05/05/2026
✨*️Happy 3rd Church Anniversary JESUS CHRIST Is The Way The Truth and The Life Church*✨️
🎯 SERMON TITLE:
✨️“Rooted in Christ, Strengthened by Faith”✨️
THEME:💥*Faith That Strengthens the Foundation 💥
TOPIC: ⚡️"You Are BUILT Up In Christ"⚡️
👉 Ang buhay mo ay lumalago, tumitibay, at nabubuo dahil kay Cristo.
📖 MAIN TEXT:
📖Colossians 2:6-7📖
As ye have therefore received Christ Jesus the Lord, so walk ye in him:
Rooted and built up in him, and stablished in the faith, as ye have been taught, abounding therein with thanksgiving.
📖 Colossians 2:6–7📖
“So then, just as you received Christ Jesus as Lord, continue to live your lives in Him, rooted and built up in Him, strengthened in the faith…”
🎯 PROPOSITIONAL:
👉 “A church that is deeply rooted in Christ and continually built up in Him will be strengthened in faith, resulting in a stable and enduring spiritual foundation.”
👉 “Ang iglesiang nakaugat nang malalim kay Cristo at patuloy na lumalago sa Kanya ay pinatatag ng pananampalataya, kaya nagiging matibay at hindi matitinag ang pundasyon nito.”
🔰 INTRODUCTION 🔰
"Mga kapatid…
Maraming simbahan ngayon ang gustong lumago—
lumaki ang attendance, dumami ang members, gumanda ang programs.
*Pero ang tanong:
👉 Matibay ba ang Foundation?
👉 Nakaugat ba talaga kay Cristo?
Dahil ang totoo…
Hindi lahat ng lumalaki ay matibay.
May mga bagay na mabilis lumago—
pero madaling bumagsak.
Kaya ang mensahe natin ngayon:
💥 Ang tunay na iglesia na lumalago ay nakaugat kay Cristo at pinatatag ng pananampalataya. 💥
👉 Ang buhay mo ay lumalago, tumitibay, at nabubuo dahil kay Cristo.
👉 “Kung nais nating maging matibay at hindi matitinag, kailangan nating maunawaan kung paano tayo magiging tunay na nakaugat kay Cristo at pinatatag ng pananampalataya.”
👉 “Ngayon, tingnan natin kung paano nagiging matibay ang isang iglesia na tunay na nakaugat kay Cristo.”
🌻BODY:🌻
🧩 I. 🌱 ROOTED IN CHRIST. (Nakaugat kay Cristo)
📖 “...rooted in Him…” (Colos. 2:7)
Ang salitang “rooted” ay mula sa larawan ng isang halaman na malalim ang ugat.
Ibig sabihin, ang buhay ng mananampalataya ay dapat nakatanim at nakakabit kay Cristo—hindi mababaw, hindi pansamantala.
Sa konteksto ng sulat ni Apostle Paul, pinapaalalahanan ang mga mananampalataya na manatiling nakaugat kay Jesus Christ, upang hindi matinag ng maling katuruan o pagsubok.
📌 Point: Ang ugat ang nagbibigay ng buhay at katatagan—kapag tama ang pinag-uugatan, magiging matibay ang buong buhay.
👉 Ang “rooted” ay parang Puno.
*Ang puno na may malalim na ugat:
• Hindi basta natutumba
• Kahit may bagyo, nananatili
Pero ang Puno na mababaw ang ugat:
• Konting hangin lang, babagsak agad
🧑🎤Lesson:🚶♀️"Ang buhay Kristiyano ay parang Puno.
Ang lakas ng puno ay hindi sa taas, kundi sa lalim ng Ugat.
🌳 Kung ang ugat ay malalim kay Cristo:
• Matatag sa Pagsubok.
• Hindi agad natitinag sa Problema.
• Nanatiling matibay kahit may bagyo ng buhay.
🌿 Pero kung mababaw ang ugat:
• Madaling matumba sa Problema.
• Madaling maapektuhan ng tukso at panghihina.
🔑 :
Ang pagiging Kristiyano ay hindi lang sa pagdalo sa church,,,,,
kundi sa siya ay may tunay na relasyon at pananatili kay Jesus sa Puso.❤️
💡 Application:🚶
• Hindi sapat ang “church attendance”
• Kailangan may personal relationship kay Jesus.
📖 Ephesians 3:17
“That Christ may dwell in your hearts through faith…”
👉 Hindi mo lang sana kilala si Jesus—
Kundi ang dapat ay nakatira Siya sa Puso mo.❤️💖
🔥 Hamon:
👉 Gaano kalalim ang ugat mo kay Cristo?
👉 Surface lang ba o tunay na nakatanim?
👉 Nakaugat ka ba talaga, o naka-surface lang?
