Samahang Ati-atihan Aquiñian Tribe - Tatalon Chapter

Samahang Ati-atihan Aquiñian Tribe - Tatalon Chapter Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahang Ati-atihan Aquiñian Tribe - Tatalon Chapter, Religious organisation, Barangay Tatalon, Quezon City.

FIESTA 2026 @ BARANGAY TATALON HUNTERS!Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang mahalagang relihiyosong okasyon para...
22/01/2026

FIESTA 2026 @ BARANGAY TATALON HUNTERS!

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang mahalagang relihiyosong okasyon para sa ating komunidad, kundi isa ring pagkakataon upang mapagtibay ang ating pananampalataya at pagkakaisa. Dito ipinagdiriwang natin ang ating mga tradisyon at nagbibigay-galang kay Sto. Niño sa pamamagitan ng kasiyahan at debosyon. ✨

Dahil sa matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Poong Señor Sto. Niño, ang Samahang Ati-Atihan Aquiñian Tribe Tatalon Chapter ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi at nagpasaya sa kapistahan. 🎉

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHANBilang bahagi ng 50th Founding Anniversary ng Samahang Ati-atihan Aquinian Tribe, bin...
22/01/2026

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHAN

Bilang bahagi ng 50th Founding Anniversary ng Samahang Ati-atihan Aquinian Tribe, binigyang-parangal ang mga taong naging haligi ng ating taunang selebrasyon ng kapistahan ng Mahal na Poong Sr. Sto. Niño. Sa pamamagitan ng Posthumous at Service Awards, kinilala ang kanilang tapat na paglilingkod, sakripisyo, at hindi matatawarang ambag sa Samahang Ati-atihan. 🙏 Magkaisa tayo upang pagbibigay pugay sa kanilang alaala at sakripisyo para sa ating kapistahan at sa Mahal na Poong Sr. Sto. Niño.

Ang pagdala nila ng kapistahan sa Barangay Tatalon ay dapat nating pagtibayin, ipagpatuloy, at panatilihin na umuusbong para sa mga susunod na henerasyon. 🙏 VIVA STO. NIÑO!

✨SERVICE AWARD
Carmencita M. Florentino, Angelina M. Noble, Rosita S. Olang, Simplicia C. Conanan, Alejandra Sangilan, Evelyn Maglaque, Federico Baruwa, Liza Caderao, Joswe Bantang, Antonio Noble, Dolores Cezar Lumalang, Romeo Mendoza Sr., Tess Albior ,Fred Mengullo, Jaime Mendoza, Joel Bituin, Rudolfo Pudol, Ariel Rosales, Ricardo Gomez

✨POSTHUMOUS AWARD
Grecildo S. Noble, Cesario Noble, Nestor Sangilan, Bonifacio Sangilan, Ernesto Florentino, Henry Mendoza, Francisco Conanan, Herminigio Cezar Sr., Marvin Noble, Paquito Magarso , Spaniolito Baladjay, Segundo Balgona, Dra. Solemnidad Condez Lacoste, Raymundo Conanan Condez, Melchor Sulat, Magdalena Baruwa, Delfa Maribbay, Rudy Galvez, Nicanor Sangilan, Leopoldo Bindoy, Paciano Sangilan, Roger Bautista, Ben Bautista, Gilberto Noble, Ramon Co**ha, Ben Maglaque, Wilfredo Gabriel, Rogelio Balunton Sr., Angel Peciller, Domingo Ramos, Ciriaco Javier, Ernesto Rigby, Manuel Cabahit, Manolo Supervida, Mariano Bitamog, Eddie Tolores, Alberto Acbangin, Antonio Pauyon

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHAN🎤 Nagbigay-saya at kulay sa bisperas ng kapistahan ang Kids Singing Contest, kung saa...
22/01/2026

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHAN

🎤 Nagbigay-saya at kulay sa bisperas ng kapistahan ang Kids Singing Contest, kung saan ipinamalas ng ating mga kabataan ang kanilang husay at pagmamahal sa musika. Isang matagumpay at masayang pagtatanghal! 🎉🎶

Maraming salamat sa mga batang nakilahok sa ating munting kasiyahan bago ganapin ang kapistahan. Ang inyong talento, kumpyansa sa sarili, at pakikiisa ay alay natin kay Sto. Nino!

