Ateneo de Manila Senior High School - Office of Campus Ministry

Ateneo de Manila Senior High School - Office of Campus Ministry The official page of the Ateneo de Manila Senior High School - Office of Campus Ministry

27/08/2026
Generosity | Theme of the WeekPagiging Bukas-Palad at Pakikipagkapwa. Sa espiritwalidad ni San Ignacio, ang pagiging buk...
25/08/2026

Generosity | Theme of the Week

Pagiging Bukas-Palad at Pakikipagkapwa. Sa espiritwalidad ni San Ignacio, ang pagiging bukas-palad o generosity ay ang kahandaang ibahagi ang ating oras, kakayahan, at sarili sa paglilingkod nang hindi naghihintay ng anumang kapalit. Malalim ang kaugnayan nito sa pagpapahalagang Pilipino na pakikipagkapwa. Ayon sa pagtalakay ni Katrin de Guia, PhD, ukol sa "kapwa" sa Sikolohiyang Pilipino, ito ay tumutukoy sa “shared identity” o ang pagkakaugnay ng sarili sa iba—na ang ating pagkatao ay hindi hiwalay sa ating kapwa. Sa ganitong pananaw, ang Ignatian generosity ay hindi lamang simpleng pagbibigay, kundi isang paraan ng pakikipag-ugnayan, pakikiisa, at pagkilala sa dignidad ng bawat isa. Sa bukas-palad na paglilingkod, mas nakikilala natin ang presensya ng Diyos sa ating kapwa at naisasabuhay ang paanyayang Ignatiano na “hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay.”

Nasa larawan: Ana Patricia Non at ang “Maginhawa Community Pantry” mula sa South China Morning Post.

Balikan natin ang mahalagang paalala mula sa homilya ni Fr. Pen Abuan, SJ noong nakaraang Misa para sa Banal na Espiritu...
24/08/2026

Balikan natin ang mahalagang paalala mula sa homilya ni Fr. Pen Abuan, SJ noong nakaraang Misa para sa Banal na Espiritu.

Sa gitna ng ating mga pangarap at pinagsisikapan ngayong taong panuruan, nawa'y huwag nating kalimutang hilingin ang gabay at lakas mula sa Espiritu Santo.

Balikan natin ang nakaraang linggo at pagnilayan kung paano natin isinabuhay ang Magis sa ating araw-araw na buhay.Humin...
21/08/2026

Balikan natin ang nakaraang linggo at pagnilayan kung paano natin isinabuhay ang Magis sa ating araw-araw na buhay.

Huminto, magbalik-tanaw, at tuklasin ang presensya ng Diyos sa iyong .

Pinagmulan ng larawan: Pixabay.com

Ngayon ay kapistahan ni San Alberto Hurtado!Naulila sa ama sa gulang na apat at lumaking dukha, ginamit niya ang sarilin...
18/08/2026

Ngayon ay kapistahan ni San Alberto Hurtado!

Naulila sa ama sa gulang na apat at lumaking dukha, ginamit niya ang sariling karanasan upang maging tanggulan ng mga nangangailangan. Kahit sa bingit ng kamatayan dahil sa kanser, nanatili siyang mapayapa at nagwika: "Kontento ako, Panginoon, kontento ako."

Nawa'y maging paalala siya na ang pananampalataya ay hindi lamang pinaniniwalaan, kundi isinasabuhay.

San Alberto Hurtado, ipanalangin mo kami!

Sanggunian:
“Society of Jesus Celebrates Feast of St. Alberto Hurtado, SJ." Jesuits.org, 18 Aug. 2020, www.jesuits.org/stories/society-of-jesus-celebrates-feast-of-st-alberto-hurtado-sj.

Magis | Theme of the WeekNang tanungin si Aloysius Gonzaga kung ano ang gagawin niya kung tatlumpung minuto na lamang an...
17/08/2026

Magis | Theme of the Week

Nang tanungin si Aloysius Gonzaga kung ano ang gagawin niya kung tatlumpung minuto na lamang ang natitira sa kanyang buhay, sumagot lamang siya na ipagpapatuloy niya ang eksaktong ginagawa niya, sapagkat ang kanyang puso ay lubos nang inialay sa Diyos. Iyan ang kanyang magis: hindi ang paggawa ng mas malaki, kundi ang pagmamahal nang mas ganap sa sandaling kinaroroonan niya.

"Bilang pagsunod sa halimbawa ng magis ni San Aloysius Gonzaga, sinisikap kong gawin ang aking makakaya sa aking mga gawaing pang-eskwela araw-araw gaya ng mabuting pakikinig sa talakayan, sa karagdagang pananaliksik sa mga pinag-aaralan, o sa pagtulong sa kaklaseng nalilito. Napagtanto kong ito na mismo ang magis: hindi laging dakila, kundi ipinamumuhay sa maliliit na bagay araw-araw.

Ginagawa ko ito sapagkat ang magis ay ang pagpili sa mas mapagmahal na opsyon at ang pagbibigay ng aking buong sarili ay isa sa mga taos-pusong paraan ko upang ipahayag ang aking pagmamahal.

Minsan, nakakapagod ito. Ngunit sa tuwing nanghihina ako, dumudulog ako sa Panginoon, at naaalala kong ang pagkapagod na ito ay bahagi na ng alay—ang aking alay ng magis para sa higit na kaluwalhatian ng Diyos."

Maraming salamat, Jaden Caleb, sa pagiging inspirasyon sa pagsasabuhay ng Ignatian Value na Magis sa iyong araw-araw na buhay.

Today, we celebrate the Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary. Learn more about this celebration throug...
15/08/2026

Today, we celebrate the Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.

Learn more about this celebration through the pubmat below.

Our Lady of the Assumption, pray for us.

Sources:
Sundays with Ascension. “‘All in’ | Assumption of the Blessed Virgin Mary (Fr. Mike’s Homily) .” YouTube, 15 Aug. 2025.
Spiewak, Stephen. “Feast of the Assumption: History, Celebrations, Mass Readings and Prayers.” Hallow, 11 Aug. 2023.
Admin, Web. Aug 15 - Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.

Let us look back at the past week and reflect on how we practiced Cura Personalis in our lives.Pause, reflect, and share...
14/08/2026

Let us look back at the past week and reflect on how we practiced Cura Personalis in our lives.
Pause, reflect, and share your thoughts below for .
Image source:
Unsplash.com

Address

Loyola Heights
Quezon City
1108

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ateneo de Manila Senior High School - Office of Campus Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ateneo de Manila Senior High School - Office of Campus Ministry:

Shortcuts

Share