24/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ | ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐ก
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Mahal na Birheng Maria, aming Ina at Ina ng Simbahan, Lumalapit po ako sa iyo ngayon upang humingi ng iyong tulong at pagkalinga. Ipinagkakatiwala ko po sa iyong mga kamay ang aking buhay, ang aking mga pangarap, pati na ang aking mga alalahanin. Ipanalangin mo po ako at ang aking pamilya sa iyong Anak na si Hesus. Hiling ko po na pagkalooban Niya kami ng kalusugan ng kaisipan at katawan, kapayapaan sa aming tahanan, at lakas sa bawat pagsubok. Gabayan mo po kami sa aming mga desisyon araw-araw, at ituro mo sa amin kung paano magmahal at magsilbi sa kapwa tulad ng iyong ginawa. Amen.
Maria, Ina ng Simbahan, Ipanalangin mo kami.