Pastor Jiggz Bartolome

Pastor Jiggz Bartolome In the service of the King of Kings.

08/04/2026

Ceasefire.. 🙏 🇮🇷🇺🇸🇮🇱

30/03/2026

"Tapat at mabuti"

Original tagalog worship song by PtrJiggz

Ano mang manyari sa mundo, laging tatandaan tapat at mabuti ang ating DIYOS at alam nya lagi ang mas mabuti sa atin na mga umiibig sa kanya.


30/03/2026

Mali ung na upload ko na video ng Tapat at Mabuti kanina, please wait sa re upload ko

Cramming! 〽️Hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganitong kalaking awa sa mga tao na nag papanic ngayon dahil sa sitw...
25/03/2026

Cramming! 〽️

Hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganitong kalaking awa sa mga tao na nag papanic ngayon dahil sa sitwasyon sa mundo.

Halos sampung taon pa lang ang nakalilipas mula nang ipina seminar sa akin ng Diyos ang Zion end times seminar. Noong mga panahon na iyon walang nag papanic, maging karamihan sa mga Kristyano ay komportable lang sa kanilang mga upuan sa bahay samabahan.

Ngayon ay panic mode ang lahat, nakaka awa dahil dapat kung nagbabasa at naniniwala sa Salita ng Diyos ay tanggap mo na na talagang mangyayari ito sa mundo.

Sabi nga ng usong sabi-sabi noong nag aaral pa ako "Ayan cramming ka na naman!" Kahit sinabi naman ng titser ahead of time yung araw ng examination o submission ng project isang araw pa din bago ang submission gagawa ng project or mag rereview sa exam. Tapos gagawa ng mga paraan kahit hindi tama gaya ng kodigo para pumasa o maging katanggap-tanggap yung project dahil kulang na kulang na sa oras at delikadong bumagsak.

Cramming 2.0

Ngayon kung mag oobserba ka, makiita mo din ang ugaling ito sa lipunan na ngayon ay sobrang nasa cramming mode, na kahit hindi tama ang solusyon ay hindi na pag iisipan basta lang may magawa.

Halimbawa?

EV - Nakakatawa ito kasi dahil sa krisis sa langis (para daw makatipid) ang cramming solusyon ng tao ay gumastos at palitan yung kanilang lumang sasakyan at bumili ng bagong sasakyan ng EV. Daan-daang libo o milyon ang gagastusin para makatipid? Masakit kung uutangin pa ay doble ang presyo. At ang hindi nila naisip kung totoong mawawala na ng tuluyan ang access sa langis ang ibig sabihin din nito ay magkakaron na ng pandaigdigang crisis sa gera dahil hindi kayang tumayo ang kahit sinong bansa sa ngayon ng walang access sa langis. At kung matutloy na nga ang propesiya ng Bibliya na pandaigdigang gera eh para saan pa yung EV?

HOME - Yung iba naman ayaw na lumabas ng bahay dahil daw mas safe, hindi din nag iisip na kung hindi ka aalis ng bahay kapag nag umpisa na ang mga sinasabi sa bibliya na magaganap sa end times una ka sa mga kawawa pati mahal mo sa buhay kung akala mo ay safe ka sa bahay mo pag dumating na ang end times, at sinabi din yan sa Bibliya.

Ilan lang yan sa mga panic mode mind-set na nakikita ko sa mga tao ngayon. Maging sa mga Kristyano na hanggang ngayon hindi pa din buo ang paniniwala sa mga propesiya ng Bibliya na magaganap sa mundo.

Kung nagbabsa lang sana ng Bible at naniniwala, mauunawaan na hindi itong mga bagay na ito ang talagang problema dahil nasa ibabaw lamang ang energy crisis sa napaka lalim na problema na padating sa mundo sa takdang panahon ayon sa propesiya ng Bibliya tungkol sa mga magaganap sa mga huling araw.

May oras pa para basahin mo ang Salita ng Diyos na nasa Bibliya.

May panahon pa para kilalanin mo ang totoong makapag liligtas sa iyo, ang ating Panginoong Hesu Kristo.

