21/08/2026
Mahal na Poong Hesus Nazareno, Dinggin mopo ang mga panalangin namin Panginoon!
O kaibig ibig na Hesus, korderong lubhang maamo ng Diyos, ako imbing makasalanan ay nagpupugay at sumasamba sa kagalang galang na sugat sa balikat na likha ng pinasan mong napakabigat na krus na umukit sa laman mo at nagpalitaw sa Iyong mga buto na nagdulot sa iyo ng sakit na higit sa alinmang sugat sa kagalang galang mong katawan.
Sinasamba Kita, O nagdaralitang Hesus akoy nagpupuri sa iyoy gumagalang at umiibig, at pinasasalamatan Kita nang dahil sa kagalang galang at ka sakit sakitang sugat, ay isinasamo ko sa iyo na Alang Alang sa napakalabis na hapdit sa Walang ka pantay na bigat ng Iyong krus ay kaawaan mo akong makasalanan, patawarin mo ang lahat Kong mabibigat at magagaang sala at ihatid ako sa Langit, sa pamamagitan ng landas ng Iyong krus.
Siya nawa.
Mahal na Poong Jesus Nazareno,dinggin mopo ang mga panalangin namin panginoon!
Viva Poong Jesus Nazareno!
Friday Devotion sa Mahal na Poong Hesus Nazareno