice, peace, love, equality & brotherhood. A call for inner change, conversion.

ALPHA! OMEGA! AMEN! HOSANNA! ALLELUIA!

Lucas 1:26-38... Paglapit ni anghel Gabriel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugo...
03/10/2026

Lucas 1:26-38... Paglapit ni anghel Gabriel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon! Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng kataas-taasan!"

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli, ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa lyo, na sa pagninilay-nilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen! Ipanalangin po n'yo kami Santang Ina ng Diyos, Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo!
Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon!








Pahayag 12:7-12 "Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dra...
28/09/2026

Pahayag 12:7-12 "Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama ang kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon - ang matandang ahas na ang pangala'y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon!"

Pinakamamahal naming Solo Dios, Banal na Santatlo, Ama, Anak, at Espiritu Santo, sinasamba ka po namin at niluluwalhati. Lahat po ng parangal, pagmamahal, papuri't pasasalamat ay buong irog naming inihahandog sa Iyong banal na pangalan ngayong dakilang kapistahan nina San Miguel, Gabriel, at Rafael Arkanghel. Kahanga-hanga po ang pagsusugo Mo sa kanila, kasama ang mga anghel at banal upang ipagtanggol kami lagi kay Satanas at kanyang kampon. Kaya't wag kaming mabalisa't matakot sa Diyablo, sapagkat sa pangunguna ng Mahal na Birheng Maria ay suko na ito! Basta't magpakababa't sumampalataya, magmahal at laging sundin ang Inyong kalooban, tiyak ang tagumpay Mo po ay aming tunay ding tagumpay! Kaya alang-alang po sa mga naghihikahos at binubusabos, kaawa-awa't walang-wala, iligtas Mo po kaming Simbahan ng mga Dukha ng lubusan mula sa kasalanan at karamdaman, kapighatia't kabiguan, diyos-diyosang pulitika, dinaystiya, oligarkiya't teknolohiya, "terrorism, climate change", pandarambong, korapsyon at adiksyon, pataya't kasinungalingan, bagyo, baha’t lindol, peste't kalamidad, at kahirapan, pananakop ng mga dayuhan, kasamaa't kadiliman ngayon at magpasawalang hanggan, Amen! Aleluya!





Mateo 20:1-16... "Ani Hesus: Kaya't ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli!"Viva sweetest Lord, Sto. Niño! Vi...
19/09/2026

Mateo 20:1-16... "Ani Hesus: Kaya't ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli!"

Viva sweetest Lord, Sto. Niño! Viva Agnus Dei, Emmanuel, Cristo Rey! Niluluwalhati Ka po namin Divine Mercy, pinasasalamatan, sinisinta't sinasamba kaisa ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo! Kahanga-hanga po ang kababaang-loob Mo, Diyos na totoo - Taong totoo upang iligtas ang buong mundo. Ikaw po ang Verbong nagkatawang-Tao, Santisimo Cristo del Mundo, upang ipakita sa amin ang tunay na halimbawa ng pagmamahal at paglilingkod para sa kaligtasan naming lahat, ng buong mundo; na ngayo'y nasasadlak sa kasamaa't kadiliman, patayan at kasinungalingan, diyos-diyosang pulitika't oligarkiya, adiksyon at korapsyon, bisyo't sindikato, pandemya't kagutuman, kabigua't kalungkutan, pagkabalisa't kawalang pag-asa, peste't kalamidad, kasalanan at kahirapan! Maalala nawa namin na kami'y kawangis at kalarawan Mo aming Luminous Cross of Grace, ngayong kami po'y nangungumpisal sa Iyo at nagbabalik-loob. Upang mamuhay kami ng buong kababaang-loob! Wala na ang kayabangan, sosyalan, kaartehan, galit, at hinanakit; bonggahan at pasikatan, pormaha't pagalingan, kahalayan, kalaswaan, lamangan at gulangan; pagiging "selfish, childish, immature, materialistic, hedonistic, at plastic!" Sweetest Corpus Christi, ibinigay Mo na po sa amin bilang Simbahan ng mga Dukha, alang-alang sa mga kaawa-awa, nasalanta't walang-wala ang kapangyarihang magpakabuti't gapiin si Satanas at kanyang kampon, kasama po ang mga mapang-aping dayuhan - pambubusabos at lahat ng diyos-diyosan. Basta't lagi po kaming maging "humble, simple, pure, prayerful, merciful, charitable" na Iyong tapat na alipin, tiyak ang kaligtasan namin! Salamat po Lord! We love You forever! Amen!