🧱 II. BUILT UP IN HIM (Lumalaki kay Cristo)
📖 “…built up in Him…”
👉 Hindi sapat na nakatanim—
kailangan lumago.
"Ang Christian life ay:
• Hindi stagnant
• Hindi paurong
• Kundi pataas at palalim
📖 1 Corinthians 3:11
“For no one can lay any foundation other than… Jesus Christ.”
*Ang buhay Kristiyano ay hindi lang tungkol sa “starting point,”
kundi sa patuloy na pag-usbong kay Cristo.
💡 Paano tayo nabubuild Up?
~ "Give Emphasis for the Youth" ~
• 📖 Salita ng Diyos.
• 🙏 Panalangin.
• 🤝 Fellowship.
• 🎧 Pakikinig sa aral.
👉 Kung walang growth, delikado.
🌱 Ang tunay na nananampalataya ay:
❎️ Hindi nananatiling pareho.
❎️ Hindi umaatras
✅️ Kundi lumalago Araw-araw
🔥 Truth: 👉 Ang hindi lumalago, nanghihina.
👉 Ang nanghihina, madaling matumba.
🧑🎤Lëssòn:🚶♀️Simple Truth:
Kung walang growth, may spiritual danger.
Ang hindi lumalago sa pananampalataya ay humihina at madaling matumba.
👩🎤🚶➡️Short Applications:🚶
👉 Magbasa ng Salita ng Diyos araw-araw
👉 Manalangin hindi lang kapag may problema
👉 Makisama sa mga taong nagpapalakas ng faith. . .
👉 Makinig at magpaturo sa tamang aral tungkol kay Cristo.
🔥 Final Challenge:
👉 Lumalago ba ang faith mo o stagnant lang?
👉 Nakikita ba sa buhay mo ang pagbabago kay Cristo?.
Note: Explain the Foundation.
1. Examine yourself.
💪 III. STRENGTHENED IN FAITH. (Pinatatag ng Pananampalataya)
📖 “…strengthened in the faith…”
👉 Ito ang susi ng stability. ("Katatagan, katibayan, pagkamatatag)
Hindi trials ang nagpapabagsak—
👉 kakulangan ng Pananampalataya.
📖 Hebrews 11:1 - Now faith is the assurance (^title deed, confirmation*) of things hoped for (*divinely guaranteed,*) and the evidence of things not seen [*the conviction of their reality—faith comprehends as fact what cannot be experienced by the physical senses.']
↪️ “Ang pananampalataya ay ang matibay na katiyakan ng mga bagay na ating inaasahan—isang banal na kasiguraduhan; at ang matibay na patunay ng mga bagay na hindi nakikita—isang paniniwalang itinuturing na totoo ang hindi kayang makita o maramdaman ng ating mga pandama.”
~ ito ang tunay na ibig sabihin ng faith mga kapatid. Yung naniniwala kana kahit hindi mo pa talaga nakikita, nahahawakan o nararamdaman man.
“Faith is Confidence sa tagalog,,, (Kumpyansa, Pananalig, Pagtitiwala)… Assurance…”
📖 Matthew 7:24–25
👉 Wise man built his house on the rock.
👉 ( "Emphasis" )
"Ang taong marunong (wise man) ay hindi lang nakikinig sa salita ng Diyos—ginagawa niya ito.
👉 Ang “bahay” = ang ating buhay
👉 Ang “bato (rock)” = matibay na pundasyon (ang Salita ni Cristo)
💡 :
Kung ang buhay mo ay naka-base sa pagsunod kay Cristo, magiging matatag ka kahit dumaan sa:
🔛 Problema
🔛 Pagsubok
🔛 Bagyo ng buhay
📌 Hindi maiiwasan ang bagyo—pero maiiwasan ang pagbagsak.
💡 :
• Darating ang bagyo (problema, pagsubok, conflict)
• Pero kung may faith ka → mananatili ka...
Sapagkat ang Foundation mo ay walang iba po kundi,,, Ang Salita ng Diyos at si Cristo alone.!!! Amen..
Sa konteksto, ito ay galing sa pagtatapos ng Sermon on the Mount.
👉 Dito, kinokontrasta ni Jesus Christ ang dalawang uri ng tao:
1. Nakikinig lang - (foolish)
2. Nakikinig at sumusunod - (wise)
📌 Key Idea:
Ang tunay na pananampalataya ay hindi lang pakikinig—kundi pagsunod.
👉 Ang “rock” ay tumutukoy sa:
• Mga turo ni Cristo
• Pamumuhay ayon sa Kanyang salita
⚖️ TYPOLOGICAL INTERPRETATION: (Mas Malalim / Symbolic).
Sa typology, ang “Rock” ay larawan ni:
👉 "Jesus Christ Himself"
📖 Ibang verses na sumusuporta:
▪︎ Siya ang Cornerstone. (*Batong Panukala*)
▪︎ Siya ang matibay na Pundasyon ng buhay.
