Share a word, Share a gift Project.

Share a word, Share a gift Project. "Bringing hope and kindness to those in need through God's word and giving" ❤️🌾🙌

29/07/2026

Delighting in the Fear of the Lord

📖 "And his delight shall be in the fear of the LORD. He shall not judge by what his eyes see, or decide disputes by what his ears hear."
- Isaiah 11:3 (ESV)

Ang prophecy na ito ay tumutukoy kay Jesus Christ, at isa sa mga katangian Niya rito ay ang "delight in the fear of the Lord." Ibig sabihin, hindi Siya namuhay para sa approval ng tao kundi para sa kaluguran ng Diyos. Ang Kanyang puso ay puno ng paggalang at pagsunod sa Ama, kaya ang bawat desisyon Niya ay laging nakaayon sa katotohanan at kalooban ng Diyos.

Paalala ito sa atin na sa mundong puno ng ingay at iba't ibang opinyon, mas mahalagang unahin kung ano ang nakalulugod sa Panginoon kaysa sa paghanga o approval ng tao.

Application:
Bago tayo gumawa ng desisyon o mag-react sa anumang sitwasyon, itanong muna natin sa ating sarili: "Makalulugod ba ito sa Panginoon?" Piliin nating sundin ang kalooban ng Diyos kaysa sa opinyon ng tao, at hayaang ang Kanyang Salita ang maging gabay sa ating mga iniisip, sinasabi, at ginagawa.

☘️ Takeaway:
When our greatest desire is to please God, our choices will reflect His wisdom, truth, and character-not the approval of the world.


🤍
29/07/2026

🤍

29/07/2026

When our greatest desire is to please God, our choices will reflect His wisdom, truth, and character—not the approval of the world.

19/07/2026

May kakaibang klaseng peace kapag may isang taong tunay na nakakakilala sa puso mo. Yung alam niya ang tunay mong intentions, hindi lang yung nakikita ng iba. Kahit mali ang pagkakaintindi ng ibang tao, hindi ka agad niya hinuhusgahan dahil alam niya kung sino ka kapag walang nakakakita.

Hindi ibig sabihin na perfect ka, pero alam niyang hindi ka defined ng isang pagkakamali, tsismis, o maling akala. Kilala niya ang character mo, ang values mo, at ang puso mo. Kaya sa halip na pagdudahan ka, pipiliin ka niyang pakinggan, ipagtanggol kung kinakailangan, at manatiling totoo sa'yo.

Sa panahon na maraming mabilis mag-conclude at mag-assume, sobrang rare ng taong kilala ka nang lubos at hindi basta nagpapadala sa opinyon ng iba. May peace sa puso kapag alam mong hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa taong tunay na nakakakilala sa'yo.

At higit sa lahat, ganito ang Diyos. Kahit hindi tayo maintindihan ng mundo, alam Niya ang laman ng puso natin. Nakikita Niya ang mga luha, mga tahimik na laban, at ang mga intensyon na hindi nakikita ng iba. Kaya ang pinakamalalim na kapayapaan ay nanggagaling sa katotohanang fully known ka ng Diyos, at fully loved ka pa rin.🩷🥹

18/07/2026

📖Isaiah 9:6
"For to us a child is born, to us a son is given... And He will be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace." — Isaiah 9:6

Reflection:
Sa panahon ni Isaiah, magulo ang sitwasyon ng bansa. May takot, gulo, at hindi sigurado ang mga tao sa kanilang kinabukasan. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, nagbigay ang Diyos ng isang pangako - darating ang isang Hari na magdadala ng pag-asa at kapayapaan.
Parang ganito rin ang nararanasan natin sa Pilipinas ngayon. Marami ang nahihirapan dahil sa mataas na presyo ng bilihin, may mga pamilyang patuloy na naghahanapbuhay para lang makaraos, may mga lugar na naaapektuhan ng kalamidad, at marami ring nababahala sa kinabukasan ng ating bansa dahil sa korupsyon. Minsan, nkakadissapoint na parang ang daming problema na hindi natin kayang solusyonan, at halos walang justice.
Pero ipinapaalala sa atin ng verse na ito na ang tunay nating pag-asa ay hindi lang nakasalalay sa mga tao o sa mga pangyayari kundi nasa Panginoon.
Si Jesus as our Wonderful Counselor, kapag nalilito tayo, Siya ang nagbibigay ng karunungan at tamang direksyon.
Siya as Mighty God, walang problema na mas malaki kaysa sa Kanyang kapangyarihan.
Siya as our Everlasting Father, hindi Niya tayo iniiwan, kahit mahirap ang buhay.
At Siya as Prince of Peace, kahit magulo ang paligid natin, kaya Niyang bigyan ng kapayapaan ang ating puso.