Imbes na matuliro ay magbantay
Imbes na mag cramming ay maghanda
Imbes na na mag panic ay manalangin

--PtrJiggz

Edit: EV - Electric Vehicles



Matagal pa yan 🙃 🕚 🕛2016 Kinausap ako ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip at pangitain na ituro ko daw ang tamang Bible...
09/03/2026

Matagal pa yan 🙃 🕚 🕛

2016 Kinausap ako ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip at pangitain na ituro ko daw ang tamang Bible End Times Prophecy dahil marami ang maling bagong katuruan na kumakalat sa mundo tungkol dito at may mga mangyayari na sa mundo soon.

2017 Sa biyaya ng Diyos ay nasimulan ko na ang Zion bible end times prophecy seminar. Glory to God at naging very successful naman ang Zion 1 and 2, na sa halos tatlong taon mula 2017-19 naka ikot ako sa iba't ibang lugar at nakapag coduct ng Zion seminar at nakompleto ang kabuoan ng CAROIM workers dahil ito priority ko bilang leader ng CAROIM at may mga iba pang churches na naniwala at nag schedule din ng Zion seminar.

Pero madami din nag sabi na "Matagal pa naman yan". (At hindi naghanda.)

2020: Naka schedule na ang Zion 3, pero hindi na natuloy dahil nangyari na nga ang Corona Virus Pandemic na nagpahirap ang nagbago ng buhay at kaisipan ng bawat taong naka survive sa pandemya.

Pero marami pa din nagsabi "Matagal pa yan"
(At patuloy na hindi naghahanda.)

2023: Sa kakatapos lang ng pandaigdigang Pandemya nangyari ang 59 state war ang pinakamalaking bilang ng mga estado o bansa na sumailalim sa digmaan na hindi pa nangyayari simula noong matapos ang world war 2.

2024: 61 State war mas dumami pa lalo ang bilang ng mga bansa na sumailalim sa digmaan..

2025: 240,000 na ang bilang ng namatay dahil sa mga gerang nabanggit na patuloy pang lumalala. Nag palit ng Presidente ang pinaka makapangyarihan bansa sa mundo (U.S.) Nagpalit ng leader ang pinaka malaking relihiyon sa mundo ( Pope Leo XIV)

2026: Sa utos ng bagong leader ng U.S. Inatake ng U.S. military ang Iran at nagsimula ang malawakang gera sa middle east na posibleng magsimula ng pandaigdigang paghihirap, o digmaan.

2027: ???

Kamusta na kaya ngayon yung mga nagsabing "Matagal pa yan"?

Maghanda, magbantay, manalangin. 🙏

--PtrJiggz



Kahit Na (Tagalog Worship Song) 🎶​Ano man ang ating harapin, sapat ang biyaya ng Panginoon. Ang awiting ito ay isang dek...
05/03/2026

Kahit Na (Tagalog Worship Song) 🎶

​Ano man ang ating harapin, sapat ang biyaya ng Panginoon. Ang awiting ito ay isang deklarasyon ng tagumpay laban sa takot at patotoo sa matatag na pananampalatayang mayroon tayo kay Kristo. 🛡️✨

​Samahan niyo kaming sumamba at magtiwala. Kung naging pagpapala sa iyo ang awiting ito, huwag kalimutang i-Like at i-Share para mas marami pa ang maabot ng pag-asa! 🙏🙌

Live Worship (Raw Cellphone Recording)
​Performed by: Pastor Jiggz Bartolome
Label: Crisamba Music





Kahit Na | Acoustic Release ​"Kahit Na" is an original Tagalog worship song that serves as a powerful declaration of trust. No matter what trials we face, th...

26/02/2026

"True accountability isn't inspired by the insistence of authority, but by the presence of integrity."

#​IntegrityOverAuthority

21/02/2026

📹 Bicol VisiMission Vlog: Day 3
February 19 (Day 2) — Healing
February 20 (Day 3) — Salvation Day

Isang prebilehiyo po para sa amin na masaksihan ang pagkilos ng Diyos mula pa noong Day 2. Dalawang araw pa lamang kami dito sa Bicol, ngunit grabe na ang ipinamalas na kabutihan at kadakilaan ng Diyos—ang Kaniyang pag-ibig na hindi kayang sukatin.