1 Corinto 1,18,22-24..."Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa at...
12/09/2026

1 Corinto 1,18,22-24..."Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, ito'y kapangyarihan ng Diyos. Ang mga Judio'y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral nami'y si Cristong ipinako sa krus. Subalit sa mga tinatawag ng Diyos, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos."

Viva Poong Hesus! Viva Birheng Maria! Sweetest Lord Jesus iniibig ka po namin, pinasasalamatan, sinisinta't sinasamba, kasama ng Diyos Ama at Espiritu Santo. Sa kapistahan po ng banal na pangalan ni Mama Mary (Sept.12), Mary Mediatrix of All Grace at ng tagumpay Mo po sa Krus (Sept.14); naniniwala po kaming walang humpay na biyaya po ang patuloy Mong binubuhos sa aming takot na takot at gulong-gulong mundo at aming kalunos-lunos, binubusabos at naghihikahos na bansang kaawa-awa. Patawarin Mo po kaming lahat na buong kababaang-loob na nangungumpisal sa lyo aming Divine Mercy. Nagpaalipin po kami kay Satanas at kanyang mapanglinlang at mandarambong na kampon, gayon din sa mga diyos-diyosan. Lumayo po kami sa lyo Kataas-taasang Grasya! Kaya disgrasya, trahedya, pandemya, kahirapan, kaguluhan, karamdaman, kabiguan, kalungkutan, pagkabalisa't kawalang pag-asa, gutom, peste't salot sa ami'y dulot! Liwanaga't iligtas Mo po kami aming Luminous Cross Of Grace sa lahat ng kasamaa't kadilimang ito. Bakunahan Mo po kami tuloy-tuloy aming Savior Doctor Corpus Christi. Ikaw lang po ang aming Ostiya ng Kaligtasan, kapayapaa't kaligayahan. Kumakapit po kami sa lyo aming Emmanuel, Agnus Dei sa isang puso sa pusong ugnaya't pagmamahal upang lubusa't daglian Mo pong ipagkaloob sa amin ang Solusyong Ultimatum bilang aliping walang kabuluhan. Ang tagumpay Mo po Sacred Heart, kasama ng Immaculate Heart ay tagumpay naming Simbahan ng mga Dukha, lalong-lalo po ng mga nasalanta, kaawa-awa't walang-wala. Totus Tuus! Happy Fiesta po sweetest Lord Verbo and Mama Mary Mediatrix. Salamat po, we love You forever and ever. Amen, Hossana, Alleluia, Amen!





Mateo 18:15-20... "Ani Hesus: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong pa...
06/09/2026

Mateo 18:15-20... "Ani Hesus: kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila!"

