08/02/2026
Sa bawat pagsubok ng araw-araw, hindi tayo nag-iisa. Bukas, Pebrero 8, muli tayong kakapit sa panalangin at gabay ni Inang Desay.
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa Banal na Misa sa ganap na 5:30 ng hapon, na susundan ng isang maikling prusisyon. Dalhin natin ang ating mga puso sa paanan ng Mahal na Ina.
Inang Desay, ipanalangin mo kami.