Walang anumang pagod, gastos, o sakripisyo ang makakatumbas sa aming mga nasaksihan at naranasan.

Paulit-ulit naming sasabihin—happy to serve. 🫡

Sa Diyos ang pinakamataas na papuri, pagsamba, at pagluwalhati! Amen.

P.S. For more videos like this please visit and follow Capanalangin Channel page.

Link: 👇
https://www.facebook.com/share/1C3dcocYfK/



19/02/2026

"Pamilya ang una nating ministry."

Malimit kong madinig itong ginagamit sa pag provide ng pangangailangan ng pamilya ng isang Pastor o lingkod ng Diyos. Marapat naman dahil ito ay nakasaad sa 1 Timoteo5:8.

Ngunit hindi lamang iyon ang ibig sabihin ng mga katagang "Ang pamilya ang una nating ministry".

Dahil ang isang mas mahalagang rolyo ng isang lingkod ng Diyos sa kanyang pamilya (Tatay, nanay, kapatid, tito, tita, hipag, bayaw, pinsan, asawa o anak) ay maging mabuting huwaran sa kanila bilang isang tunay na lingkod ng Diyos na buhay.

Ang mapangunahan sila sa katuwiran ng may pagpapakumbaba at integridad, upang hindi sila mapilitan lamang na makinig at sumunod sa atin ngunit ma-inspire sila sa buhay na ginawa ng Diyos sa buhay natin sa puntong kusang naisin na nilang maranasan ang nakikita nila sa atin.

Tandaan mas mabuti at mas epektibo ang pagsunod dahil sa respeto at pagmamahal kesa sa takot.

Ganito pinasunod ng ating Panginoong Hesu Kristo ang kanyang mga alagad, kayat kahit na noong umalis na siya sa mundo ay kinaya pa rin nilang ialay ang kanilang mga sariling buhay upang masunod pa rin ang kanyang mga binitawang salita sa kanila.

Mga Awit 101:2 RTPV05
[2] ang aking susunding lagi ay ugaling walang kapintasan, kailan ka kaya darating sa aki't ako'y lalapitan? Malinis ang budhing mamumuhay ako sa aking tahanan.

CA Admin Team mission/trip to Bicol 2026.Bukas ng madaling araw kasama ang team ay babagtas na naman ng mahabang biyahe ...
17/02/2026

CA Admin Team mission/trip to Bicol 2026.

Bukas ng madaling araw kasama ang team ay babagtas na naman ng mahabang biyahe patungo sa Bicol, pagkatapos ng malamig ngunit matagumpay na mission sa Norte.

Sa kalooban ng Diyos makapagbubukas po tayo muli ng mga panibagong mga gawain ng Panginoon sa ilang mahahalagang lugar sa Camarines Sur. At mga isagawa ang mga plano upang mapalakas lalo ang mga manggagawa at mga existing nating mga Churches sa Bicol.

Patuloy nyo po kaming isama sa inyong mga panalangin. 🙏❤️☝️


Wag matakot sa mga banta ng gera o pananakop ng malaking bansa na mula sa silangan, dahil ayon naman ito sa propesiya ng...
16/02/2026

Wag matakot sa mga banta ng gera o pananakop ng malaking bansa na mula sa silangan, dahil ayon naman ito sa propesiya ng Bibliya, sa mga huling araw talagang ito ang bansang manankop at gagamitin ng "suwail" upang manikil sa mundo gamit ang apoy, usok at asupre. Sa mga naniniwala sa Bibliya at nagbabantay sa mga pangyayari sa mga huling araw ay alam na mas mabuti pa ang kalaban nila kesa maging kaisa nila sa adhikain pag dating ng mga huling araw. Kaya imbes matakot ay mas mabuting manalangin at hingin ang proteksyon at kalooban ng Diyos.

ZION Bible End Times Prophecy III.

Maghanda, Magbantay, Manalangin.

-PtrJiggz


Address

Sangandaan
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pastor Jiggz Bartolome posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Pastor Jiggz Bartolome:

Share