01/06/2026
#𝗖𝗦𝗡𝗣𝗞𝗦𝗔𝟮𝟲 | Isang makabuluhang pagtatapos sa mga kabataang lumahok sa 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗰𝗵𝗶𝘀𝗺: 𝗦𝗡𝗣 𝗞𝗶𝗱𝘀 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲 noong Sabado, Mayo 30, kasabay ng ginanap na graduation day ng programa.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo, araw-araw na nagbahagi ng mga aral, kuwento, at pananampalataya tungkol sa buhay ni Maria at ng Kaniyang Banal na Pamilya ang mga volunteer catechists na sina Leticia Fernandez, Myrna Verdejo, Eunice Usita, Trixie Manuel, Lovely Buena, at John Mathew Tadeo. Sa loob ng ilang linggo, naging tahanan ng pagkatuto, pananampalataya, at pagkakaisa ang Catechism: SNP Kids Summer Activity 2026 para sa mga kabataan ng pamayanan.
Bunga ng sama-samang pagtutulungan ng mga miyembro ng Angeles Del Cielo at ng mga taong patuloy na sumusuporta sa grupo, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies na magsisilbing munting tulong para sa nalalapit na pagbabalik-eskwela ng mga kabataan.
Taos-puso namang nagpapasalamat ang grupo sa lahat ng mga sponsor, donors, at sa Pastoral Council ng pamayanan ng Sto. Niño de Praga sa walang sawang suporta upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Dagdag pa rito, nag-uwi rin ng karangalan ang mga kabataan ng SNP sa naganap na PMP Flores de Mayo 2026 Graduation Day:
🎖️ 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 — 𝗤𝘂𝗶𝘇 𝗕𝗲𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
🎖️ 𝟰𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 — 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈Ñ𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐑𝐀𝐆𝐀! 💛