07/05/2026
CALLING FOR DONATIONS!
Mula po sa bumubuo ng Kabataan ng San Benito, gayundin sa buong komunidad ng ating kapilya, kami po ay buong pusong kumakatok sa inyong mga puso upang humingi ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Santan St. noong ika-30 ng Abril.
Kabilang po sa mga naapektuhan ng nasabing sunog ang ilan nating mga kabataang naglilingkod sa ating kapilya. Sila po, kasama ang kanilang mga pamilya, ay nawalan ng tahanan at ang iba ay wala pong naisalbang anumang gamit.
Sa mga nais pong tumulong, ito po ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan:
β’ Cash donations
β’ Tubig na maiinom
β’ Lutong pagkain
β’ Easy-open canned goods
β’ Bigas
β’ Hygiene kits
β’ Storage boxes / karton
β’ Tsinelas
β’ Banig, unan, at kumot
β’ Powerbank
Ang kahit piso o anumang tulong na bukal sa inyong kalooban ay malaking bagay na po upang mabigyan sila ng kaunting ginhawa, pag-asa, at suporta sa kanilang muling pagbangon.
Bilang bahagi po ng ating pagtutulungan at pakikiisa,
magkakaroon po tayo ng βPiso mula sa Pusoβ pagkatapos ng bawat misa tuwing Linggo. Ang lahat po ng malilikom ay direktang ilalaan upang makatulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
Maaari rin po kayong mag-message sa aming FB Page para sa inyong mga katanungan at iba pang detalye. Maaari rin pong
direktang kontakin ang isa sa SBYCG Youth Officer na si Shen Lee sa numerong 09267793709.
Taos-puso po kaming humihiling ng inyong malasakit at pakikiisa. Sama-sama po nating ipakita ang diwa ng bayanihan, pagkakaisa, at pagmamahal sa kapwa.
Maraming salamat po at nawaβy patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal. π