Taos pusong pasasalamat din sa ating Kapitan Emmanuel "Kiko" del Mundo and Council sa suportang ibinigay upang maging matagumpay at masaya ang Kids Singing Contest

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHAN Ito ang kaganapan sa matagumpay na pagdiriwang ng bisperas ng kapistahan. Lubos na p...
22/01/2026

JANUARY 17 I BISPERAS NG KAPISTAHAN

Ito ang kaganapan sa matagumpay na pagdiriwang ng bisperas ng kapistahan. Lubos na pasasalamat sa bawat isa na nakibahagi, nagbigay kasiyahan at pagpapakita ng tunay na panata!

Taos-puso kaming nagpapasalamat kina Mr./Mrs. Antonio and Analisa Noble-Laroa and Family sa pagpapabihis kay Sto. Niño. 🙏Ang inyong paghahanda at pagpili ng bagong bihis ay produkto ng inyong debosyon at paglilingkod. 🌟

JANUARY 18 I Matagumpay na ipinagdiwang ang 50th Founding Anniversary ng kapitahan ni Sto. Niño sa ating barangay. Malug...
22/01/2026

JANUARY 18 I Matagumpay na ipinagdiwang ang 50th Founding Anniversary ng kapitahan ni Sto. Niño sa ating barangay. Malugod kaming nagpapasalamat sa pakikiisa at pakikibahagi sa selebrasyon na ito. Patuloy nating pagtibayin ang pananamapalataya at debosyon sa ating Mahal na Poong Sto. Niño!

Ati-Atihan Fun Run 2026 was a SUCCESS! Salamat sa lahat ng nakiisa at tumakbo para sa saya at pagkakaisa! 🏃‍♂️🎉Maraming ...
17/01/2026

Ati-Atihan Fun Run 2026 was a SUCCESS! Salamat sa lahat ng nakiisa at tumakbo para sa saya at pagkakaisa! 🏃‍♂️🎉

Maraming salamat sa Samahang Ati-atihan, Sto. Domingo Runners, Tatalon Cycling Club, 17 Shots Tribe at sa Punong Barangay Emmanuel "Kiko" Del Mundo and Council sa buong pusong suporta na naging susi sa tagumpay ng Ati-Atihan Fun Run 2026.

January 11 | Pahalik kay Sto. NiñoNaganap ang Pahalik kay Sto. Niño bilang isang banal na gawain na nagbuklod sa komunid...
17/01/2026

January 11 | Pahalik kay Sto. Niño

Naganap ang Pahalik kay Sto. Niño bilang isang banal na gawain na nagbuklod sa komunidad. Sa bawat halik at panalangin, inialay ng mga deboto kay Señor Sto. Niño ang kanilang mga kahilingan, pag-asa, at pasasalamat sa Kanyang patuloy na paggabay at biyaya sa kanilang mga pamilya at sa buong pamayanan.

Viva Señor Sto. Niño!

VIVA SR. STO. NIÑO! 📢 Narito na ang line up para sa darating na kapistahan. Para sa mga grupong kasali, maaari lamang na...
16/01/2026

VIVA SR. STO. NIÑO!

📢 Narito na ang line up para sa darating na kapistahan.
Para sa mga grupong kasali, maaari lamang na kayo ang gumawa ng inyong number upang ma-recognize ang inyong samahan.

MGA PAALALA:
1. Ang lahat ng kasama sa competition ay kailangan dumating sa tamang oras bago mag simula ang Banal na Misa upang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga posisyon kung saan kayo nakapwesto.

2. Kailangan ang mga kalahok sa competition ay mananatili kung saan sila nakapwesto sa naka-aasign na numero.

3. Bawal magsuot ng malalaswa o hindi kanais nais sa paningin ng nakararami at lalo na sa mata ng kabataan. Respetuhin natin ang Sto. Niño at kapistahan.

4. Bawal ang umiinom ng alak habang nasa prosisyon upang makaiwas sa pagsisimula ng gulo. Kung sino man ang makitaan ng mga alak at mga ipinagbabawal na gamit tulad ng mga matatalas at nakasasakit na bagay ay maaaring KUMPISKAHIN AT IKULONG dahil sa violations.

