Beloved Disciple

Call Directions Contact the place of worship

Beloved Disciple 🤎 Loved to Love 🤎

Be authentic. Be real. Be Genuine. Maging genuine ka, kahit hindi ka sigurado kung genuine ang mga taong nakapaligid sa’...
21/09/2026

Be authentic. Be real. Be Genuine.

Maging genuine ka, kahit hindi ka sigurado kung genuine ang mga taong nakapaligid sa’yo.

Hindi porke’t may mga taong hindi naging totoo sa’yo, kailangan mo na ring baguhin kung sino ka. Huwag mong hayaang ang character ng iba ang maging dahilan para mawala ang sincerity mo.

Manatili kang totoo.
Dahil ang pagiging genuine ay hindi nakadepende sa kung paano makitungo ang iba, nakikita ito sa kung sino ka kahit walang nakakakita.

Let God reveal what needs to be revealed. Ikaw, just keep your heart genuine. 🤍🙏

KAHIT ISA LANG.Kahit isa lang maniwala.Kahit isa lang makinig.Kahit isa lang magtiwala.Kahit isa lang umunawa.Kahit isa ...
20/09/2026

KAHIT ISA LANG.

Kahit isa lang maniwala.
Kahit isa lang makinig.
Kahit isa lang magtiwala.
Kahit isa lang umunawa.
Kahit isa lang manatili.
Kahit isa lang magsabi ng, “Kaya mo ’yan.”

Minsan, hindi naman kailangan ng maraming tao.
Hindi kailangan ng palakpak ng lahat.

Kahit isang taong tunay na naniniwala sa’yo, sapat na para magkaroon ka ulit ng lakas na bumangon, lumaban, at magpatuloy.

Kahit isa lang ang maniwala sa’yo—
minsan, iyon na ang kailangan mo para maniwala ka rin ulit sa sarili mo.

Kakayanin mo.
Kakayanin niya.
Kakayanin natin. 🤍

Healing is not about pretending the pain never existed.It's about allowing God to transform your pain into a testimony.K...
26/07/2026

Healing is not about pretending the pain never existed.

It's about allowing God to transform your pain into a testimony.

Kung pakiramdam mo hindi ka pa ganap na healed, huwag mawalan ng pag-asa.
Hindi dahil mabagal ang proseso ay ibig sabihin wala nang nangyayari.

Minsan, ang pinakamalalaking pagbabago ay tahimik na ginagawa ng Diyos sa puso natin, mga pagbabagong hindi agad nakikita, pero unti-unting nararamdaman.

Healing is a journey, not a race.

May mga araw na magiging magaan ang pakiramdam mo. May mga araw din na parang bumabalik ang sakit. At ayos lang yun. Hindi ibig sabihin na nagsisimula ka ulit sa umpisa. Bahagi iyon ng proseso ng paghilom.

Hindi ka nahuhuli.
Hindi ka nakalimutan.
Hindi ka iniwan ng Diyos.

Kahit hindi mo pa nakikita ang kabuuan ng Kanyang plano, patuloy Siyang kumikilos sa buhay mo. Sa bawat luha na iyong ipinapatak, sa bawat panalanging halos wala ka nang lakas na sambitin, at sa bawat araw na pinipili mong bumangon, kasama mo Siya.

Every step you take toward Jesus is a step toward healing.
Patuloy kang lumapit.
Patuloy kang magtiwala.
Patuloy kang manalangin.
Patuloy kang umasa.

Dahil ang Diyos na nagsimula ng Kanyang mabuting gawain sa buhay mo ay tapat na tatapusin ito sa tamang panahon at balang araw, lilingon ka na lang at mapapangiti.

Makikita mong ang sugat na minsang nagpaluha sa'yo ay hindi na pinagmumulan ng sakit, kundi ng pasasalamat. Ang mga panahong akala mo ay sisira sa'yo ang siyang ginamit ng Diyos upang patatagin ka.

Your pain will not be wasted.
Your scars will become a testimony.
And your story will become proof that God is faithful, even in the hardest seasons of life.🤎

Heart Check muna tayo! Anong sugat ang matagal mo nang dala? Ibigay mo ito kay Jesus ngayon.Hindi mo kailangang dalhin a...
25/07/2026

Heart Check muna tayo!

Anong sugat ang matagal mo nang dala? Ibigay mo ito kay Jesus ngayon.
Hindi mo kailangang dalhin ang lahat nang mag-isa.
Hindi mo kailangang magpanggap na okay ka kung hindi.

Jesus is not asking you to hide your wounds.
He is inviting you to bring them to Him.
Maybe it's disappointment.
Maybe it's rejection.
Maybe it's grief.
Maybe it's guilt.
Maybe it's something you've never told anyone.

Alam na ng Diyos ang laman ng puso mo.
At mahal ka pa rin Niya.

Ngayong araw, maglaan ng ilang minuto.
Huminto.
Huminga.
At sabihin mo lang,
"Lord, ito ang sugat ko. Hindi ko na kayang dalhin nang mag-isa."

