17/05/2026
๐๐๐ญ๐ก ๐๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ | Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ika-60 World Day of Social Communications, kasabay ng ginaganap na Commissioning for Renewal of Commitment ng mga Social Communications and Media Ministry sa ibaโt ibang parokya ng Diocese of Novaliches.
Sa pagdiriwang na ito, kinikilala at pinapahalagahan natin ang mga social communicators na buong pusong naglalaan ng panahon, talento, pagod, at dedikasyon upang maihatid ang Mabuting Balita sa mas maraming tao sa pamamagitan ng media at digital platforms. Sa likod ng bawat larawan, livestream, caption, video, at produksiyon ay mga lingkod na tahimik ngunit tapat na naglilingkod para sa misyon ng Simbahan.
Sa panahon kung saan mabilis ang daloy ng impormasyon, nawaโy patuloy nating mapanatili ang tunay na mukha at tinig ng sangkatauhan, isang komunikasyong may katotohanan, malasakit, at pananampalataya.
Pagpupugay sa lahat ng mga SocComm ministers, media volunteers, photographers, writers, editors, broadcasters, at production teams na naging daluyan ng ebanghelisasyon sa digital age.
Maraming salamat sa inyong paglilingkod. Patuloy nating gamitin ang media hindi lamang upang magbahagi ng impormasyon, kundi upang magdala ng pag-asa, pagkakaisa, at presensya ni Kristo sa bawat tahanan at puso.