5. Bawal ang mag solicit o manghihingi sa mga taong sa mga tindahan at mga kotse na nakahinto sa ating daraanan.

▪️Ang ating oras sa pagprosisyon ay 3 oras lamang, dapat sumunod tayo nang maayos sa mga marshals, tanod, at mga opisyales ng Samahan na magpapaabante ng prosisyon para maayos din tayo makabalik sa ating kapilya. Maging marespeto tayo sa mga taong nag sasaayos ng ating prosisyon.
▪️Ang bawat leader ng grupo na kasama sa ating prosisyon ay sila rin ang magsasaway sa mga pasaway tulad ng mga balyahan, pagbubuhos ng mga tubig o alak sa mga deboto, at iba pang maling gawain habang nasa prosisyon, dahil kung sino man ang lumabag sa ating mga alituntunin ay maaring hindi na makasali sa susunod na kapistahan kung mapapatunayan na ang inyong grupo ay naging sanhi ng kaguluhan.
▪️Para mga drummers, hintayin munang matapos ang Banal na Misa bago patugtugin ang ating mga tambol upang maayos ang pagdiriwang ng ating Kapistahan. Makinig at igalang ang daloy ng ating Banal Na Misa.
▪️NO PARKING ZONE sa araw ng kapistahan.

Ang mga alituntunin na ito ay pinag usapan at pinagkasunduan at pinagtibay ng Samahang Ati Atihan Aquinian Tribe Officers kasama ang pamunuan ng ating barangay sa pangunguna ng ating Punong Brgy. Emmanuel "Kiko" Del Mundo and Council, Brgy. ex-o at namumuno sa Brgy. Traffic Enforcement.

Maraming Salamat!

📢 Para po sa mga leaders/representative ng mga kasali, mangyari lamang po na um-attend mamaya sa Sto. Nino Capel, 7 PM.
14/01/2026

📢 Para po sa mga leaders/representative ng mga kasali, mangyari lamang po na um-attend mamaya sa Sto. Nino Capel, 7 PM.

📢 PARA SA MGA NAIS SUMALI SA MGA AKTIBIDAD:

🏃 ATI-ATIHAN FUN RUN 2026
- 10 slots left!
_______________________________________________________________________

JANUARY 17

🏃Ati-atihan Fun Run 2026 I 5:00 AM
— Category: Male and Female (may minimum na 50 participants overall)
— Ang ruta ay 3KM (3 rounds) mula Super 8 paikot sa Kaliraya Hunters.

🏆50th Founding Anniversary Celebration I 5:00 PM
— Bukas sa lahat ng miyembro, dating miyembro, at panauhin ng Samahang Ati-Atihan at lahat ng organisasyon sa ating barangay.
— Layunin ng aktibidad ang pagkilala at pasasalamat sa mga taong nagtatag sa samahan.
— Magsuot ng angkop na kasuotan bilang pakikiisa sa selebrasyon.

🎤Kids Singing Contest I 6:00 PM
— Bukas sa lahat ng batang nasa edad 7 hanggang 13.
— Ang kalahok ay kailangang magdala o maipasa agad ang sariling minus one (instrumental).
— Ang awitin ay dapat naaayon sa edad at kaayusan ng programa.

JANUARY 18
💃 Individual Ati-atihan Costume
— Bukas sa lahat ng indibidwal na nais lumahok.
— Ang kalahok ay dapat magsuot ng kumpletong Ati-Atihan costume na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at diwa ng kapistahan.
— Hinihikayat ang paggamit ng uling/charcoal body paint, tradisyunal na accessories, at headdress.
— Ang mga hurado ay huhusga batay sa:
> Authenticity at Cultural Relevance
> Creativity at Craftsmanship
> Kabuuang Visual impact

⭐ Group Ati-atihan Costume
— Bukas sa lahat ng grupo/tribo na nais lumahok.
— Ang kalahok ay dapat magsuot ng kumpletong Ati-Atihan costume na nagpapakita ng kultura, tradisyon, at diwa ng kapistahan.
— Hinihikayat ang paggamit ng uling/charcoal body paint, tradisyunal na accessories, at headdress.
— Ang mga hurado ay huhusga batay sa:
> Authenticity at Cultural Relevance
> Creativity at Craftsmanship
> Kabuuang Visual impact

👕T - Shirt Design Competition
— Bukas sa lahat ng nais lumahok sa disenyo ng T-shirt.
— Ang disenyo ay dapat may Ati-Atihan motif at malinaw na ugnayan sa tradisyon at kapistahan.
— Ang mga hurado ay huhusga batay sa:
> Relevance sa tema ng Ati-Atihan
> Originality at creativity
> Kaayusan at pagiging angkop sa T-shirt printing

Sa iba pang detalye at impormasyon, mag message lamang sa ating page. Magtanong at magpalista ang mga makikilahok sa mga aktibidades.

Address

Barangay Tatalon
Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Ati-atihan Aquiñian Tribe - Tatalon Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share