💡 Spiritual Picture:
🏠 Bahay = Buhay mo
🪨 Bato = Si Cristo
🌧️ Bagyo = Trials, Temptations, Persecution. . .
📌 Meaning:
Kung si Cristo ang Pundasyon mo,
👉 kahit anong bagyo—hindi ka guguho.
💥 PREACHING THOUGHT (Simple Punchline)
👉 “Ang matibay na buhay ay hindi nakabase sa narinig—kundi sa sinunod.”
👉 Hindi sapat na makinig lang sa salita ng Diyos.
👉 Ang tunay na tibay ng buhay ay nakikita sa pagsunod at paggawa nito.
👉 “Hindi pakikinig ang basehan ng tibay—kundi pagsunod.”
👉 “Ang buhay na matibay ay buhay na sumusunod.”
👉 “Hindi sapat ang alam—dapat isinasabuhay.”
👉 “Ang narinig, kapag isinabuhay—nagiging matibay na Pundasyon.”
🔥 Application: 👉 Ang matibay na iglesia ay:
▪︎ Hindi basta natitinag......
▪︎ Hindi basta sumusuko.....
▪︎ Patuloy kahit mahirap.....
🌈🎯 CONCLUSION :🎯
"Mga kapatid…
💥 Ang tunay na paglago ay hindi lang dami—kundi tibay. 💥
Tanong:
👉 Nakaugat ka ba kay Cristo?
👉 Lumalago ka ba spiritually?
👉 Pinapatatag mo ba ang pananampalataya mo?
👉 “Deep roots in Christ produce strong faith and a stable church.”
👉 Tagalog:
“Ang malalim na ugat kay Cristo ang nagbubunga ng matibay na pananampalataya at matatag na iglesia.”
🙏 ALTAR CALL / CHALLENGE:
Kung nararamdaman mo na:
• Mababa ang faith mo
• Mababaw ang ugat mo
• O nanghihina ka spiritually
👉 Ngayon ang oras para bumalik at magpalalim kay Cristo.
CALL TO ACTION CONCLUSION (Final Challenge):
Mga kapatid…
Ang mensahe ng Panginoon sa atin ngayon ay malinaw:
👉 Hindi sapat na tayo ay dumalo lang sa church… 👉 Hindi sapat na tayo ay may kaalaman lang tungkol kay Cristo…
👉 Hindi sapat na tayo ay mukhang lumalago sa panlabas…
💥 Ang tanong ay: Gaano tayo kalalim kay Cristo?
Dahil ang tunay na buhay na matibay ay hindi yung mabilis lumago sa labas—kundi yung malalim ang ugat sa loob.
👉 Kung mababaw ang ugat mo—madali kang matitinag.
👉 Kung hindi ka lumalago—madali kang manghihina.
👉 Kung hindi nakasandig kay Cristo—madali kang guguho sa bagyo.
Pero kung ikaw ay:
🌱 Nakaugat kay Cristo
🧱 Lumalago sa Kanyang Salita
💪 Pinatatag ng pananampalataya
💥 Mananatili kang matatag kahit anong bagyo ang dumating sa buhay mo.
🔥 FINAL CHALLENGE:
👉 Huwag kang manatiling mababaw.
👉 Huwag kang manatiling stagnant.
👉 Huwag kang maging Kristiyanong panlabas lang.
💥 Lumalim ka kay Cristo. Lumago ka sa pananampalataya. Magpatuloy kang itayo sa Kanya.💥
🙏 Kaya ngayon…
👉 Piliin mong bumalik sa ugat.
👉 Piliin mong lumago muli.
👉 Piliin mong patatagin ang iyong pananampalataya.
💥 Dahil ang buhay na nakaugat kay Cristo ay buhay na hindi matitinag.💥
✨ “Lord, take me deeper. Root me stronger. Build me higher in You.” ✨
🙏 CLOSING PRAYER 🙏
Ama naming Diyos,
Maraming salamat po sa Iyong Salita.
Panginoon, amin pong inaamin…
may mga pagkakataon na mababaw ang aming ugat,
mahina ang aming pananampalataya,
at madaling natitinag ang aming buhay.
Ngunit ngayon, Panginoon…
nais naming maging nakaugat sa Iyo.
Itanim Mo kami nang mas malalim kay Cristo.
Patibayin Mo ang aming Pundasyon.
Palaguin Mo ang aming Pananampalataya.
Sa gitna ng bagyo ng buhay—
turuan Mo kaming manatiling matatag.
Gawin Mo kaming iglesia na:
✔ Nakaugat sa Iyo
✔ Lumalago sa Iyo.... ✔ At pinatatag ng pananampalataya
Ito ang aming dalangin,
sa pangalan ni Jesus.
Amen. 🙏