Bilang mga Kristiyano, hindi lang tayo tinatawag na umasa sa Diyos. Tinatawag din tayong maging instrumento ng kapayapaan. Sa panahon na maraming galit, fake news, at pagkakawatak-watak, maaari tayong pumili na magsalita ng katotohanan nang may pag-ibig, tumulong sa nangangailangan, at ipakita ang kabutihan ni Cristo sa ating mga pamilya, paaralan, trabaho, at komunidad.

17/07/2026

📖 Isaiah 5:28
"Their arrows are sharp, all their bows are strung; their horses' hoofs seem like flint, their chariot wheels like a whirlwind."

Sa verse na ito, inilalarawan ni Isaiah ang isang hukbo na laging handa at walang pag-aalinlangan sa kanilang misyon. Ginamit ito ng Diyos bilang babala sa Kanyang bayan na darating ang Kanyang paghatol dahil sa patuloy nilang pagsuway.

Ito ay paalala sa atin na maging handa-hindi sa paggawa ng masama, kundi sa paggawa ng kalooban ng Diyos. Tulad ng isang sundalong laging handa, dapat tayong maging spiritually prepared sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Salita ng Diyos, at tapat na paglilingkod. Dahil ang kaaway ay laging naghahanap ng pagkakataon, kailangan din tayong maging alerto at matatag sa ating pananampalataya.

📝Be spiritually prepared every day. Ang pusong laging handa sa Diyos ay pusong laging handang sumunod sa Kanyang tawag. ✨

04/06/2026

Even if the world feels unfair everywhere, God is still reliable, present, and true. 🙌

01/06/2026

Everyone wants the mic for recognition, but few are willing to serve unseen. ✅

26/05/2026

Sa buhay, para tayong naglalakbay na naghahanap ng “final destination”—success, happiness, stability, or fulfillment. Parang traveler na maraming dinaanan, pero hindi pa rin sigurado kung saan talaga ang tamang pupuntahan. Ganito rin ang picture ni Solomon sa Ecclesiastes—isang taong naka-experience ng lahat ng pwede ma-achieve sa mundo, pero sa dulo napagtanto niya na may kulang pa rin kapag wala ang Diyos.

Sa Ecclesiastes 12:13, sinabi niya: “Fear God and keep His commandments.” Ito ang final conclusion niya after exploring wisdom, pleasure, wealth, and success. Ang “fear God” ay hindi takot na nakakapraning, kundi deep respect, reverence, at surrender sa Kanya bilang Diyos na may hawak ng lahat. At ang “keep His commandments” ay hindi lang pakikinig sa Word, kundi active obedience—living a life aligned sa will ni God. Ibig sabihin, after all the searching, ang tunay na meaning ng life ay hindi sa achievements, kundi sa relasyon at pagsunod sa Diyos.

Minsan din tayo, akala natin makukumpleto tayo ng achievements, relationships, or success, pero may part pa rin na parang kulang. Kasi ginawa tayong magkaroon ng meaning only when we are connected to God. Mas nagiging kapaki-pakinabang ang buhay natin kapag si Lord ang center, hindi lang add-on sa daily life natin.

The true purpose of life is found in fearing God and living in obedience to Him.

Kaya unahin si God sa daily decisions, huwag gawing ultimate goal ang success, live in obedience kahit maliit na bagay, at palaging i-check kung aligned pa ba tayo sa will ni Lord.

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Share a word, Share a gift Project. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share