18/02/2017
Maging Mapagpakumbaba ..
( Mapalad ang mga mapagpakumbaba - Mateo 5:5a )
,
Humility is not simply the absence of pride and arrogance. More importantly, humility is the presence of godly qualities in a person. Ito ang pangingibabaw ng mga maka-Diyos na katangian sa isang tao.
Let me share with you ang 4 na katangian nang kapakumbabaan !
,
1.) kahandaang maging pangatlo lamang - Pangatlo, sapagkat ang una'y ang Diyos. ang motto dito ay ang tulad ni Juan Bautista, " Kinakailangang Siya'y maging dakila at ako naman ay mababa."
ang pangalawa ay ang kanyang kapwa. Ang sinusunod dito ay ang tagubilin ni Pablo sa Roma 12:10b, "Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo." at Pangatlo lamang ang kanyang sarili .
,
2.) Pagiging mahinahon sa pakikitungo sa iba -- Ang isang taong mapagpakumbaba ay "soft-spoken" , galit na'y malumanay pa sa pagsasalita at mahinahon pa sa pakikipagusap. Hindi siya nagsasalita nang masama sa kanyang kapwa at ang nakikita niya'y ang maganda nitong katangian sa halip na kapintasan.
,
3.) Kakayanang aminin nang maluwag sa loob ang sariling pagkakamali --- Ayon sa pagaaral the most difficult words in the english language are the words " I Was Wrong " kahit sa wikang Pilipino, ito rin siguro ang mahirap bigkasin " kasalanan ko , Nagkamali ako." Mapalad tayo kung sa atin ay matamis na lenggwahe ang pagsasabing "I Was Wrong " kung aaminin natin nang maluwag sa loob ang ating mga pagkakamali.
,
4.) Pagkukusang gumawa ng kabutihan sa iba nang walang hinihintay na kapalit ---- Mas gugustuhin ng isang taong mapagpakumbaba na siya'y malamangan kaysa manlamang; Magbigay kaysa pagbigyan , magpasensya kaysa pagpasensyahan , maglingkod kaysa paglingkuran. kapayapaan at pakikipagsundo, hindi away ang hinahanap niya . mapalad tayo mga tiga JtSF kung sa ating puso'y laging nangingibabaw ang ang Espiritu ng pagpapahalaga at pagbibigay sa kapwa
God bless every one ! :-)