15/08/2026
SAN TARCISIO, PATRON NG MGA SAKRISTAN
Ngayong araw, ating ginugunita ang Pista ni San Tarcisio, isang kabataang martir ng Unang Simbahan at ang dakilang Patron ng mga Altar Server o Sakristan. Sa kabila ng kanyang kabataan, buong-tapang niyang ipinagtanggol ang Banal na Eukaristiya mula sa mga nagnanais na lumapastangan dito, hanggang sa ialay niya ang kanyang sariling buhay para sa Banal na Sakramento.
Nawa'y maging huwaran natin si San Tarcisio sa pagpapakita ng labis na pagmamahal, paggalang, at katapatan sa Banal na Eukaristiya sa gitna ng anumang pagsubok.
SAN TARCISIO, IPANALANGIN MO KAMI!