BCPC / VAWC - Barangay Holy Spirit

BCPC / VAWC - Barangay Holy Spirit BARANGAY COUNCIL FOR THE PROTECTION OF CHILDREN and VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN

09/03/2026

Isinagawa noong March 7, 2026 ang Women’s Month Celebration 2026 Kick-Off sa Barangay Holy Spirit sa pangunguna ni Barangay Captain Estrella “Star” Valmocina.

Kasama sa nasabing programa ang GAD Focal Person at Vice Chairman ng GAD na si Kagawad Joemar Lagarto, at ang mga kagawad na sina Lydia Ballesteros, Andy Adap, Orlie Angeles, Bunso Valmocina, at Cynthia Dacanay at SK Chairman Melody Bravo.

Nakiisa rin ang Women’s Desk ng Station 14 upang suportahan ang adbokasiya para sa kapakanan at karapatan ng kababaihan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad tulad ng kasambahay, solo parents, persons with disabilities (PWD), at senior citizens.

Bahagi ng programa ang parade, Zumba Dance for All, at ang State of the Women’s Address (SOWA) na ibinahagi ni Kapitana Valmocina bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng kababaihan sa pag-unlad ng komunidad.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, na naglalayong itaguyod ang pagkakapantay-pantay, pagpapahalaga, at patuloy na pagbibigay-lakas sa mga kababaihan sa lipunan.

Address

#06 Faustino Street, Barangay Holy Spirit
Quezon City
1121

Telephone

+4311663

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCPC / VAWC - Barangay Holy Spirit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to BCPC / VAWC - Barangay Holy Spirit:

Shortcuts

Share