Sweetest Lord Jesus Christ, our Doctor and Savior, Healer and Redeemer, aming Alpha at Omega, iniibig Ka po namin, pinasasalamatan, sinisinta't sinasamba kaisa ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo! Batid Mo pong ang litong-lito, takot na takot, nagugulumihanang sandaigdigan at aming inaapi, nagdurusa't kaawa-awang bansa ay nasa gitna ng kalunos-lunos, mapangwasak, nakamamatay, mala-sumpang pandemya! Sakit, hinagpis, kalungkutan, kapaguran, kabiguan, kawalang trabaho't pag-asa; walang pera't kagutuman, pagkakawatak-watak, pagkabalisa't kahirapan ang amin pong nararanasan. Napakatindi po ng kamandag ng mapang-api't mapanlinlang, nang-aabuso't mandarambong na kampon ni Satanas! Iligtas Mo po kami aming pinakamasintahing Emmanuel sa kanilang lahat na kampon ng kadiliman. Pagkakataon na po naming lalong mapalapit sa Iyo aming Cristo Rey: magsisi, magbayad puri't magbabalik loob sa Iyo aming Divine Mercy! Buong kababaang-loob kaming kumakapit sa Iyo aming Agnus Dei sa isang malalim, puso sa puso't punong-puno ng pagmamahal na habang buhay na pagsusuko't ugnayan sa Iyo, aming Sacred Heart katambal ng Immaculate Heart, sweetest Mary Mediatrix. Totus Tuus! Kaya alang-alang po sa mga kaawa-awa, nasalanta't walang-wala, palayai't iligtas Mo po kami Corpus Christi, ng daglia't lubusan sa lahat ng ito, kay Satanas at mga diyos-diyosan! Maawa Ka po't ipagkaloob sa amin ang Solusyong Ultimatum, aming Luminous Cross Of Grace. Salamat po sweetest Lord Verbo. We love you forever and ever! Amen!





Mateo 16, 21-27… Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kan...
29/08/2026

Mateo 16, 21-27… Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa.

Viva Santisimo Cristo del Mundo! Happy Holy Feast! Viva Rex Deus! Sweetest Lord Jesus, lahat po ng parangal at pagmamahal, pagsamba't pananampalataya, papuri't pagluwalhati ay sa lyo lamang kasama ng Diyos Ama at Espiritu Santo. Sabik na sabik po kami sa lyong muling pagbabalik.
Naghihintay, nagbabantay, nangungumpisal, nagpapakababa't naghahanda bilang Simbahan ng mga Dukha; sa tuloy-tuloy na paglilingkod sa mga nagdurusa't pinakahamak, kaawa-awa't walang-wala! Walang puwang sa pagiging palalo't waso, palpak at tamad, maarte't matapobre, "materialistic, selfish, immature, childish, at plastic." Dahil nakaamba po ang lyong ultimatum na solusyon. Ikaw lang po talaga ang nag-iisa't tunay na Lord, Hari ng pagmamahal at kapayapaan, katarungan at katotohanan, pag-asa't kaligayahan - kaayusan ng lahat ng bagay! Kaya't sa lyo pong matagumpay na pagdatal, na amin ding tagumpay, tatapusin Mo po ng lubusan ang mga naghahari-haria't diyos-diyosang buong kampon ni Satanas, "druglord, gambling lord, warlord"; giyera, pornograpiya, pulitika't oligarkiya, "terrorism, human trafficking, materialism, commercialism, hedonism", bisyo't sindikato, adiksyon at korapsyon, peste't kalamidad, pagdurusa't pandemya, pananakop ng mga dayuhan, karamdaman, kahirapan, kasamaan, kadiliman, at kasalanan!
Thank you so much po Lord, Luminous King! Ikaw lang po ang aming liwanag at kaligtasan, Manunubos at Manggagamot! We love you Sweetest Lord King forever, Amen! Amen! nUU






Lucas 13, 22-30... "Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?" Ani Hesus, "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan....
21/08/2026

Lucas 13, 22-30... "Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?" Ani Hesus, "Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan.
Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli!"

Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa, Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka naming ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Ipanalangin mo po kami Birheng Maria, Reyna ng Langit at lupa, ng pagmamahal at kaligtasan; ipanalangin po n'yo kami Santang Ina ng Diyos!
Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong aming Panginoon!





Lucas 1:39-56... At sinabi ni Maria,"Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos...
15/08/2026

Lucas 1:39-56... At sinabi ni Maria,

"Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan - Banal ang kanyang pangalan! Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali't saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!"
Ipanalangin po n'yo kami Santang Ina ng Diyos, Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo! Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon!







Mateo 14, 22-33… Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang maylumalakad sa ibabaw ng tubig. "Multo!" sigaw ...
09/08/2026

Mateo 14, 22-33… Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may
lumalakad sa ibabaw ng tubig. "Multo!" sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot; si Hesus ito!"