Healing begins when we surrender what we've been trying to carry alone.
Kailangan mo si Jesus, sasamahan ka Niya.

It takes time, just wait. Kung hindi ka pa okay ngayon, hindi ibig sabihin hindi gumagalaw ang Diyos.Ang sugat ay hindi ...
24/07/2026

It takes time, just wait.

Kung hindi ka pa okay ngayon, hindi ibig sabihin hindi gumagalaw ang Diyos.

Ang sugat ay hindi gumagaling sa isang gabi pero habang nagtitiwala ka, gumagawa Siya behind the scene.

Minsan gusto natin ng instant healing.
Instant answers.
Instant restoration.
Instant peace.
Pero kadalasan, pinipili ng Diyos na samahan tayo sa proseso.

Sa bawat araw na bumabangon ka kahit mahirap.
Sa bawat panalanging kahit maikli ay iniaalay mo pa rin.
Sa bawat pagkakataong pinipili mong magtiwala kaysa sumuko.

Unti-unti, kumikilos ang Diyos.

Hindi mo man ito laging nakikita.
Hindi mo man ito agad nararamdaman.
Hindi ibig sabihin na wala Siyang ginagawa.

Don't compare your healing journey with someone else's.
May kanya-kanyang timeline ang bawat isa.

Ang mahalaga, huwag kang tumigil sa paglapit sa Diyos.
He is still working, even in the waiting.

Healing Is Moving Forward Without The Pain Controlling You.Maraming tao ang nag-iisip na kapag healed ka na, ibig sabihi...
23/07/2026

Healing Is Moving Forward Without The Pain Controlling You.

Maraming tao ang nag-iisip na kapag healed ka na, ibig sabihin wala ka nang maaalalang sakit. Na para bang ang tunay na healing ay ang tuluyang pagbura sa lahat ng nangyari.

Pero hindi yun ang ibig sabihin ng healing.

Healing doesn't always erase the memories. It changes the way those memories affect you.

Darating ang araw na maaalala mo pa rin ang mga panahong umiyak ka hanggang makatulog. Maaalala mo pa rin ang mga taong nanakit, ang mga pangarap na nawala, ang mga panalanging hindi nasagot, at ang mga laban na halos sumira sayo.

The memories may still exist but they no longer have the power to control your life.
Hindi ka na nito sisirain sa tuwing maaalala mo ang nakaraan.
Hindi ka na nito pipigilan na ngumiti muli.
Hindi ka na nito hahadlangang magmahal muli.
Hindi ka na nito tatakutin na magtiwala muli.
Hindi ka na nito kukumbinsihin na wala nang pag-asa.

Because true healing is not forgetting.
True healing is remembering without reliving the pain.

Iyon ang ginagawa ng Diyos.
Hindi Niya laging binubura ang nakaraan, pero binabago Niya ang puso natin.
Hindi Niya laging inaalis ang lahat ng bakas ng sugat, pero binibigyan Niya tayo ng bagong lakas, bagong pananaw, at bagong pag-asa para harapin ang hinaharap.

Unti-unti, mapapansin mong ung dating sugat ay nagiging patotoo ng katapatan ng Diyos. Ang dating dahilan ng pagluha ay nagiging dahilan na para magpasalamat.

Your scars are no longer signs of defeat. They become evidence that God carried you through the battle.

Hindi ka man bumalik sa dati mong pagkatao, may mas maganda namang nangyari.

God is making you into someone stronger, wiser, kinder, and more dependent on Him.

Kaya kung nasa proseso ka pa ng paghilom, huwag mong madaliin ang sarili mo.

God is not only interested in removing your pain—He is also restoring your heart.
At kapag natapos ang proseso, hindi ibig sabihin na wala ka nang alaala.
Ibig sabihin lang, hindi na hawak ng mga alaalang iyon ang direksyon ng buhay mo.

Your scars may remain but they no longer define your story.
Because God's grace now has the final word. 🤎

From suffering to healing. For 12 long years, may isang babae na nagdusa dahil sa walang tigil na pagdurugo. Hindi lang ...
22/07/2026

From suffering to healing.

For 12 long years, may isang babae na nagdusa dahil sa walang tigil na pagdurugo. Hindi lang ito tungkol sa pisikal na sakit, dala rin niya ang pagod, lungkot, at kawalan ng pag-asa. Sinubukan na niya ang lahat. Lumapit siya sa iba't ibang manggagamot, ginastos ang lahat ng kanyang kabuhayan, ngunit sa halip na gumaling, lalo pa siyang lumala.

Sa mata ng tao, baka wala nang pag-asa.

Pero nang marinig niya ang tungkol kay Jesus, may isang bagay na nanatili sa kanyang puso, pananampalataya. Naniniwala siya na kahit mahawakan lamang niya ang laylayan ng Kanyang damit, siya ay gagaling.

Sa gitna ng napakaraming tao, buong tapang siyang lumapit at hinawakan ang damit ni Jesus. At sa mismong sandaling iyon, agad siyang gumaling.

