21/07/2016
A moment of silence... Let us pray...
Panalangin ng Isang Lider
Ama naming makapangyarihan,
Nagpupuri kami at nagpapasalamat sa Iyo,
Sa pagbibigay Mo sa amin ng isang Dakilang
Pastol β ang Iyong bugtong na Anak na si Hesus,
Upang maging huwaran naming mga namumuno.
Ang pamumuno ay tulad ng tubig,
Nawa gamitin Mo po kami bilang mga inuming nakapapawi sa mga nauuhaw Mong mga tupa.
Ang pagiging isang Lider ay isang biyaya,
Nawa lagi naming maalala na ang tungkulin na ito ay isang prebelehiyo naibinigay Mo sa amin.
Ang pamumuno ay tulad ng isang Lampara,
Nawa aming mabigyang liwanag ang lahat ng aming nasasakupan na ngayon ay nadidiliman sa kanilang buhay paglilingkod.
Ang isang lider ay tulad ng isang pastol,
Nawa gamitin Mo kami upang Iyong mapastol ang lahat ng Iyong mga tupa at matipon ang lahat sa Iyong kawan.
Ang pamumuno ay isang uri ng pagbibigay,
Nawa aming maialay sa Iyo ang aming buong sarili upang kami ay Iyong maging daluyan ng pagpapala at biyaya sa lahat.
At higit sa lahat, ang pamumuno ay Pag-ibig,
Nawa lagi Mo pong ipadama sa amin ang Iyong Dakilang Pagmamahal sa tuwing kami ay nabibigatan at nalulumbay.
Panginoon, sa aming mga kahinaan at pagkukulang, kahabagan Mo po kami at patuloy na akayin Mo kami sa iyong pastulan.
O Hesus, itinataas namin sa Iyo ang aming pinakamamahal na Patriarka, Juan Florentino, na nawa patatagin Mo po siya at bigyan ng kalakasan upang suya po ang magsilbing inspirasyon naming mga lider. Siya po ang nagturo at nagpadama sa amin na sa pamamagitan ng paghihirap ay mas lalo naming madadama at makikita ang Iyong Dakilang Kapangyarihan bilang aming Diyos at Panginoon.
Itinataas din namin sa Iyo ang lahat ng mga namumuno sa aming simbahan at sa aming pamayanan na nawa bigyan Niyo po sila ng sapat na karunungan at pagpapala at nawa ang Iyong kalooban ang masunod.
Higit sa lahat, ipinagkakatiwala ko po sa Iyo ang aking sarili upang ako ay makapagbigay ng marubdob na paglilingkod sa Iyong sambayanan.
Oβ Aming Ama, itoβy idinadalangin ko sa Iyo sa ngalan ng Bugtong mong Anak na si Hesus, kasama ng Mahal na Ingkong ang Diyos Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Maria, Huwaran ng mga Namumuno, lukuban mo po kami ng iyong pagmamahal.
Sta. Maria Virginia, ipinalangin at ipamagitan mo po kami sa buong Santisima Trinidad.
Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen.