Youth Alive Zytek

Youth Alive Zytek Youth Alive Zytek, a growing ministry under Word of Hope Zytek, was established in 2016.

It's YAZ Testimony time! ⏰Let's read Ate Jenjen's inspiring testimony as she share how God flows in her life! ✨"Hello, I...
22/05/2026

It's YAZ Testimony time! ⏰

Let's read Ate Jenjen's inspiring testimony as she share how God flows in her life! ✨

"Hello, I’m Ate Jenjen, and this is my testimony kung paano kami nakapunta dito sa WOH Zytek. Dati, hindi pa fully Christian si Papa at sa WOH Central pa kami umaattend. One time, nag-visitation sila Pastor at doon nila nakilala si Mama. Ininvite nila kami na umattend dito sa WOH Zytek.

Nakatira pa kami noon sa Sarmiento, at naaalala ko nung unang punta ko dito sa Zytek, sinabi ko kay Mama, “Ma, simbahan ba ’to? Bakit ganito, parang luma at hindi mukhang church?” Pero habang tumatagal, lagi na kaming umaattend dito. Lagi na rin kaming nasa simbahan ni Mama—sumasama ako sa prayer meeting, Bible study, at sama-sama naming ipinapanalangin si Papa na maalis sa bisyo.

Hindi tumigil si Mama sa pananalangin para kay Papa. At tunay ngang makapangyarihan ang Diyos, kasi nung lumipat kami dito sa Philand, hindi ko na nakita si Papa na umiinom. Wala nang alak na pumapasok sa bahay namin. Unti-unti, nakita ko kung paano kumilos si Lord sa pamilya namin.

Habang lumalaki ako, lalo akong napapalapit kay Lord. Nung Junior High ako, doon ko talaga naramdaman yung init ng pagmamahal Niya. Lagi akong excited magsimba. Sa sobrang excited ko, nakahanda na agad yung susuotin ko pag Sunday, nakahanger na siya bago pa dumating yung araw.

Nabaptize na ako nung bata pa ako, pero syempre, hindi ko pa noon lubos na naiintindihan yung ibig sabihin nun. Kaya nung mas tumanda ako at mas nakilala ko si Lord, nagdesisyon akong magpabaptize ulit noong 2023.

Pero habang lumalalim yung relasyon ko kay Lord, may mga pagkakataon din na nakakaramdam ako ng inggit at selos, lalo na nung panahon na nakasama si Kuya sa YA Camp at kay Ate naman na nagagawa yung mga bagay na hindi ko magawa. Naiisip ko kasi kung gaano kasarap yung malayang nakakakilos nang walang limitasyon at deperensya.

Simula pa lang kasi nung nasa sinapupunan pa ako ni Mama, hindi na raw nag-develop nang maayos yung mata ko. Napansin nila na malabo yung paningin ko noong bata pa ako, at around five years old ako nung nagsuot ako ng salamin dahil nag-aaral na ako noon. Masakit minsan deep inside kasi may mga taong tinatawag akong “malabo mata” o pinapansin yung mata ko. Dumating pa sa point na tinatanong ko si Lord kung bakit ako naging ganito. Naiinggit ako sa iba, nagseselos ako sa mga normal ang paningin.

Sabi ng doktor, hindi raw normal na bilog yung mata ko, parang oval o egg shape daw ito. Kaunti lang din yung ugat sa mata ko kaya kapag nauntog, nasabunutan, o nagalaw nang matindi, pwede akong mabulag. May posibilidad din daw na yung itim sa mata ko ay maging puti at mawalan ako ng paningin. Dumating ako sa point na nawawalan na ako ng pag-asa at pati pananampalataya ko kay Lord ay nanghina.

Sobrang liit ng faith ko noon. Pero paano ko yun na-overcome? Humingi ako ng tulong kay Lord, dahil naniwala akong walang imposible sa Kanya. Araw-araw akong nanalangin. Sa gitna ng takbo ng mundo at ng lahat ng sakit na nararamdaman ko, si Lord ang naging sandalan ko.

At tinupad ni Lord yung mga panalangin ko. Pinagaan Niya yung mga pasanin ko at pinagaling Niya yung puso kong sugatan sa mga masasakit na salita ng iba. Binigyan Niya ulit ako ng pag-asa.

At hanggang ngayon, nagpapatuloy ako at magpapatuloy pa rin sa Kanya.

“Faith is a gift that moves mountains, brings peace, and reminds us that walking by faith, not by sight, is essential.”

At tunay nga iyon. Kaya panghawakan natin ang pananampalataya natin kay Lord, dahil kahit mahirap, hindi Niya tayo iiwan.

To God be all the glory. Glory belongs to God."

- Jenielyn Manapol

I hope naencourage kayo sa testimony na shinare ni Ate Jenjen. Kitakits this Sunday at 2 PM! 🤍



It's YAZ Testimony time! ⏰Let's hear Ate Bea's wonderful testimony on how she surrender her life fully to God. ❤️‍🔥“Alam...
15/05/2026

It's YAZ Testimony time! ⏰

Let's hear Ate Bea's wonderful testimony on how she surrender her life fully to God. ❤️‍🔥

“Alam ko na bawat isa sa atin may kanya-kanyang testimony sa buhay, pero ito ang testimony ko kung paano in-align ng Lord ang buhay ko.

Dati, nakakulong ako sa kasalanan. Nagmumura ako, nakikipag-away, naging suwail sa magulang, at maraming kalokohan ang nagawa ko.

Hanggang sa na-invite ako sa YA. Hindi ko alam na habang patuloy akong umaattend ng YA service, unti-unti nang kumikilos ang Panginoon sa buhay ko. Mas nakilala ko Siya at nakita ko kung ano ang kaya Niyang gawin sa buhay ng mga anak Niya.

Naging part ako ng ushering ministry at ng danz sa main service. Noong 2021, nagmiministry na ako sa main service at doon ko natutunan mag-pray at mag-devotion. Ginamit din ako ng Lord sa iba’t ibang ministry—nakapagturo sa children’s ministry, naging emcee, nag-encourage sa tithes and offering, sumayaw, naging worship lead at backup sa YA.

Pero kahit nasa ministry na ako, hindi ko pa rin maiwasang magkasala. Tuwing weekdays nasa kasalanan ako, tapos weekends nasa simbahan ako nagmi-ministry. Ibang-iba ako sa loob at labas ng simbahan.

Nagkaroon ng water baptism ang WOH Zytek at nagpabaptize ako, tinanggap ko si Lord, pero bumalik pa rin ako sa kasalanan. Nang magkaroon ulit ng water baptism, nagparebaptize ako pero ganoon pa rin. Naalala ko pa yung kantang “Christ Is Enough for Me,” lalo na yung line na “I have decided to follow Jesus, no turning back,” pero hindi ko iyon napanindigan.

Hanggang sa dumating ang camp noong 2022 na may title na TRAILBLAZER. Sumama lang ako noon para mag-enjoy at magkaroon ng experience, pero doon ko narealize na hindi lang pala basta camp iyon para sa akin. Naging correction at redirection iyon ng Lord sa buhay ko. Doon ko nakita na marami pa pala akong kailangang isuko at i-let go. Bago matapos ang camp, ang prayer ko ay, “Lord, pagkatapos ng camp na ito, itatama ko na ang mga mali ko at maglilingkod ako sa’Yo nang may malinis na puso.”

Pagkatapos ng camp, naging on fire ako sa paglilingkod. Nag-devotion ako at nagkaroon ng prayer time, pero dumating ulit ako sa point na bumalik ako sa kasalanan. Nagawa ko ulit yung mga pagkakamaling ipinangako kong iiwan ko na. Parang lahat ng natutunan ko sa camp na-wash out. Tinanong ko ang Lord, “Bakit ang hirap sumunod sa’Yo? Bakit nahihirapan akong magbago? Ano ba talaga ang kailangan kong gawin?”

Noong 2024, nagkaroon ng NYAS at napili akong makasama bilang representative ng STDC kaya naging free ang registration ko. Doon ko narealize na may plano pala ang Lord.

Sa last day ng NYAS evening rally, nagkaroon ng altar call. Hindi ako agad lumapit dahil iniisip ko na kahit ipag-pray ako, babalik lang din ako sa dati. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na lumalakad papunta sa harap. Ang prayer ko noon, “Lord, mangusap Ka sa akin, katagpuin Mo ako ngayon.” Lumuhod ako at sinabi ko, “Lord, nandito ulit ako sa harapan Mo. I surrender my life to You. Tulungan Mo akong sumunod sa’Yo.”

Doon ko narealize na nangusap ang Panginoon sa akin. Ipinaunawa Niya na kapag fully surrendered ang buhay mo sa Kanya at may tunay kang desire na sumunod sa Kanyang plano at kalooban, kaya Niyang baguhin ang buhay mo, putulin ang bawat chain, at gawin itong bago at maganda. Ang kailangan lang ay tunay na pagsuko kay Jesus.

Pagkatapos ng NYAS, sinimulan kong iwanan ang dati kong buhay, hindi agad-agad, pero paunti-unti. Ini-let go ko yung mga bagay na naging hadlang sa pagsunod ko sa Lord at sinimulan kong maglingkod nang tapat at may malinis na puso.

Bumalik ako sa prayer time, devotion, at pagiging active sa fellowship ng simbahan, mga bagay na nakatulong para mas lumalim ang relasyon ko sa Panginoon.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong ina-align at binabago ng Lord. May mga bagay pa rin Siyang kino-correct sa buhay ko, pero patuloy ko ring pinapagamit ang buhay at talento ko sa Kanyang ministry, hindi lang sa loob ng simbahan kundi pati sa labas.

Sabi sa 2 Corinthians 5:17, “This means that anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun!”

Kapag isinuko mo na ang buhay mo sa Panginoon, huwag mo nang balikan ang dating kasalanan at buhay mo noon. Leave everything behind at patuloy kang lumakad sa pananampalataya habang pinanghahawakan ang pangako ng Lord na may malaking plano Siya para sa buhay mo.

Youth Alive, ang buhay mo ay hindi hanggang diyan lang. Kung nagawa ng Panginoon na i-align at baguhin ang buhay ko, kaya Niya ring gawin iyon sa buhay mo.

You will experience true change when you fully surrender your life to Him.

To God be all the glory.”

- Christel Dawn Laguardia

Namotivate at nainspire ba kayo sa testimony ni Ate Bea? We hope yes 🫵 at dahil diyan, See YA this Sunday at 2 pm! Kitakits! 🫶



It's YAZ Testimony time! ⏰Be inspired by Kuya Joshua's testimony as he share his story on how he encountered God in his ...
08/05/2026

It's YAZ Testimony time! ⏰

Be inspired by Kuya Joshua's testimony as he share his story on how he encountered God in his life! 💕

"Hello YAZ, I’m Joshua! This is my testimony of how I experienced true love and breakthrough in my life through Jesus Christ, and how He called me into ministry.

Matagal na akong Christian simula pagkabata pa lang, and yung papa ko ay pastor din. Pero noon, hindi ko pa talaga alam ang true meaning ng pagiging Christian. Nagsisimba naman ako tuwing Sunday kasama si Papa, and kilala ko si Jesus bilang Diyos, pero hanggang doon lang. Wala pa akong deep relationship kay Lord noon. Hindi ako marunong mag-pray, hindi ako nagbabasa ng Bible, at kahit Christian ako at anak ng pastor, marami pa rin akong nagagawang kasalanan. Dati, palamura ako at kung anu-ano lang din ginagawa ko sa buhay. Natatakot din akong ma-judge ng ibang tao, kaya isa rin ‘yun sa mga dahilan kung bakit tumigil ako sa pagsisimba noon dahil sa fear at pagiging mahiyain.

One time, sinama ako ng papa ko sa isang youth camp, and super nag-enjoy ako roon. May kantahan, fellowship, at bonding with others. Pero after ng camp na ‘yun, bumalik pa rin ako sa dati kong buhay. Parang walang nagbago sa akin, nagmumura pa rin ako at patuloy pa rin akong nagsa-struggle sa sin.

The second time I joined a youth camp was the part of my life that I will never forget. Naalala ko pa yung theme ng camp which is “Barrier Breaker.” Hindi ko alam na doon ko pala unang tunay na mae-encounter si Jesus sa buhay ko. Doon ko rin isinuko ang buhay ko kay Lord, and that was the moment I accepted Jesus as my Lord and Savior.

After that camp, pag-uwi ko sa bahay, I prayed to God and surrendered my life to Him. Sinabi ko kay Lord na magpapagamit na ako sa Kanya. Then God used one of my friends to invite me to church, and that invitation led me here at Youth Alive Zytek. Dahil doon, mas lalo kong nakilala si Jesus at nagkaroon ako ng deep relationship with Him. Hindi na lang Siya basta Diyos para sa akin, He became my Savior, my King, and the Lord of my life. At dahil doon, mas nagtiwala ako dahil pag mas nakilala natin si Jesus, mas magkakaroon tayo ng tiwala.

And that’s where the breakthrough in my life began. Yung mga barriers sa buhay ko, fear, shame, at sin sa puso ko binasag lahat ni Lord. He never left me. Just like what is written in Book of Isaiah 41:10: “Don’t be afraid, for I am with you. Don’t be discouraged, for I am your God. I will strengthen you and help you. I will hold you up with my victorious right hand.”

Now, I continue to serve God with all my life here at Youth Alive and allow Him to use me for His ministry."

- Joshua Viernes

We hope na nainspire kayo sa testimony ni Kuya Joshua, at dahil diyan, kitakits on our YAZ Service on Sunday at 2 PM, SEE YA! 🙆🙌



Ignited by God. Sustained with purpose. 🔥This May, we’re stepping into a brand-new series "Wildfire", a season of burnin...
01/05/2026

Ignited by God. Sustained with purpose. 🔥

This May, we’re stepping into a brand-new series "Wildfire", a season of burning passion for God and living out His purpose in our lives. ❤️‍🔥

Kitakits this Sunday at 2:00 PM for our kickoff service! Bring your friends & classmates, SEE YA!



Wazzup, YAZ! 💥Here's our APRIL HIGHLIGHTS 🙆 Kitakits this Sunday for our YA Service and don't forget to invite your clas...
30/04/2026

Wazzup, YAZ! 💥

Here's our APRIL HIGHLIGHTS 🙆 Kitakits this Sunday for our YA Service and don't forget to invite your classmates and friends, SEE YA THERE! 💓



HAPPY BIRTHDAY, TERENCE! 🎉Warmest birthday wishes to our amazing volunteer from M.O.V.E & ACTS Committee! Your testimony...
29/04/2026

HAPPY BIRTHDAY, TERENCE! 🎉

Warmest birthday wishes to our amazing volunteer from M.O.V.E & ACTS Committee! Your testimony reflects God’s love, faith, and purpose. The way you share His light and encourage others is truly inspiring and speaks volumes about His work in you. 💖

As you begin another year, remember that you are an important part of God’s divine creation, and we’re excited to see all the incredible things He will continue to do through you. ✨

The entire YAZ family wishes you a joyful and blessed birthday! 🎂🎈



HAPPY BIRTHDAY, KEIRTH! 🧁Warmest birthday wishes to our amazing volunteer from ACT & GIG Committee! Your testimony refle...
26/04/2026

HAPPY BIRTHDAY, KEIRTH! 🧁

Warmest birthday wishes to our amazing volunteer from ACT & GIG Committee! Your testimony reflects God’s love, faith, and purpose. The way you share His light and encourage others is truly inspiring and speaks volumes about His work in you. 💖

As you begin another year, remember that you are an important part of God’s divine creation, and we’re excited to see all the incredible things He will continue to do through you. ✨

The entire YAZ family wishes you a joyful and blessed birthday! 🎂🎈



HAPPY BIRTHDAY, KUYA EMMAN! 💚Warmest birthday wishes to our YAZ Satellite Youth Director. Your testimony reflects God’s ...
20/04/2026

HAPPY BIRTHDAY, KUYA EMMAN! 💚

Warmest birthday wishes to our YAZ Satellite Youth Director. Your testimony reflects God’s love, faith, and purpose. The way you share His light and encourage others is truly inspiring and speaks volumes about His work in you. 💖

As you begin another year, remember that you are an important part of God’s divine creation, and we’re excited to see all the incredible things He will continue to do through you. ✨

The entire YAZ family wishes you a joyful and blessed birthday! 🎂🎈



Wazzup, YAZ! 🙌Here's our MARCH DUMP 💯 Kitakits this Sunday for our YA Service and don't forget to invite your classmates...
08/04/2026

Wazzup, YAZ! 🙌

Here's our MARCH DUMP 💯 Kitakits this Sunday for our YA Service and don't forget to invite your classmates and friends, SEE YA THERE! 🥳


Address

#16 Venus Street , Zytec-Riosa Compound, Brgy. Pasong Tamo, Tandang Sora
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Alive Zytek posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share