Napansin ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa Kanya at hinanap kung sino ang humipo sa Kanya. Nang lumapit ang babae at ikinuwento ang lahat, hindi siya pinagalitan o hinusgahan. Sa halip, sinabi Niya:
"Daughter, your faith has healed you. Go in peace and be freed from your suffering." (Mark 5:34)

Hindi lang ang kanyang katawan ang pinagaling ni Jesus. Ibinalik din Niya ang kanyang dignidad, kapayapaan, at pag-asa.

Marahil iba ang "bleeding" na dinadala natin ngayon. Maaaring ito ay sugat sa puso, takot, anxiety, problema sa pamilya, financial struggles, o mga panalanging matagal nang hinihintay na masagot.

Faith doesn't ignore the pain. Faith believes that God is greater than it.

Ang kwentong ito ay paalala na walang sakit, problema, o sitwasyon na mas makapangyarihan kaysa kay Jesus. Ang tagal ng ating paghihintay ay hindi sukatan ng kakayahan ng Diyos na kumilos. Isang sandali sa Kanyang presensya ay kayang baguhin ang mga bagay na tila imposible.
Healing begins where faith meets Jesus.

Kung may pinagdaraanan ka ngayon, huwag mawalan ng pag-asa. Patuloy kang manalangin, magtiwala, at manampalataya. Ang parehong Jesus na nagpagaling sa babaeng ito ay parehong Jesus na kumikilos hanggang ngayon.

Your situation may have lasted for years, but God's power is never limited by time. One touch of faith can change what years of suffering could not.

Isa sa mga pangalan ng Diyos ay Jehovah Rapha. "The Lord Who Heals."Hindi lang katawan ang kayang pagalingin ng Diyos.Pa...
21/07/2026

Isa sa mga pangalan ng Diyos ay Jehovah Rapha.

"The Lord Who Heals."

Hindi lang katawan ang kayang pagalingin ng Diyos.
Pati puso.
Pati sugat.
Pati kaluluwa.

Kapag naririnig natin ang salitang "healing," madalas physical healing agad ang naiisip natin pero maraming sugat ang hindi nakikita ng mata.
Broken relationships.
Disappointments.
Trauma.
Grief.
Fear.
Silent battles.
At lahat ng ito ay mahalaga rin sa Diyos.

God doesn't only heal what people can see.
He also heals the wounds that no one else knows about.
The scars hidden behind your smile.
The battles you fight in silence.
The prayers you've cried with tears.

Si Jehovah Rapha ay hindi lamang Diyos ng mga himala.
Siya rin ang Diyos na nananatili sa tabi natin habang unti-unti tayong naghihilom.

Maaaring hindi pa nawawala ang sakit ngayon pero hindi ibig sabihin noon ay iniwan ka na Niya.
Sometimes God heals instantly.
Sometimes He heals gradually.
But He is always present.

At sapat na dahilan iyon para patuloy tayong magtiwala. Believe that God can heal you from the inside out.

Healing begins with honesty.Hindi kahinaan ang umamin na nasasaktan ka.Hindi kakulangan at kahinaan ng faith ang paghing...
20/07/2026

Healing begins with honesty.

Hindi kahinaan ang umamin na nasasaktan ka.
Hindi kakulangan at kahinaan ng faith ang paghingi ng tulong.
Minsan ang unang hakbang ng healing ay honesty.

Sa mundo natin ngayon, madalas tayong tinuturuan na maging malakas.
Tinuturuan tayong itago ang mga luha.
Na sabihing "okay lang ako" kahit hindi ito ang totoo.

Pero hindi ang Diyos.
Hindi Siya natatakot sa mga sugat natin.
Hindi Siya lumalayo kapag wasak ang puso natin.
Sa katunayan, doon Siya mas lalong lumalapit.

Sometimes, the bravest thing you can do is admit that you're hurting.
Genuine healing begins when we stop pretending we're okay and start bringing our brokenness to God.

God is never intimidated by your pain. He welcomes every honest heart.
Let God heal what is broken!

Psalm 147:3
"He heals the brokenhearted and binds up their wounds."

God is still Restoring.Minsan sa gitna ng paghihintay, iniisip natin kung kumikilos pa ba ang Diyos.Kapag hindi pa natin...
19/07/2026

God is still Restoring.

Minsan sa gitna ng paghihintay, iniisip natin kung kumikilos pa ba ang Diyos.
Kapag hindi pa natin nakikita ang sagot.
Kapag hindi pa nagbabago ang sitwasyon.
Kapag parang tahimik ang langit.

Tandaan natin, God is still working, even in the waiting.

Ang Diyos na nag-restore kay Peter.
Ang Diyos na nagdala kay Mephibosheth sa mesa ng hari.
Ang Diyos na nagbalik ng nawala kay Job.

Siya rin ang Diyos na kumikilos sa buhay mo ngayon.

Maaaring hindi pa tapos ang proseso pero hindi ibig sabihin na wala Siyang ginagawa.

Trust the process. Trust the Restorer.

Address

Quezon City
1119

Telephone

+639335028998

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Beloved Disciple posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Beloved Disciple:

Shortcuts

Share