Halina po Lord Doctor Jesus, "our Healer and Redeemer!"Lahat po ng parangal, pagmamahal, papuri, pagsamba't pagluwalhati ay buong irog naming inihahandog sa lyo pong makapangyariha't banal na Ngalan, kaisa ng Diyos Ama - Abba at Espiritu Santo! Sweetest God Savior, our Psycho-Therapist, gamutin at patawarin Mo po kaming lahat, Mundo't Simbahan na naghihingalo, nalulunod, wasak, durog, nagdurusa, bugbog sarado't tuliro dahil na rin po sa aming kabuktuta't kasalanan. Palayain Mo po kami sa lason at bagsik ni Satanas, ng kanyang mapanglinlang at gahamang kampon! Gayundin po sa mga mapang-aliping diyos-diyosang pera't kapangyarihan, pulitika't kasikatan, salot, sakuna't bacteria, peste't krisis, karamdaman, pagdurusa't kalamidad, kabiguan, pang-aapi't kahirapan; kagutuman, pagkabalisa't kapighatian, kalupitan, kawalang pag-asa't kadiliman! Poong "Luminous Cross of Grace - aming Divine Mercy," gisingin, ibangon, at pagbagong-anyuin Nyo po kami mula sa pagkatakot upang maganap na ang banal na rebolusyon ng puso't pananampalataya! Ang tagumpay sa social media, sa aming buhay at panahon ng Inyong Solusyong Ultimatum, liwanag, katarungan, katotohanan, kapayapaan, kaligtasan, pagmamahal, at banal na kalooban - fiat voluntas tua! Sa lyo pong patuloy na pagbabakuna ng lyong mapaghimalang Pag-ibig, aming Corpus et Sanguis Christi, lalong-lalo na po sa mga nagdurusa't nasalanta, kaawa-awa't walang-wala; sa aming walang humpay na paghihintay, paghahanda't pagbabantay ay totoo pong sulit na sulit - napakasarap! Napakasarap Mo pong tagumpay sweetest Lord Verbo - Rex Deus ay amin din pong tunay na tagumpay, ngayon at magpakailanman, Amen!




Mateo 14, 13-21… Siya ay tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos...
01/08/2026

Mateo 14, 13-21… Siya ay tumingala sa langit, at nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog.

O sweetest Abba, aming Alpa't Omega, iniibig naming Diyos Ama, niluluwalhati't sinasamba ka po namin ng walang umay at humpay! Mahal na mahal Mo po kaming lahat, lalo na ang binubusabos at naghihikahos, binabale-wala't kaawa-awa, mga inaalipusta't walang-wala. Kaming lyong Simbahan ng mga Dukha ay di karapa't-dapat, mahina, marupok, at makasalanan Mong alipin na lyong laging pinatatawad at inililigtas sa ngalan ng Poong Hesus. Pinupuspos Mo po kami tuwina ng Espiritu Santo, upang buong kababaang-loob at tapang naming magampanan ang mısyon na linisin ang aping-aping Inang Bayan at Simbahan. Ito'y mula sa pagkaalipin namin sa kampon ni Satanas at pagkaagnas, adiksyon, at korapsyon, diyos-diyosang pulitika't oligarkiya, kahirapa't karamdaman, pataya't kasinungalingan, at sa kasamaa't kadiliman. Ikaw po ang aming kayamanan at tagumpay, kapayapaa't pagmamahal, hantunga't kaligayahan! Salamat po Padre Nuestro. Pater Noster, we love you forever! Bilang mga pinakamamahal Mong mga alibughang anak, buong kababaang-loob naming isinusuko ang lahat-lahat po sa lyo, sa kamahal-mahalang Puso ni Hesus, at Kalinis-linisang Puso ni Maria, ngayon at magpasawalang-hanggan, Amen! Alleluya! Alleluya!




Address

Epifanio Delos Santos Ave. Cor. Ortigas Ave.
Quezon City
1110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Partido ni Kristo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share